Chapter 10

2552 Words
UMASIM agad ang mukha ni Noah nang pumasok si Walter sa recording studio ng Stoneroot Music Philippines, ang record label ng Osmosis.  Napatigil sila sa pagre-rehearse ng kantang ire-record nila.  Nilapitan siya ni Walter. “What is the meaning of this?” salubong ang mga kilay nitong tanong at initsa sa harap niya ang resignation letter na ipinasa niya sa Queen Tech Philippines.   “Malinaw naman kung ano’ng nakasulat diyan,” salubong din ang mga kilay niyang sagot. Halatang kababalik lang ni Walter mula sa kung saang conference na dinaluhan dahil noon lang nito nalamang nag-resign na siya sa trabaho.  “Pare naman, hindi naman natin kailangang umabot pa sa ganito.” “Sana naisip mo ‘yan bago mo ako tinraidor,” asik niya.  “I never did that. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?”  “Really? Kaya pala nakita kayo ni Natalie na magkasama sa mall.” “Nagkataon lang na nagkita kami,” paliwanag pa ni Walter. “Ang mali ko lang, hindi ko sinabi sa ‘yo na ex ko si Bethany.”  “Noah, pare, totoo ang sinasabi ni Walter,” singit ni Fraimond na kaibigan na ni Walter mula pa pagkabata. “Ako lang ang nagsabi sa kanya na break na kayo ni Bethany at nagpursige na pormahan uli niya si Bethany. High school pa lang kilala na namin si Bethany at may past sila ni Walter. Nag-pretend si Bethany na hindi niya kami kilala kaya naki-ride on na lang kami.”  Hindi nakasagot si Noah sa rebelasyon ni Fraimond.  “Pare, patawarin mo na si Walter at mag-ayos na kayo. Ang hirap na nagkakagulo tayo,” sabi naman ni Mico.  “Ano’ng patawarin? Hindi ko nga tinraidor si Noah,” nandidilat ang mga matang asik ni Walter kay Mico.  Hindi napigilang mapangiti ni Noah. “Do you really love her?” tanong niya kay Walter.  “Yes,” walang gatol nitong sagot. “Nang malaman kong break na kayo ni Bethany, hindi na ako nakatiis. I want to win her back because I still love her.” May kislap pa sa mga mata nito nang sabihin iyon. He must really be in love with Bethany.  “All right.” Noah understood and he believed him.   “Am I forgiven?” “Akala ko ba wala kang kasalanan sa akin? So, bakit kita kailangang patawarin?” “Wala nga. Thank you, pare!”  Hindi nakakilos si Noah nang bigla siyang yakapin ni Walter. Natatawang tinapik-tapik na lang niya ang balikat ng kaibigan. Dinampot ni Walter ang resignation letter niya na nalaglag sa sahig at nilumukos. “So, itatapon ko na ‘to sa basurahan? Babalik ka na sa Portland at tatapusin mo ang training mo.”  Umiling si Noah. “Resigned na talaga ako, pare.” “Pare naman, I thought we’re okay.”  “Yes, we’re okay.” “The company needs you. And we’ve invested in your training already. Puwede kang makasuhan.”  “You’re now the CEO. Gawan mo na lang ng paraan.” Napabilis ang promotion ni Walter nang biglang nagkasakit ang daddy nito at maagang nagretiro. Tinignan niya ang mga kaibigan. “I have other plans. Babalik ako sa Portland and it will be for good.” Sinabi niya ang kanyang mga plano. Nagulat ang mga ito. Ang iba ay tumutol pero sa huli, naindintihan din siya. “HEY, CHEER UP. Babalik din ‘yon.”  Isang matipid na ngiti ang isinagot ni Marie kay Luke. May worship sila nang sa araw na iyon pero wala siyang kasigla-sigla. She missed Noah badly. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang bumalik ito sa Pilipinas. Halos araw-araw naman ay nag-uusap sila pero hindi pa rin iyon sapat sa kanya. She wanted to see him in person and be with him again.  Kung kailan babalik ang boyfriend niya, hindi niya alam. Wala itong sinasabi at ayaw naman niyang magtanong. Alam niyang hindi ganoon kadali para kay Noah na bumalik sa Portland at iwan ang ina at kapatid nito, kahit pa sabihing dadalawin lang siya.  Matiyaga na lang niyang hihintayin ang pagbabalik ni Noah tulad ng ipinangako nito.  Pagkatapos ng worship, sumama pang mamasyal si Marie sa mga kaibigan niya. Kahit paano ay nalibang siya. Gabi na siyang umuwi.  Nagulat siya nang madatnan si Noah sa loob ng bahay niya. Ngumiti ito at agadna bumangon sa couch nang makita siya. Hindi niya napigilan ang sariling sugurin ito ng yakap. “I’ve missed you. I’ve missed you so much!” paulit-ulit na bulong nito sa tainga niya habang mahigpit siyang yakap.    “I’ve missed you more.”  Nagtagpo ang kanilang mga labi at matagal na naghinang.  “Bakit hindi mo man lang sinabi na ngayon ang balik mo?” tanong ni Marie pagkatapos ng halik. “Gusto kasi kitang sorpresahin.”  “Well, you did.”  They kissed again, longer and deeper. Then Noah carried Marie to her room. At doon ay mas malaya nilang ipinadama sa isa’t-isa ang pagka-miss sa isa’t-isa. MAY ngiti sa mga labing nagmulat ng mga mata si Marie. Nakatingin sa kanya ang guwapong mukha ni Noah.  "Good morning,” he said and planted a kiss on her lips.  "‘Morning. Nakatulog ka bang mabuti?”  "Okay lang. Ang likot mo pa lang matulog,” biro nito.  Napalo niya ang boyfriend sa balikat. Hinuli nito ang kamay niya at hinalikan.  “Noah…”  “Hmm?”  “About last night, why didn’t you -”  “I told you I could wait for the right time. Although, it was really hard to sleep beside you without doing anything. Pero kaya ko namang magtiis.”  Sa narinig, lalong nag-umapaw ang puso ni Marie sa pagagmamahal sa lalaki. Sinapo niya a ang mukha nito at mariing hinalikan sa mga labi. “I love you.”  She almost willingly surrendered herself to him last night. Pero gaya noong unang silang humantong sa ganoong sitwasyon, sa huli ay tumigil si Noah. Niyakap siya ng lalaki hanggang sa makatulog sila.  “I love you, too.” Si Noah naman ang humalik sa kanya. “Tapos n’yo nang i-record ang new album ng Osmosis?” tanong niya mayamaya.  “Yes. May dala akong sample. ‘Parinig ko sa ‘yo mamaya.”  Pagkalipas ng tatlumpung minuto, magkasalo na silang kumakain ng almusal sa kusina.  “What are your plans for today?” tanong ni Noah bago humigop sa kape.  “Hmm… wala naman. I’m free the whole day. But tomorrow, magkikita kami ng agent ko para pag-usapan iyong gig ko sa Vancouver next week. Ikaw, hanggang kailan ka ba rito?” “For as long as you live here.” “Ha?”  Ibinaba ni Noah ang mug. “What if I tell you that I’ll never leave again? That I am staying here for good?” “A-are you serious?”  Tumango si Noah. “Tinanggap ko na ang partnership na inaalok ni Jared. Hindi ba niya sinabi sa ‘yo?” “We seldom see each other these past few days. Wala rin sila ni Tracy sa worship kahapon. Busy yata sa preparations ng wedding nila and among other things.” “‘Yong magiging business namin ang inaasikaso ni Jared sa among other things na ‘yon,” nakangiti nitong sabi. Gustong magtitili ni Marie sa sobrang tuwa pero nagpigil siya. “Pero paano ang family mo at mga kaibigan sa Pilipinas? Si Natalie?”  “They were surprised and some of my friends did not agree. Pero nakapagdesisyon na ako at wala akong balak papigil.  They were supportive later on except for Natalie. Hindi na niya ako kinausap hanggang sa umalis ako.  Pero kilala ko ang batang ‘yon. Eventually, maiintindihan din niya.”  “Parang ikaw na kasi ang tumayong tatay sa kanya, ‘di ba?” Tumango ito.  “‘Di ba, next year ga-graduate na si Natalie ng high school? Why don’t you ask her to live and study here? I’m sure makakabuti sa health condition niya kung dito siya titira. Pati na rin ang mama mo.”  “Actually, Mama already suggested that. Hindi pa nga lang namin nasabi kay Natalie dahil ayaw nga niya akong kausapin. Bahala na raw si Mama na magsabi sa kanya. Pero tumanggi si Mama na tumira dito. She doesn’t want to leave the Philippines. Masaya raw siya sa trabaho niya at sa pagtulong sa foundation kasama ng mga friends niya.”  “Nagkaayos na ba kayo ni Walter? “Yes. I believe na hindi naman niya talaga ako tinraidor.” Nagkuwento ito tungkol sa past ni Walter at ni Bethany.   Matamang tinitigan ni Marie ang boyfriend pagkatapos. “You really are gonna stay here for good?”  “Yes.”  Tumili na siya nang pagkalakas-lakas. Naglambitin pa siya sa leeg ng lalaki at pinupog ng halik sa mukha. “Why don’t you stay here?”  “That’s not a good idea, hon.”  Bahagya siyang humiwalay rito. “Why not?” “Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan mo, at ng parents mo kapag nalaman nilang nagpatira ka rito ng lalaki?”  “You’re in the States, Noah. Normal na iyon dito,” natatawa niyang sabi. “Kahit na.”  “Ang arte mo naman. Parang hindi ka lumaki rito. Wala namang magiging problema sa parents ko. They’re open-minded. Dati na rin kasing tumira si Martin dito.”  “Huh? You mean, totoo iyong rumors sa inyo ni Martin?” gulat nitong sabi. “You knew about the rumors?” Tumango si Noah. “Nabanggit sa akin ni Natalie. I also Googled it.” Bumuntong-hininga si Marie at kumalas dito. Umayos siya ng upo sa silya. “It’s not true, Noah. ‘Di bale nang maging old maid ako habang-buhay huwag lang akong manira ng isang relasyon. What happened was, nag-confide si Martin sa akin ng problema nila ni Sabrina. He was so frustrated that night. Gusto kasi ni Sabrina na lumipat sila sa New York para ma-pursue niya ang dream niyang maging theatre actress. Ayaw ni Martin dahil lucrative na ang Submarine at gusto niya ang simpleng pamumuhay rito.  “I consoled Martin by hugging him. He hugged me back. Ang eksenang iyon ang nakita ni Sabrina. Nagkaroon siya ng maling interpretasyon at inakala na may relasyon kami ng asawa niya. Hindi siya naniwala sa paliwanag namin ni Martin. Nag-quit siya sa grupo namin at nagpunta sa New York.”  “I see.” “Naniniwala kang wala kaming naging affair ni Martin?” Tumango ang lalaki. “I believe you.”  Nakahinga nang maluwag si Marie. “Thanks. Martin used to live here dahil nagpa-renovate siya ng bahay. So please stay here. It’s makes no difference naman.”  “There is. Friend mo lang si Martin while I am your boyfriend.”  “Ang arte mo talaga!” Nagdadabog tumayo siya pero pigilan ng lalaki. “Why don’t we put it this way? Let’s get married para maging legal ang pagsasama natin.” “Huh?” “Let’s get married, Marie,” pag-uulit ni Noah. “I want to marry you.” “A-are you serious?” “Of course! Hindi ako nagdesisyong mag-settle down dito at iwan ang lahat ng mahalaga sa akin sa Pilipinas dahil lang sa business.” Biglang bumaba ang timbre ng boses nito. “I’ve found a person I want to spend the rest of my life with, so I decided to settle down here, too. And you’re that person, Marie.”  “Nasaan ang singsing?” naiiyak niyang tanong.  “Wala pa, bibili pa lang ako.” “O-okay.” “So, magpapakasal na tayo?” may pag-asam sa boses nitong tanong.“Noah…” Hinaplos niya ang pisngi ng boyfriend. “My answer is ‘no’.” “Huh? Tumatanggi ka dahil wala pa akong singsing? Ngayon din ay bibili ako.” Tatayo sana si Noah pero mabilis niyang pinigilan sa braso.  “Noah, you know I truly love you. You’re the best boyfriend in the whole world. I want to be with you.  Everyday. Pero ayoko pang magpakasal dahil bago pa lang tayo. But eventually we will. Hindi natin kailangang magmadali. Gusto ko lang na mas makilala pa natin nang mabuti ang isa’t-isa bago tayo magpakasal. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang family mo at gan’on ka rin sa family ko. Ayokong mauwi tayo sa divorce tulad ng karaniwang mag-asawa rito sa States.  I hope you understand.”   Sandaling katahimikan ang nagdaan bago ito tumango at ngumiti. “I understand.”  Nakahinga nang maluwag si Marie. Kinintalan niya ang boyfriend ng halik sa mga labi. “Thank you.”  Nagpatuloy na sila sa pagkain.  Mayamaya, tumunog ang doorbell.  “Ako na,” boluntaryo ni Noah at pumunta sa front door.  Pero nang marinig ni Marie na si Martin ang dumating ay mabilis siyang  sumunod sa boyfriend. Naabutan niyang magkayakap ang magkapatid. “Noah is staying here for good,” masayang pagbabalita niya kay Martin.  “Really? Wow!” sambit ni Martin at mas hinigpitan ang yakap kay Noah.  “We’re having breakfast, saluhan mo kami Martin,” alok ni Marie nang magbitiw ng dalawa. “I can’t. Dadaan pa kasi ako sa shop bago ako pumunta sa airport. Dumaan lang ako para magpaalam at ibilin sana ang bahay ko.” “Bakit? Saan ka pupunta?” tanong ni Noah. “Sa New York. Nag-file na kasi siya ng divorce si Sabrina. Kailangan naming mag-usap.” “Oh!” sabi ni Marie.  “I can’t just let her go, Marie. You know I’m still in love with her kahit five years na kaming hiwalay. I gave her space so she could pursue her dreams, kaya hindi ko muna siya inabala. But now, hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin ang asawa ko.” Ngumiti si Marie. “Good luck!” sabi niya at niyakap si Martin.   “Thank you.”  “Good luck, bro. Pero kailan ba ang balik mo?” tanong ni Noah. “I don’t know yet. Habang wala ako si Jeffrey na muna ang bahala sa shop.”  “Magpapasama kasi sana ako sa ‘yo kay Daddy.”  Kumislap ang mga mata ni Martin sa narinig. “Talaga, hindi ka na galit sa daddy mo?” gulat na tanong ni Marie.  Umiling si Noah. “Hindi na.” “In that case, why don’t we go home first? Sa bahay natin sa Hamet, Kuya. Isama rin natin si Marie para maipakilala mo na rin siya kay Dad as your girlfriend,” suggestion ni Martin.  “Akala ko ba pupuntahan mo si Sabrina,” sabi ni Noah.  “That can wait at least for a day.”  Binalingan ni Noah si Marie. “So?”  “Yes, I am free to go,” nakangiti niyang sagot. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD