Chapter 3

1154 Words
Portland, Oregon Nakangiti si Marie habang nakatingin sa harap ng bahay niya. Parang walang nagbago roon mula nang umalis siya. Malinis ang bakuran. Walang nagkalat na tuyong dahon o matataas na damo. Siguradong ang kapitbahay niyang si Martin, na isa sa pinakamatalik niyang kaibigan, ang may gawa niyon. She missed her home. Sa kabila ng injury niya, masaya siya at naroon na uli siya. Mahigit dalawang buwan din siyang hindi nakauwi pero ngayon ay siguradong magtatagal siya sa kanyang bahay dahil kailangan muna niyang pagalingin ang fracture sa arm niya bago muling sumabak sa trabaho. Aksidente kasi siyang nahulog sa kabayo nang bisitahin niya si Mario sa farm nito sa San Diego noong nakaraang linggo. Nahilig sa pag-aalaga ng mga hayop ang kapatid niya nang makilala nito si Uncle Donnie, pinsan ng daddy niya na isang ranch owner. Nang maka-graduate ng college, nagtayo si Mario ng sariling farm sa tulong ng daddy nila at ni Uncle Donnie. Maganda naman ang kita ng farm. Single pa rin si Mario tulad niya pero kasalukuyang may idini-date. Nang makuha ni Marie ang degree niya sa Music, naging full-time singer at musician na siya. Nag-umpisa siya as indie pop rock artist. Pagkatapos ay binuo nila ng isang dating kaibigan ang pop rock duo, ang Slinggirls. Nang ma-disband sila, napabilang siya sa Evernation pero tumatanggap pa rin siya ng gig as a soloist. Bahagya mang na-frustrate si Marie sa nangyaring aksidente, she chose to look at the bright side. At least ngayon, mas makakasama na rin niya nang matagal ang mga kaibigan niya. Makaka-attend na rin siya ng worship sa church nila at makakapagturo sa mga bata. Mas marami na rin siyang oras para magsulat ng kanta. "Sino'ng may kasalanan? Ikaw o 'yong kabayo?" Napatingin si Marie sa kaliwa niya nang marinig ang malakas na boses ni Martin. Nakangisi ito habang naglalakad papasok sa bakuran niya. "Iyong kabayo," sarcastic niyang sagot. Niyakap siya ni Martin nang makalapit sa kanya. "Na-miss ka namin," sabi nito nang maghiwalay sila. "Na-miss rin kita." "So, are you staying here a little longer?" Papasok na sila sa loob ng bahay. Ang lalaki na ang nagbuhay ng traveling bag niya. "Yes. Dito ako magpapagaling." "Kasisilip ko lang dito kahapon. Kompleto pa naman at walang gumagalaw sa mga gamit mo." May duplicate key si Martin sa bahay niya. Nag-volunteer itong silip-silipin ang bahay tuwing nasa LA siya o may trabaho sa ibang lugar. Ilang taon na rin silang magkaibigan kaya malaki ang tiwala niya sa lalaki. Tumango si Marie habang inililibot ang tingin sa paligid. Tulad ng bakuran, parang wala ring nabago roon o nawala. Nakatakip pa rin ng mga tela ang lahat ng mga kagamitan at musical instruments na nasa isang sulok. "Thank you sa pagpunta-punta mo rito habang wala ako." "Don't mention it. Before lunchtime nga pala pupunta raw dito sina Jared," sabi ni Martin. Umakyat ito sa silid niya sa itaas para ipasok ang traveling bag. "Okay." Marie was lucky to have Martin and the other friends. They had been very helpful. She had about twenty-five to thirty close friends from Pacific Northwest aged twenty-two to fifty-five years old. Pare-pareho silang nasa mid-twenties nina Martin and Jared. Lahat sila ay Filipino immigrants sa Amerika o kung hindi naman ay may Filipino blood. Miyembro sila ng isang church group, ang Real Hour Ministries. Alam niyang darating ang mga kaibigan niya hindi lang para makita siya kundi para tumulong na rin sa paglilinis ng bahay. Tinatanggalan ni Marie ng takip na tela ang mga ang mga kagamitan nang bumaba si Martin. "Do you need anything? Is it okay if I leave you now? Sisilip lang ako sa coffee shop." He owned a coffee shop na may pangalang "Submarine" sa downtown Portland. Madalas nilang tinatambayan ng mga kaibigan ang coffee shop. "Oo naman. Hindi naman ako ganoon ka-invalid. Please bring me an iced coffee," hiling niya. "Sure. I'll be back after lunchtime." Lumabas na ng bahay si Martin. Hours later, isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaibigan ni Marie, may mga dalang pagkain at inumin. It was Sunday kaya walang pasok ang mga ito sa trabaho.  "SIGURADO ka bang okay lang na sumama ako sa 'yo rito?" tanong ni Noah kay Jared nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng isang two-storey white house na gawa sa kahoy at semento. "Oo naman. My friends would like to see you again. At isa pa, kakailanganin din namin ng tulong mo," nakangiti nitong sagot. Pinatay na nito ang engine at bumaba na ng kotse. It had been a week since Noah arrived in Portland. Walter was right. Siya nga ang napiling ipadala sa head office ng Queen Tech para mag-undergo ng training nang anim na buwan. Pareho silang nagkagulatan ni Jared nang magkasalubong sila sa cafeteria sa loob ng Powell's Bookstore, isa sa pinakamalaking bookstore sa buong mundo, sa ikalawang araw niya sa siyudad. Jared Lopez was his long-lost best friend. They had been friends since high school. Naging magkaklase sila at nagkasama sa arts club. Pareho silang Fil-Am kaya kaagad silang nagkasundo. Pagka-graduate, sa Amerika na nag-aral ng college si Jared at nawalan sila ng communication. It turned out that Jared was also a computer animator. Pangarap nila iyon pareho nooong high school sila. Masaya sila dahil pareho nila iyong natupad. Freelance computer animator si Jared na nating nagtrabaho sa DreamWorks. Mula nang magkita sila, araw-araw na silang nagkikita ni Jared. Tinutulungan ni Noah ang kaibigan sa ginagawa nitong project habang hindi pa siya nagsisimula sa traning. Si Jared naman ay tinutulungan siyang maging pamilyar sa lugar, inililibot sa hapon. Kaya kabisado na niya ang major roads sa downtown Portland, pati na rin sa kalapit na siyudad na Vancouver sa Washington State. Nang araw na iyon, umaga pa lang ay nasa bahay nan i Jared si Noah. Alas-onse ng umaga nang tumigil sila sa ginagawa dahil aalis ito para bisitahin ang isang kaibigan na kadarating lang sa Portland. Niyaya siya ni Jared na sumama. Dahil wala naman siyang gagawin sa apartment pag-uwi, nagpaunlak siya. He wanted to explore Oregon and its nearby cities and meet new friends. Bumaba na rin ng kotse si Noah. Magkasabay silang pumasok ni Jared sa bakuran. Ang sabi ni Jared, asahan na niyang maglilinis sila ng bahay at magkukumpuni ng ilang gamit dahil matagal daw na hindi umuwi sa Portland ang kaibigan nito. He knew Jared had a big heart, a helpful friend. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Binati sila nina Lucas at John na abala sa pag-iihaw ng karne sa lawn. Noah liked Jared's friends. Mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanya at madaling nakasundo nang ipakilala siya ni Jared sa mga ito nang isama siya sa birthday party ng fiancé nitong si Tracy. Dumiretso sila sa front door. Kakatok pa lang si Jared nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang isang maganda, matangkad at seksing babae na hindi inaasahan ni Noah na makikita uli. "Marie?" gulat niyang bulalas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD