Chapter 2

1713 Words
“JUSKOLORED! Kuyaaa!”           Napakunot–noo si Noah nang marinig ang nakabibinging tili ni Natalie mula sa silid niya. Mayamaya ay patakbo itong lumabas ng silid at pinuntahan siya sa sala.           “Kuya, bakit meron ka nito?” excited na tanong ni Natalie at iwinagayway sa harapan niya ang hawak na dalawang maliliit na papel. “May nagbigay lang sa akin,” sagot niya nang makita ang hawak nitong concert tickets. Ibinalik niya ang tingin sa pinapanood na news program. Naupo si Noah sa tabi niya. “Kuya naman, bakit hindi mo sinabi na meron ka nito? Sino’ng kasama mong manood? Ngayong gabi na ang concert, ‘di ba? Bakit hindi ka pa nagbibihis?” sunod-sunod nitong tanong.           “Wala akong balak manood ng concert, Nat.”           “What? Bakit hindi ka manonood? Alam mo bang favorite worship band ko ang Evernation.”            “Bakit favorite mo? Kailan ka pa naging religious?”           “Dati na akong religious, ‘no. Nakaka–inspire kasi ang mga kanta nila. May oras pa. Manood tayo, Kuya.”           “No.”           “Kung ayaw mong manood, sa akin na lang ‘tong tickets mo. Magyayaya na lang ako ng iba.”  Tinignan niya nang masama ang sister niya. “Alam mong hindi puwede, Natalie,” mariin niyang sabi. May Rheumatic Heart Disease o RHD ang kapatid niya pero under control. Fifteen years old pa lang si Natalie pero mula pagkabata ay sakitin na kaya ganoon na lang ang pagprotekta niya sa kapatid. Hindi niya ito pinapayagang pumunta sa kung saan–saan, lalo na sa matataong lugar. Kinikilala rin niya muna niya ang makakasama nito. Half-sister lang niya si Natalie. Although, may iba pa siyang kapatid sa father side na nasa Amerika, si Natalie lang ang maituturing niyang kapatid dahil matagal na silang hindi nagkikita ng half brother niya. Namatay ang ama ni Natalie sa isang vehicular accident kaya siya na ang tumayong ama nito. Mabuti na lamang at mabait na bata ang kapatid niya, sumususunod sa mga utos niya. Si Natalie at ang mama nila at sina Walter ang maituturing ni Noah na pamilya. Kaya sa abot ng kanyang makakaya, pinoprotekthan niya ang mga ito.           “Sige na, Kuya. Please manood tayo,” pangungulit ni Natalie, humawak pa sa braso niya.           “No.” “Kahit ito na lang ang regalo mo sa akin sa birthday ko.” “I said ‘no’. At matagal pa ang birthday mo,” muli niyang tanggi at ibinalik ang tingin sa TV.           Biglang tumahimik si Natalie. Mayamaya ay tumayo ito at inihagis ang tickets sa coffee table. Humahagulgol na pumasok ito sa siriling silid. Napasunod na lang si Noah ng tingin sa kapatid niya. Alam niyang nagtampo na ito sa kanya. Ilang sandali ang lumipas. Resigned na bumuntong-hininga si Noah. Madalas ay hindi niya natitiis ang kapatid niya. Overprotective brother man siya, spoiled si Natalie sa kanya. Pilit niyang ibinibigay ang lahat ng bagay na makapagpapasaya rito. Pinatay niya ang TV. Dinampot niya ang tickets, tumayo at pinuntahan ang silid ni Natalie. Hindi naka-lock ang pinto kaya nakapasok siya. Naabutan niyang nakadapa sa ibabaw ng kama si Natalie, humihikbi-hikbi.           Tumayo si Noah sa paanan ng kama. “Okay, you win. Let’s watch the concert. Pero hindi natin tatapusin, ha? May pasok pa ako bukas.”           Biglang bumalikwas si Natalie. Hilam ng luha ang mga matang sinugod siya nito ng yakap ng kapatid. “Yes! Yes! Makikita ko na si Marie. The best ka talaga, Kuya!” tuwang-tuwa nitong sabi at hinakan pa siya sa pisngi.           “Sige na, magbihis ka na. Magbibihis na rin ako.”           Mabilis na sumunod si Natalie.  Pumunta si Noah sa sariling silid. Habang nagbibihis, bigla siyang nakaramdaman ng excitement nang maisip na makikita uli si Marie. Hindi niya akalain na maganda at sexy pala ang pinsan ni Bethany. Ni wala itong makeup pero natural ang kagandahan. Maamo ang mukha, maputi, makinis at matangkad. He liked her almond and expressive eyes. But liked her most about her was the way she smiled. It could melt any man’s heart. Marie was very different from the women he dated. Hindi rin ito tulad ni Bethany na prim and proper. May pagka-boyish pa nga kung kumilos at pumorma, pero na-attract talaga siya. Muntik pa siyang makipag-flirt ditto, lalo na at nahalata niya na attracted din ang babae sa kanya. Mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. Kung wala lang siyang girlfriend, siguradong hindi niya palalagpasin ang pagkakataon. Napailing si Noah sa naisip at binilisan na ang pagbibihis. Well, he had changed and he already had Bethany. Wala na siyang karapatang tumingin pa sa ibang babae.   MAG-UUMPISA na ang concert nang makapasok sina Noah at Marie sa venue.           “Saan ba talaga galing ang tickets mo, Kuya?” pabulong na usisa ni Natalie nang nakaupo na sila. VIP tickets pala ang ibinigay na tickets ni Marie kaya maganda ang puwesto nila, na lalong ikinatuwa ng kapatid niya.             “Kay Marie.” Inililibot ni Noah ang paningin sa paligid, sinusubukang hanapin si Bethany at ang pamilya nito. The venue was jam-packed. Although alam niyang puro miyembro ng iba’t-ibang religious group ang naroon. It still could not deny that the band was famous.           Nanlaki ang mga mata ni Natalie sa narinig. “You mean, si Marie Hautesserres?”           “Oo.”           “Weh? Hindi nga? Paano mo s’ya nakilala?”           Ibinalik ni Noah ang tingin sa kapatid. “It’s true. Pinsan siya ni Bethany. I’ve met her last night, sa family reunion nila.”           Nanlaki uli ang mga mata ni Natalie. “Talaga? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?!” singhal nito.           “I don’t think it’s necessary. Hindi ko alam na fan ka n’ya at ng banda n’ya,” katwiran niya.           “Kuya naman! Lagi naming pinatutugtog ni Mama ang mga kanta nila. Iyong mga worship song, hindi mo ba naririnig?”           “Mga kanta ba ng Evernation ‘yon?”           “Oo!”           “Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?” usisa niya.           “She’s not just very talented in terms of music, Kuya. Mabait siya, cool at awesome. Sinasagot niya ang messeges ko sa kanya sa f*******: at Twitter. Nagko-conduct siya ng Bible study at nagtuturong maggitara sa mga bata kapag wala siyang ginagawa. Pareho rin kami ng interests. We both like rom coms, pop rock music, cooking ang rubber shoes.”           “I see.”           “May picture ba kayo together?” tanong ni Natalie.           “Wala,” sagot niya at muling inilibot ang tingin sa paligid.           “Nakakainis ka talaga! Hiningan mo man lang sana ako ng fan sign.”                    “Bethany’s here,” sabi niya nang matanaw ang girlfriend kasama ng mga kamag-anak nito. Nasa kabilang row ang mga ito, halos kalinya nila.           “Okay,” kulang sa interes na sabi ni Natalie at ibinaling ang tingin sa stage. Naipakilala na ni Noah si Bethany sa pamilya at mga kaibigan niya. Pero taliwas sa kanyang inaasahan, hindi gaanong nagustuhan ng mga ito si Bethany. Prim and proper daw kasi ang girlfriend niya at hindi sila bagay, prangkang sabi ng kapatid niya na sinang-ayunan ng mama nila. Pero hindi naman tumutol ang mga ito sa babaeng napili niyang mahalin. Mabilis na nagbawi ng tingin si Noah sa direksyon nina Bethany at bahagyang yumuko.  Mahirap nang makita siya ni Bethany.  Baka kasi awayin siya ng girlfriend niya o masamain na pinagbigyan niya si Natalie na manood ng concert samangtalang paulit – ulit niya itong tinanggihan. Ilang sandali pa, naglabasan na sa stage ang mga miyembro ng Evernation. Umingay ang paligid. It was Noah’s first time to watch a worship band live. Pero hindi na siya nagulat nang makitang maraming miyembro ang banda at may choir pa. Minsan na siyang nakipanood ng worship concert sa bahay nila, hindi lang niya sigurado kung Evernation iyon, kaya may idea na siya kung ano ang makikita ngayon. Isa sa pinakahuling lumabas ay si Marie, kasabay ng isang matangkad na lalaki na pamilyar sa kanya. Nakasuot ang dalaga ng dark-gray casual dress na hanggang tuhod ang haba at naka-boots. Nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok na bahagyang kulot sa dulo. She looked cute and cool in her attire. Kinuha ni Marie ang acoustic guitar na nakapatong sa ibabaw ng speaker at isinukbit sa balikat.           “Iyon si Marie, Kuya,” sabi ni Natalie, sabay turo sa kinaroroonan ni Marie na kausap ng lalaking kasabay nitong lumabas. “Ang ganda niya ‘no?”           “Yes,” mabilis niyang sang-ayon. “Sino naman ‘yong katabi niyang lalaki na naka-black T-shirt?”           “Si Nathan Flores ‘yon. Filipino rin siya at dating miyembro ng Evernation. He’s a good friend of Marie. Nagkakilala sila sa isang reality singing contest at naging matalik na magkaibigan. Noong na-disband ang dating banda ni Marie, tinulungan siya ni Nathan na mapabilang sa Evernation. We’re lucky nandito rin siya. Siguro sumama siya sa Evernation ngayon dahil sa Pilipinas sila magpe-perform.”           Tumango si Noah. Alam na niya kung bakit pamilyar ang lalaki sa kanya. Nathan Flores was a famous international rockstar. Gusto niya ang musika nito.  The concert was started with a prayer. Biglang respeto, yumuko si Noah. Pagkatapos ng dasal ay tumugtog na ang grupo at kumanta ng isang masiglang awitin. Nagsimula na ring magtayuan ang mga tao at sumabay sa pagkanta kabilang na si Natalie. Pero hindi si Noah. Nakinig lang siya at pinag-aralan ang musika ng Evernation. After a few songs, he noticed that the band was into pop rock. He actually liked their brand of music. Ang ilan sa mga kinanta ng banda ay alam na niya ang lyrics dahil paulit-ulit iyong pinatugtog ni Natalie at ng mama nila sa bahay. Halos hindi niya inaalis ang tingin kay Marie habang tumutugtog ito at sumasabay kumanta sa chorus. Naghiyawan ang mga tao nang solong tumugtog si Marie. Pero kaagad ding tumahimik ang lahat nang pumailanlang ang malamig at maganda nitong boses. She sang a ballad that could move anyone. The moment Noah heard her sing, he knew he would never be the same again. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD