"KILALA mo rin pala si Marie, pare," nakangiting sabi ni Jared.
"Yes," sagot ni Noah, nakatingin pa rink ay Marie. "Pinsan siya ng girlfriend ko."
"Really?"
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Marie habang nakatingin kay Noah. Halatang hindi siya nakilala ng babae. Mayamaya ay biglang nagliwanag ang mukha nito. "Noah?"
"Yes, it's me."
"What happened to your hair?"
Napangiwi si Noah. "Well, I decided to cut it short." Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Bethany. Nakita kasi siya ng isa sa mga pinsan nito sa Evernation concert at sinabi kay Bethany. Nagtampo ang girlfriend niya. Tulad ng hinala niya, hindi nito nagustuhan na pinagbigyan niya si Natalie na manood ng concert samantalang nauna itong nagyaya at ilang beses pa niyang tinanggihan. Dumagdag pa sa inis nito nang inamin niyang balak niyang ilihim ang tungkol doon.
Kahit anong suyo ni Noah, hind siya pinapansin ni Bethany. Hanggang sa magbigay ito ng kondisyon na mapapatawad lang siya kung papagupitan niya ang kanyang buhol. Labag man sa kalooban, pumayag siya. Nagpa-clean cut siya pero halata pa rin ang pagkakulot ng buhok niya. Sana lang, hindi magtampo ang buhok niya at humaba agad. Mas gusto niyang long hair siya dahil mas nai-express niya ang sarili bilang artist.
"Bagay sa 'yo. You look younger," sabi ni Marie.
Ngumiti si Noah. Marami ngang nagsasabi niyon sa kanya. So far, nagugustuhan na niya ang bagong hairstyle. Dahil doon ay madali siyang nakilala ni Jared. Ganoon kasi ang hairstyle niya noong high school sila. Halos hindi naman niya nakilala si Jared dahil malaki ang ipinagbago nito. May makapal na beard ang kaibigan tulad ng mga lalaking kaibigan nito. "Thanks. Ano'ng nangyari sa braso mo?" tanong niya kay Marie.
"Thanks. Ano'ng nangyari sa braso mo?" tanong naman niya nang mapansing nakabenda ang kaliwang braso nito.
"Nalaglag ako sa kabayo, eh. Pasok kayo," yaya ng babae at nilakihan ang bukas ng pinto.
"LET ME HAVE THAT."
Bumaling si Marie sa kanan nang marinig ang boses ni Noah. Bago pa niya maiangat ang tray ng maruruming baso, nabuhat na nito iyon at nauna na sa pagpunta sa kusina. Napasunod na lang siya sa lalaki.
Nagulat talaga siya nang muling makita si Noah pagkalipas ng dalawang buwan mula ng mag-concert ang Evernation sa Pilipinas. Common friend pala nila si Jared. Naroon si Noah sa Portland para mag-training.
Sa umpisa, nakaramdam ng pagkailang si Marie. Bumalik kasi ang atraksiyong naramdaman niya sa lalaki noong una niya itong nakita. Lalo itong gumuwapo dahil sa bagong hairstyle. Pero nang makapag-usap na sila kasama sina Jared habang nananghalian, naging at ease na siya kay Noah. Para silang matagal nang magkaibigan na muling nagkita.
Noah was charming and friendly. Magaling makisama. Nakapalagayang-loob agad nito ang mga kaibigan ni Marie kahit ayon kay Tracy, pangalawang beses pa lang ng mga itong nakasama ang lalaki.
Pagdating sa kusina, dumeretso si Marie sa refrigerator at naglabas ng bottled water.
"Tapos na naming palitan ni Jared ng lock 'yong pinto ng CR," imporma ni Noah pagkapatong nito ng tray sa tabi ng lababo.
"Thank you," sabi niya at isinara ang refrigerator.
Pagkatapos kumain, inumpisahan na ng mga kaibigan ni Marie ang paglilinis at pagkukumpuni ng ilang sirang gamit. Nagkalat ang mga ito sa buong kabahayan, sa harap at likod ng bahay. Ang iba ay nagba-barbecue sa lawn dahil may drinking session pa mamaya.
"Water?" alok ni Marie kay Noah sa hawak na tubig.
Tinanggap iyon ni Noah. "Thank you. I like your place. Cute and homey." Binuksan nito ang bottled water at uminom.
Hindi agad nakasagot si Marie, at sandaling napatulala sa lalaki. Ang sexy kasi nitong tingnan habang umiinom. Pinahiran pa nito ang bibig gamit ang likod ng kamay pagkatapos uminom. That made him so manly. "T-thank you," sabi niya mayamaya.
"Matagal ka na ba rito sa Portland? I thought you lived in LA," tanong ni Noah.
"Almost five years na rin. I used to lived in La pero madalas pa rin ako doon kapag may gig. Besides, doon nakatira ang parents ko."
"I see. Congrats nga pala sa concert n'yo sa Philippines. You were great."
Nagulat si Marie sa narinig. "Nanood ka?"
"Yes. Kasama ko ang younger sister ko. Fan ka no'n at ng banda mo."
Napangiti siya. "Thank you. Please tell her I said 'thank you' for the support."
Tumango lang si Noah.
"First time mo ba rito sa Portland?" tanong niya.
"Yes. I was born and raised in Hamet, California. I was fifteen when my father sent me to the Philippines, sa mama ko. Pasaway raw kasi ako," pabirong sabi ng lalaki pero may narinig siyang bitterness sa huling sinabi. Parang may nangyaring hindi maganda rito noong panahong iyon.
"Dual citizenship ka ba?"
"Yes. Ikaw rin?"
Tumango si Marie. "Fifteen din ako noong mag-migrate kami ng brother ko at ng mama ko sa LA."
"Really?" amused nitong sabi. "But I'm already twenty-eight. You?"
"Turning twenty-four." Hindi naman pala ganoon kalaki ang age gap nila.
"Paano 'yan, LDR kayo ni Bethany ngayon," pag-iiba ni Marie sa paksa.
"Oo nga, eh."
"Gaano na ba kayo katagal?"
"Almost three months," sagot ni Noah.
"Marie, heto na ang iced coffee mo."
Halos sabay silang napatingin ni Noah sa pinto ng kusina nang bumungad doon si Martin.
"You're finally here." Nilapitan ni Marie ang kaibigan. Pero napakunot-noo siya nang makitang titig na titig ito kay Noah. Ganoon din si Noah kay Martin.
"Martin..." sambit ni Noah.
"Yes, it's me, Kuya Noah," nakangiting sagot ni Martin.
Nagulat si Marie sa narinig. "Kuya Noah? Magkapatid kayo?"
"Yeah. Si Kuya Noah ang ikinuwento ko sa 'yo dati na long-lost brother ko," sagot ni Martin, nanatiling nakatitig kay Noah. "I'm happy to see you again, bro." Lumapit ito kay Noah para yakapin.
Nagdaan muna ang hesitation sa mukha ni Noah bago gumanti ng yakap sa kapatid.
NAGULAT si Noah nang muling makita si Martin, half brother niya sa father side, pagkalipas ng maraming taon. Nailing siya sa umpisa dahil malaki ang galit niya kay Martin nang huli silang magkita. Pero nang yakapin siya nito, nilipad ang galit niya. He realized he had missed his brother. Kapatid pa rin niya si Martin kahit maraming taon na ang lumipas at marami ng nagbago sa mga buhay nila.
Iniwan sila ni Marie para mas makapag-usap silang magkapatid. Nagkuwentuhan sila ni Martin ng mga nangyari sa mga buhay nila sa mga nakalipas na taon. Ayon kay Martin, isinama ito ni Uncle Perry, kapatid ng daddy nila, sa Portland nang mamatay ang mommy nito. Nagustuhan ni Martin ang lugar kaya doon nag-settle down at nakapag-asawa. Pero sa isang Bible sharing group sa LA nito nakilala si Marie at iba pang mga kaibigan.
"Nasaaan ang asawa mo?" tanong ni Noah sa kapatid.
"I lost her," mapait nitong sagot. "Pero hindi pa kami legally separated ni Sabrina. And I am not closing my doors. Alam kong magkakaayos pa kami. Dati siyang bandmate ni Marie. She's now a Broadway actress."
"I see."
"Siguradong matutuwa si Daddy kapad nalaman niyang nandito ka at nagkita tayo," pag-iiba nito ng topic.
Nagsalubong ang mga kilay ni Noah. "Don't tell him na nagkita tayo rito, Martin. Ayoko siyang makita," mariin niyang sabi.
"Pero, Kuya, matagal naman na 'yon. Hindi – "
"Shut up, Martin. Kung ayaw mong mag-away uli tayo, huwag mo na siyang babanggitin."
Bumuntong-hininga si Martin. "All right."