Chapter 1

3619 Words
“NOAH, sige na, sumama ka na sa amin sa concert.”           Hindi napigilang mapabuntong–hininga ni Noah nang muling marinig ang ilang araw nang inuungot ni Bethany na kausap niya ito sa telepono. Gusto ng girlfriend niyang sumama siya rito at sa pamilya nito bukas ng gabi na manood ng concert ng isang international worship band na kadarating lang sa Pilipinas.     “I’m sorry, Bethany. You can ask anything from me but not this one,” malumanay niyang muling tanggi. Bukod sa hindi siya relihiyoso, hindi sila magkatulad ng relihiyon ni Bethany kaya ayaw niya itong pagbigyan.           Si Bethany naman ang bumuntong–hininga. Alam niyang kaunti na lang ay magtatampo na ito sa kanya. Pero hindi na magbabago ang desisyon niya. “Pupunta ka ba sa bahay mamaya?”           Natuwa si Noah sa biglang pag–iiba nito ng topic. “Yes, babe. Tatapusin ko lang ang trabaho ko, pagkatapos pupunta na ako sa inyo.” Nagtatrabaho si Noah bilang senior computer animator sa Queen Tech Philippines, isang malaking animation and IT company na makikita sa Makati. Sa Amerika ang head office niyon. “Okay. Basta siguraduhin mo lang na darating ka talaga, ha? Darating din kasi ang mga relatives namin all over the metro para makita si Marie. You should meet her.”           “Yes, I’ll be there.” Magkakaroon ng maliit na family reunion sa bahay nina Bethany dahil sa pagdating sa bansa ng pinsan nito na miyembro ng worship band na gusto nitong panoorin nila. Sa totoo lang, hindi siya gaanong interesadong makilala ang pinsan ni Bethany kahit pa sikat daw ang babae at ang banda nito sa buong mundo. Hindi rin niya alam kung totoo ang sinasabi ng girlfriend niya. Hindi siya pamilyar sa worship band. Gusto lang niyang masanay ang pamilya ni Bethany sa presensiya niya bilang nobyo nito kaya sa bawat pag-imbita ni Bethany sa bahay ng mga ito, pumupunta siya. Iyon ay kahit hirap siyang pakisamahan ang pamilya ng girlfriend maliban sa bunso nitong kapatid na si JP na tulad niya ay isa ring musician. Isang buwan pa lang ang relasyon ni Bethany. Kahit hindi sabihin ng girlfriend niya, ramdam ni Noah na hindi siya gusto ng karamihan sa pamilya at mga kaibigan. Bukod sa magkaiba ang mga interes nila, magkaibang–magkaiba rin ang mundong ginagalawan nila ni Bethany. Rakista siya, may pagka-rebellious at nagmula sa isang broken family. Sa isang banda, si Bethany ay nanggaling sa conservative, buo at religious family. English teacher at assistant directress ang girlfriend niya sa isang montessori sa Quezon City na pag–aari ng pamilya nito. Nagkakilala sila sa kasal ng isang mutual friend. Nagandahan siya kay Bethany kaya agad niya itong niligawan. Pagkatapos ng isang buwan ay sinagot na siya ng dalaga.            Napatingin si Noah sa b****a ng cubicle nang bumungad doon si Walter, isa sa mga vice-presidents ng kompanya at matalik niyang kaibigan. Tinanguhan siya ng lalaki nang makitang may kausap siya sa telepono at naupo sa receiving chair sa harap ng desk niya. Minadali na niya ang pakikipag-usap kay Bethany at nagpaalam na rito.  “What’s up, pare?” tanong niya kay Walter nang ibinababa niya ang cell phone.  “Makakapunta ka ba sa gig ng grupo mamaya?”           “Pass muna ako, pare. Pupunta kasi ako kina Bethany.”           “Pare naman, nakailang pass ka na, ah. Nagtatampo na ang grupo sa ‘yo.” Kasama ng isa pa nilang kaibigan na si Hugh Geronimo, dati silang miyembro ng isang sikat na rock band na halos sampung taon nang namamayagpag sa music industry sa bansa, ang Osmosis band. Pero bago pa man pumirma ng kontrata sa isang malaking recording company at sumikat ay umalis na sila sa grupo. Ang apat na mga kaibigan nila na sina Seth, Pascal, Mico at Fraimond ang nanatili sa banda na siya ring nakilala ng publiko at sumikat. Pero hindi naman nila tuluyang tinalikuran ang pagbabanda at mga kaibigan nila. Twice a month, tumutugtog ang Osmosis sa Rock Room, ang sikat na music bar sa Eastwood City kung saan din na-discover ang Osmosis; pag-aari na iyon ngayon ni Seth. Tumutugtog sila kasama ng mga kaibigan bilang bonding na rin nila. Hindi nga lang nakakasama si Noah sa mga gig ng mga kaibigan nitong nakaraang buwan dahil sobrang naging abala siya sa trabaho at kay Bethany. “Promise, next gig sasama na ako. Nakapangako na kasi ako kay Bethany.”           Bumuntong-hininga si Walter. “Parang seryoso ka na sa kanya, ah.” “Oo, pare. I’m in love with her.” Seryoso talaga siya kay Bethany kaya nga gusto niyang mapalapit sa pamilya nito. Despite their differences at sa problema nila sa intimacy, wala na silang hindi pinagkakaunawaan. Ilang araw pa lang ang nakalilipas pagkatapos siyang sagutin ni Bethany ay naging vocal siya sa kagustuhang may mangyari na sa kanila. But Bethany refused. She asked him to wait for the right time. Well, ano pa nga ba ang aasahan ni Noah. Hindi katulad si Bethany ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya na moderno at liberated. Iniintindi na lang niya ang girlfriend niya at hindi na nagpumilit pa. Hindi siya ang tipo ng lalaki na nagtataksil kapag may nakikitang matitipuhan kahit may commitment na. Kaya nagtitiis siya at naghihintay sa sinasabi nitong tamang panahon.           “What? Ikaw, in love?” kunwari ay hindi makapaniwalang sabi ni Walter. Bilang matagal nang magkaibigan, alam na alam nila ang kalokohan ng bawat isa pagdating sa babae.           Natawa si Noah.  “Loko, seryoso talaga ako kay Bethany. Ayoko na ng casual relationship. It’s time for me to have a decent woman.”           Nanlaki ang mga mata ni Walter sa narinig. “What happened to you? Ikaw pa ba ang kaibigan ko?”           Pabiro niyang binato ng nahawakang sign pen ang kaibigan.           Natatawang mabilis na nasalo iyon ni Walter. “I think naiimpluwensyahan ka na ng girlfriend mo kaya ka nagsasalita ng ganyan. At hindi na ako magtataka kung isang araw ay papaputol mo ‘yang buhok mo dahil sa kagustuhan niya.”           “No way, pare. Hindi ko basta ipapaputol ‘tong buhok ko.” Marahan pang hinaplos ni Noah ang medyo kulot at lagpas balikat niyang buhok na naka-pony tail. “And her name is Bethany.”           “Whatever.”           Nawala ang ngiti niya at nakakunot ang noong tinitigan niya si Walter. “You don’t like her, do you?”           “Hindi sa gan’on, pare. It’s just…she’s out of your league. I don’t think magtatagal ang relasyon n’yo,” prangka nitong sabi.           Hindi siya nakapagsalita si Noah, pinigilan ang sariling mainis sa kaibigan. Walter was just being frank. Ganoon naman talaga ito noon pa man kaya nga magkasundo sila. Gusto niya ang mga straightforward na tao gaya nito.           “Anyway, pare,” sabi ni Walter. “Isa ka sa pinagpipilian para ipadala sa head office.”           Kaagad siyang naging interesado sa narinig. “Talaga?”           “Oo, pare. But I’m sure ikaw ang mapipili dahil ikaw ang gusto ni Daddy.”           Napangiti siya sa narinig. “Well, that’s good news.” Promotion na may kasamang training sa States ang tinutukoy ni Walter. Limang taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Mabuti naman at mapo-promote uli siya.           “Yeah. Kaya nga next week ang barkada ang naman ang kasama mo. You have to treat us.”           “Sure, pare.”           Sandaling nagkuwentuhan pa si Noah at Walter tungkol sa mga kaibigan nila bago nagpaalam ang huli.           Nang muling mapag-isa, dinampot ni Noah ang telepono at tinawagan ang suki niyang flower shop para magpa-reserve ng bulaklak na dadalhin niya mamaya kay Bethany.   KANINA pa gustong lumapit ni Marie sa umpukan ni JP at mga kaibigan nito pero hindi siya makawala sa mga tiyahin niya; panay ang tanong ng mga ito tungkol sa pamilya niyang nasa Los Angeles. Kasalukuyang tumutugtog ang banda ng pinsan niya sa maluwang na garden ng bahay. Kanina pa humahanga si Marie sa ganda ng boses at galing sa paggi–gitara ng lalaking nakaharap sa kanya. Sunod-sunod itong kumanta ng songs ng U2, na isa sa mga paborito niyang rock band. Nakabukas ang mga lampposts sa garden kaya kahit lampas alas-siyete na ng gabi, maliwanag pa rin ang paligid. Hindi lang niya masyadong makita ang mukha ng lalaki dahil medyo malayo ito sa balkonahe kung saan siya naroon. Pero maganda ang pigura ng lalaki base sa hugis ng mukha nito at bulto ng katawan.           Dumating si Marie sa Pilipinas kasama ang international worship band niyang Evernation. May one-night concert sila bukas ng gabi sa SMART Araneta Coliseum bilang parte ng Asian tour nila. Binubuo ang band ng American, Bristish, African-American at Asian, at siya ang isa sa mga vocalists at guitarists. Siya rin ang tumatayong worship leader ng grupo. Nang malaman ni Ferdie, kapatid ng mommy ni Marie at daddy ni JP na darating ang Evernation sa Pilipinas, hiniling ng tiyuhin niya na bumisita siya sa bahay nito para makita siya ng iba pa nilang mga kamag–anak. It had been eight years since her family left the country and lived in the US permanently. Hindi makapaniwala ang mga kamag–anak niya na member siya ng international worship band na hinahangaan pa ng mga ito. Biglang naging mabago ang pangalan niya sa mga relatives; naging proud ang mga ito sa kanya. Ang totoo, hindi malapit si Marie sa mga kamag-anak ng mama niya maliban sa pinsan niyang si JP na kapwa niya musician. Wala siyang sama ng loob sa relatives niya - tumatanaw siya ng utang-na-loob - pero hindi niya makalimutan ang hindi magandang pagtrato ng mga ito sa kanila ng mama niya at sa kakambal niyang si Mario noong panahong walang-wala sila. Nabuntis is Anita, ang mama ni Marie, ng isang Amerikanong businessman na nagbbakasyon lang sa Pilipinas. Dahil ulila na sa mga magulang at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang mama ni Marie, si Tito Ferdie ang kumupkop at sumuporta sa kanilang mag-iina kapalit ng paninilbihan nila sa pamilya nito. When Marie was fifteen, habang namimili silang mag-iina sa isang supermarket, aksidenteng nabangga ng mama niya si Mike Hauteusseres, ang papa niya. Galit sa umpisa si Anita dahil hindi pa rin nito nakakalimutan ang ginawang pag-abandona ni Mike sa kanila. Pero paulit-ulit na humingi ng tawad ang papa ni Marie. Hindi pala alam ni Mike na nabuntis nito ang mama niya. Lumambot ang puso ni Anita at pinatawad ang lalaki. Malaki ang resembrance ni Marie sa papa niya kaya hindi nagduda si Mike na anak siya nito. Dalawang taon na palang diborsiyado si Mike at walang anak. Eventually, nagkabalikan sina Anita at Mike at nagpakasal. Nagpalit sila ng surname at later on, isinama na sila ni Mike sa Amerika. Nang lumapit ang dalagitang pinsan ni Marie sa isa sa mga tiyahin niya, sinamantala niya ang pagkakataon at mabilis na nagpaalam. Nagpunta siya sa garden. Sandali siyang natigilan nang matanaw na nag-iisa na lang ang lalaki na kanina pa niya hinahangaan, kasama ang mga musical instruments. Hindi niya napansin na umalis si JP at mga kaibigan nito. Kalong pa rin ng lalaki ang acoustic guitar at inaayos ang strings. Nang ilang metro na lang ang layo ni Marie sa lalaki, bigla siyang napatigil sa paglalakad. Nahigit niya ang hininga nang makita sa malapitan ang mukha nito. She had been with gorgeous men, sanay siyang makakita ng mga hot and gorgeous Hollywood actors, sports personalities, at international models. Malapit lang kasi sa Burbank, California ang bahay ng parents niya. May mga kaibigan din siyang Hollywood celebrities at musicians. Pero walang duda, ang lalaking ito ang isa sa mga pinakaguwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Clean shaven. Almond-shaped eyes with long lashes. Pinkish lips, prominent jawline. Parang tuka ng parrot ang matangos nitong ilong. May cleft sa baba. Maputi at makinis ang balat. Nakadagdag sa appeal ng lalaki ang lagpas balikat nitong buhok na nakalugay at bahagyang kulot. Bumaba pa ang tingin ni Marie, bumabakat ang hapit na black T–shirt ng lalaki sa malapad nitong mga balikat. Hindi man maskulado, lean ang katawan nito He was sexy. Sa porma nito, hindi na siya magtataka kung front man ang lalaki ng isang rock band. Siguro ay kabanda nito si JP, although mas parang matured ang hitsura ng lalaki. Twenty lang ang pinsan niya samantalang ang lalaki parang nasa mid-twenties to late twenties. Biglang nagtaas ng tingin ang lalaki at huling–huli siyang pinagmamasdan ito. Nag-init ang mga pisngi ni Marie. Sandaling natigilan ang lalaki, pagkatapos ay tumayo nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Hey,” nakangiti nitong sabi. Hawak nito sa isang kamay ang gitara.  “Ikaw ‘yong cousin nina Bethany from the States, right?”            “Y-yes,” bahagyang nautal niyang sagot pero nagawa ring ngumiti.           Tinawid ng lalaki ang distansiya nila at inilahad ang kamay sa kanya. “I’m Noah Lafferty.”           “Marie Hautesserres.” Nakipagkamay siya. Nagulat si Marie nang maramdaman ang parang boltahe ng kuryente na gumapang sa katawan niya. Marahang pinisil ng lalaki ang kamy niya habang malagkit na nakatitig sa kanya. She knew that look. He liked her, and the feeling was mutual. Madali siyang magka-crush sa mga lalaking tulad nito na rugged and good looking. Dagdag pogi points pa na musician ito. “Nasaan sina JP?” tanong niya at kaswal na binawi ang kamay.            “Pumasok muna sa loob para kumain,” sagot ng lalaki na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.           “Ikaw, kumain ka na ba?”           “Mamaya na. Hindi pa naman ako nagugutom.”           “Okay. Magkasama ba kayo ni JP sa banda?”           Umiling si Noah. “Naki-jamming lang ako sa kanila. Would you like to join me? ‘Sabi nila magaling ka raw tumugtog.”           “Okay.” So hindi pala siya kilala ng lalaki. Kunsabagay, worship band ang Evernation. Karaniwan ay religious people o mga miyembro ng charismatic group ang nakakakilala at nagkakagusto sa musika nila. Mas sinusuportahan din ng mga tao ang mainstream rock band kaysa worship band. At parang isa si Noah sa mga iyon. Napansin ni Marie ang bouquet ng red roses na nakapatong sa ibabaw ng isang malaking speaker pero hindi siya nag-comment tungkol doon. Sa halip, kinuha niya ang acoustic guitar sa tabi niyon at naupo sa isang silya. Tinipa-tipa niya ang gitara. Bumalik si Noah sa puwesto nito, sa tapat niya. “Sing for me, please,” request ng lalaki.           “Sing for me please,” request ni Noah.           Tumango si Marie. Isang U2 song ang tinugtog at kinanta niya. Iniwasan niyang tumingin kay Noah para hindi siya ma–distract. She played and sing from the heart. Nasa chorus na siya nang ibaling niya ang tingin sa lalaki. Titig na titig ito sa kanya. Bigla siyang na–conscious at napatigil sa ginagawa. “What’s wrong?” nakataas ang kilay niyang tanong.           “Nothing. It’s just that I love your voice. And you’re so … beautiful.”           Nag-init ang magkabilang psingi ni Marie. “Manonod ka ba ng concert namin bukas?” pag-iiba niya ng usapan habang pinaglalabanan ang hindi maipaliwanag na damdamin na umusbong sa dibdib.           Umiling ang lalaki. “Wala akong ticket, eh.”           Tumayo si Marie at kinuha sa back pocket ng low-waist jeans ang dalawang concert tickets. Iniabot niya ang mga iyon sa lalaki. “Watch and be blessed.”           “Thanks,” nakangiti nitong sabi. Bahagyang nadismaya si Marie na bale-wala lang nitong ibinulsa ang mga tickets. Parang hindi naman ito interesadong manood. “You like U2?” tanong nito mayamaya. “I love them. And Coldplay. “I love Coldplay, too. They’re great. Magaganda ang lyrics ng kanta nila.” “I agree. May band aka ba?” curious niyang tanong. “Yes, I have. I play the guitar but officially wala na ako sa grupo.” “Bakit naman?” “Wala kasing kasiguraduhan ang pagbabanda.” “That’s true. What is the name of the band?” “Osmosis.” Nagulat si Marie. “Really?” “Kilala mo?” “Oo naman. I’m a fan. Naabutan ko ang pagsikat nila dito sa Pilipinas bago kami nag-migrate sa LA.” Kumunot ang noo niya. “Apat lang ang members ng Osmosis ever since they started. Paano ka nila naging dating miyembro?” Ngumiti si Noah. “Actaully, seven members ang Osmosis. Pero bago pa man sila na-discover at sumikat, wala na kami nina Walter at Hugh sa grupo. Priority kasi namin ang makatapos ng pag-aaral. Walter, who is my boss now, has to finish his studies dahil siya ang papalit sa daddy niya na major stockholder ng Queen Tech Philippines. That’s the company where I presently work. Later on, gumaya na rin sa amin ni Hugh. He fell in love and decided to fix his life. Like Walter, papalit din siya sa daddy niya sa pagma-manage ng malaking kompanya nila.”           “Ako naman… natuto lang ako at nakahiligang tumugtog ng gitara dahil sa impluwensiya ni Walter. Pero pagdo-drowing at computer talaga ang hilig ko. Gusto kong maging computer animator, magtrabaho sa harap ng computer at mag-opisina. And I need to have a regular income para sa future namin ng kapatid ko.”           “So you’re a computer animator?”           “Yes.”           Impressed na tumango si Marie. “Pero hindi k aba nagsisisi na umalis ka sa banda? Sikat na sikat ang Osmosis here and even some countries in Asia.”           Nakangiting umiling si Noah. “Hindi naman. Masaya ako sa achievements ng mga kaibigan ko. At magkakaibigan pa rin naman kami. In fact, kapag may gig sila, paminsan-minsan ay sumasama pa rin kami nina Walter. Kapag nagre-record sila ng album o may concert, tinutulungan namin sila. At si Hugh, active pa rin siya sa pagsusulat ng kanta para sa Osmosis. He wrote almost all of the songs of Osmosis.”           “Ang galing naman niya. Kahit wala na kami rito sa Philippines ng brother ko, bumibili pa rin kami ng album nila online. Kumpleto kami ng lahat ng album nila. But my favorite songs are from their first album, Stars, While I’m gone, and Thunder.”           “I composed those songs,” kaswal na sabi ni Noah.           “Really? Wow! I didn’t know your’re that great. Composer ka rin pala.”           “Hindi naman. Natsambahan ko lang. Medyo emo kasi ako that time kaya nakapag-compose ako. I tried to write a song again pero hindi ko na magawa, eh. Naging busy na rin ako sa trabaho.”           Nag-usap pa sila tungkol sa Osmosis.           Tuluyan nang naging at ease si Marie sa lalaki. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Natatawa siya sa mga nakakatuwang kuwento ni Noah tungkol sa mga kaibigan nito.           Mayamaya, halos sabay silang napatingin sa gilid ng bahay nang marinig ang maingay na boses ni JP at ng mga kaibigan nito. Naglalakad ang mga ito papunta sa kinaroroonan nila ni Noah.           Umaliwalas ang mukha ni JP nang makita silang magkasama ni Noah. “Nice, magkakilala na pala kayo. Jamming tayo?” sabi nito nang makalapit.           “Sure. Basta si Noah ang kakanta,” sabi ni Marie, itinuro si Noah.           “Game!” nakangiting mabilis na sagot ng lalaki.           Nagkasundo silang tugtugin “Stars” ng Osmosis. Si Marie ang tumutugtog ng acoustic guitar habang kumakanta si Noah. Pagdating sa chorus, nakikanta na rin at nakitugtog sina JP. Tuwing magkakasalubong ang mga mata nina Marie at Noah, nagpapalitan sila ng ngiti. Pumalakpak ang lahat nang matapos kumanta si Noah.           “Thanks, guys,” nakangiting sabi ng lalaki.           Napabaling ang tingin ng lahat sa babaeng papalapit, kay Bethany. Agad na tumayo si Noah at kinuha ang mga bulaklak sa ibabaw ng speaker.           “I’m sorry ngayon lang ako nakauwi,” sabi ni Bethany nang makalapit kay Noah. “It’s okay.” Hinalikan ni Noah sa pisngi si Bethany at iniabot dito ang mga bulaklak. “Thank you.” Binalingan ni Bethany si Marie. “Hi, Marie. Welcome home.” “Thanks,” sagot niya. Nilapitan siya ni Bethany at nagbeso sila. “So magkakilala na kayo ng boyfriend ko?” tanong ni Bethany na itinuro pa si Noah.           Boyfriend? Parang sinapa sa dibdib ni Marie sa narinig. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya.        “Y–yes,” tipid niyang sagot.           Binalingan ni Bethany si Noah. “Kumain ka na ba, babe?”           “Hindi pa. Hinihintay kasi kita.” “Okay, kumain muna tayo. ‘Wanna join us, Marie, JP?” alok ni Bethany.       Mabilis na tumanggi si Marie. “Thanks. Kumain na ako.”           “Tapos na rin kami, Ate,” tanggi ni JP.           “Okay,” sabi ni Bethany at hinila na si Noah papasok sa loob ng bahay.            Napalitan na ng pagkainis ang naramdamang pagkadismaya ni Marie nang muling maupo. Paanong nagawa ni Noah na magpakita ng interes sa kanya gayong taken na pala ito at pinsan pa niya ang girlfriend? Kunsabay, sa angkin nitong kaguwapuhan, natural lang na may girlfriend na ito. Wala sa loob na napabuntong-hininga siya at muling kinandong ang hawak na gitara. Nagsimula siyang tumipa. Madali siyang magka-crush sa tipo ni Noah pero agad din iyong nawawala kapag nakilala na niya nang husto ang lalaki at nalaman ang ugali. At siguradong matutulad din si Noah sa mga lalaking iyon, lalo na at hidi naman na sila magkikita. Nang hilingin ni JP na tumugtog siya ay kaagad niyang pinagbigyan. Para tuluyan nang mawal sa isip niya si Noah.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD