NANG sumunod na Sabado, nagpunta sa Real Hour Ministries si Marie para dumalo sa worship na ginaganap twice a month. Usually, una at ikatlong Sabado ng buwan tuwing alas-tres ng hapon. Gumagawa talaga siya ng paraan para makauwi sa Portland at makadalo kahit man lang isang beses sa isang buwan. Nitong nakaraang buwan lang niya hindi nagawang makauwi dahil sa Asian at Middle East tour ng Evernation.
Sandali munang pakikipagkuwentuhan si Marie sa mga kaibigan bago nilapitan ang Real Hour choir. She was still a member. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang naroon din si Noah kausap nina Lucas, Rick at Pastor Perry.
Umaliwalas ang mukha ni Pastor Perry nang makita siya. "'Glad to see you again, Marie." Uncle ni Martin ang fifty-five- year old Filipino-American pastor. Ito ang tumatayong worship leader nila at founder ng Real Hour Ministries. Isa rin itong high school teacher.
"Same here, Pastor Perry," nakangiting sagot ni Marie at yumakap dito.
"I'd like you to meet my nephew, Noah," pakilala ni Pastor Perry.
"Magkakilala na kami," nakangiti niyang sabi.
"Hi, Marie," nakangiting bati ni Noah.
"Hello," nakangiti rin niyang bati.
"Right timing ang pagbabalik mo rito, Marie," sabi ni Rick. "Like last year, iniimbitahan uli tayong tumugtog sa isang charity concert kasama ng iba pang church group sa Northwest.
"Talaga? Maganda 'yan. Pero kailan ba? Hindi pa ako puwedeng tumugtog, eh."
"It's okay. You'll just sing. Two weeks pa naman bago ang concert, at pabalik na sina Spencer at Richard," tukoy ni Rick sa magkapatid nilang kaibigan na parehong Hollywood actors at businessmen na miyembro ng Real Hour band.
"Okay." Inabot ng keyboardist nilang si Lucas kay Marie ang setlist ng kakantahin nila.
Tumango-tango si Marie nang makita ang mga kanta. She knew all of the worship songs, ang iba ay mga kanta ng Evernation. Hindi na nila kailangang mag-practice dahil ilang beses na rin nilang kinanta at tinugtog ang mga iyon.
Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang worship. It started with a prayer led by Pastor Perry. Pagkatapos ay kumanta at tumugtog na ang Real Hour band. Nang oras na ng Bible study, winelcome ng lahat si Noah na nakaupo sa silya sa ikalawang row, katabi ni Jared. Winelcome din si Marie na sa wakas ay bumalik na sa Portland. Nakaupo siya sa harap, katabi sina Luke at John.
Mahigit isa't kalahating oras din ang itinagal ng worship. Karaniwan pagkatapos ng worship, hindi pa sila agad umuuwi. Nagkanya-kanya silang ng umpukan, nagkukuwentuhan o kaya nagja-jamming.
Habang kausap ni Marie si Pastor Perry at Tracy, nakita niya si Noah na tumitipa ng gitara. Alam niya ang kantang tinutugtog nito. Nagpaaalam siya sa mga kausap at nilapitan si Noah. "'If You and Me' 'yan, 'di ba?" nakangiti niyang tanong.
Nagtaas ng tingin si Noah at ngumiti. "Yeah. It's your song. Nagustuhan ko siya noong kantahin mo sa concert. It's been stuck on my mind for a month now. It actually changed me in some ways. I became appreciative and thankful to God in everything He does for me."
"'Glad you liked it." Ganoon din ang naramdaman niya nang isinulat niya ang kanta.
"Hey, would you like to sing?"
"Sure. Is it okay kung 'If You and Me'?"
Ngumiti nang maluwang ang lalaki. "All right. 'You and Me.'"
Humila ng silya si Marie at naupo sa tabi nito.
Nag-umpisang tumugtog si Noah. Kumanta si Marie at pagdating sa chorus ay sinabayan siya ng lalaki.
"You know I can't face the world alone, my Lord. But you were there, You were there..."
Nang matapos sila, malakas silang pinalakpakan ng mga kaibigan nila.
"Thanks, guys!" halos magkasabay nilang sabi ni Noah.
"You should be a member of Real Hour, Noah," sabi ni Tracy.
Ngumiti lang si Noah.
"Noah, bakit hindi mo subukang magsulat ng kanta uli habang nandito ka?" suhestiyon ni Marie nang hindi na nakatingin sa kanila ang mga kaibigan nila. "I'm sure mai-inspire ka rito. Ang dami kong naisulat na kanta eversince I came here."
"You still remember that I know how to write a song?" parang hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo naman. Just try it."
Tumango ang lalaki at ngumiti. "For you, I will."
NAGTAAS ng tingin si Marie mula sa screen ng laptop nang may magsalin ng kape sa tasa niyang wala nang laman. "Thank you," nakangiti niyang sabi kay Martin.
Ngumiti lang si Martin at sinalinan naman ang tasa ni Jared.
"Thanks, man," sabi ni Jared na nanatiling nakatingin sa screen ng laptop nito.
Nang dumating si Marie sa Submarine, naroon na si Jared. Nag-iisa lang ang lalaki kaya nakisalo siya sa table nito. Panaka-naka silang nag-uusap habang nakatutok ang tingin sa kanya-kanyang laptop.
"Do you want anything else, guys," tanong ni Martin.
"Okay na 'to sa akin," sagot ni Marie at sumimsim sa kape niya.
"Okay na rin sa akin 'to. Mamaya na lang ako mag-o-order pagdating ni Noah," sabi ni Jared.
"Talaga, pupunta rito si Kuya?" mahihimigan ang tuwa sa boses na sabi ni Martin.
"Yes," sagot ni Jared.
Nakaramdam din ng excitement si Marie. Pero agad din niyang sinaway ang sarili. Girlfriend ni Noah ang pinsan niya. Hindi tamang magkainteres siya sa lalaki. Crush lang naman, ah, katwiran niya. But she knew it was deeper than crush. She was attracted to Noah. She had never felt that way with any man before. Sa tingin nga niya ay in love na siya sa lalaki. She could not control he feelings and she was terrified because of that.
Sa maikling panahon kasi na magkakilala sila, nalaman ni Marie na genuine ang pagiging mabait at matulungin ni Noah. Mapagmahal din ito sa pamilya. Masuwerte dito ang pinsan niya.
Tumingin si Jared sa suot na wristwatch. "Tapos na pala ang office hours. On the way na siguro siya rito. Ngayon ang first day ng training niya, eh." Tumingin ito kay Martin. "So, how does it feel to finally meet your long-lost brother?"
Naupo si Martin sa bakanteng silya sa tabi ni Marie. "Masaya dahil hindi na siya galit sa akin. Hindi kasi kami in good terms noong huli kaming nagkita. Ang I've missed him. Close naman talaga kami noong mga bata pa kami. Pero noong magbinata kami at mapasama sa magkaibang barkada, hindi na halos kami magkasundo. 'Tapos, na sa akin pa palagi ang atensiyon ni Daddy kaya napariwara siya. Ang dami niyang kinasangkutang gulo noon. Ang ginawa ni Daddy, ipinadala siya sa mama niya sa Philippines. Since then, hindi na kami nagkita."
Hindi naiwasang makaramdam ni Marie ng simpatya kay Noah. Ang hirap siguro nang bigla ka na lang paaalisin sa isang lugar na kinalakihan at kinasanayan. Sila nga ni Mario, noong sinabi ng daddy nila na isasama na sila nito sa Amerika ay tumutol din sila. Pero wala naman silang nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang nila. "Hindi n'yo man lang siya dinalaw sa Philippines?" tanong niya kay Martin.
"We did. Pero hindi niya kami hinarap. Sinubukan din siyang pabalikin ni Daddy sa bahay pagka-graduate niya ng high school but he refused. Inimbitahan ko pa siya noon sa kasal ko pero hindi siya dumating. Parang kinalimutan na talga niya kami. Kaya very thankful akong nagkita kami rito at okay na kami."
"Nawili kasi si Noah noon sa Philippines kaya hindi na niya ginustong bumalik dito," sab I ni Jared. "Ilang months din dito si Noah, Martin. Bumawi ka sa kanya."
Tumango si Martin.
Lumampas ang tingin ni Martin sa balikat ni Jared. Lihim niyang nahigit ang hininga nang makitang pumasok ng coffee shop si Noah. He looked dashing in his blue long-sleeved polo with tie and a pair of black pants. Ang coat nito ay nakasampay sa braso nito at nakasukbit naman sa balikat ang itim na backpack. "Speaking of, he's already here."
Lumingon si Jared at tumayo nang makita si Noah. Tumayo rin si Martin. Nang makalapit sa table nila si Noah, niyakap at nakipagtapikan ito ng balikat sa dalawang lalaki. Nang batiin siya ni Noah, tinanguan niya ito at tipid na ngumiti.
"Coffee, Kuya?" alok ni Martin.
"Sige, cappuccino," sagot ni Noah at naupo sa tabi ni Jared.
"So, how was your first day at work?" tanong ni Jared kay Noah.
"Fine. Kaya lang, nakakailang magsuot ng ganito. Naiinitan ako," tukoy ni Noah sa suot na long-sleeved polo.
Natawa si Jared. Napangiti naman si Marie kahit nakatutok ang mga mata sa laptop.
"Masanay ka na. Ganyan talaga ang dress code sa halos lahat ng opisina rito sa Amerika. Kailangan lagi kang presentable. Ang I'm pretty sure, when you go back to the Philippines, ganyan na rin lagi ang attire mo," sabi ni Jared.
"No way, pare. Magre-resign ako kapag ni-required nila akong mag-coat and tie," sabi ni Noah.
Napangiti si Marie.
"Bakit hindi mo pa gawin ngayon?" sabi ni Jared sa seryosong tono. "I'm actually thinking of putting up my own animation company. Marami na rin naman na akong clients. Ipinapasa ko nga sa ibang kaibigan ko sa ibang bansa kapag hindi ko na kayang i-handle. I'm offering you a partnership."
"Are you serious?" tanong ni Noah.
"Of course. Matagal ko nang plano 'yon, Noah, hesitant lang ako dahil ayoko ng paperwork. It is not easy but think about it, pare."
Tumango lang si Noah.
Ilang sandali pa ay dumating na ang order ni Noah na dinala ng assistant ni Martin na si Jeffrey. Naging busy na kasi si Martin sa pagdagsa ng mga customer na galing sa trabaho.
Nagsimula na ring magdiskusyon ang dalawang lalaki sa proyekto ni Jared.
Tahimik lang si Marie sa ginagawa. Pero sa sulok ng mga mata niya, nakikita niya ang maya't mayang pagsulyap ni Noah sa kanya, lalo na kapag sumisimsim ito ng kape. Nadi-distract tuloy siya. Mayamaya, napatingin siya kay Noah nang bumuntong-hininga ito. Ilang sandaling naghinang ang mga mata nila.
"How are you, Marie?" mayamaya ay tanong ng lalaki.
"I'm okay," matipid niyang sagot, nakangiti.
"Kumusta na ang braso mo?"
"It's healing already." Bahagya pa niyang inangat ang nakabendang braso.
"Be careful next time."
"Of course." Ibinalik na uli ni Marie ang tingin sa laptop.
Nagpatuloy sa pagdidiskusyon sina Noah at Jared. Patuloy rin si Noah sa pagsulyap-sulyap sa kanya. Pilit na lang na in-ignore ni Marie ang lalaki.
Ilang minuto pa ang lumipas, dumating si Rick. Pagkatapos silang batiin ay naupo ang lalaki sa tabi ni Marie. "Marie, we have a problem. We need a guitarist para sa charity concert. Hindi pa raw makakabalik sina Spencer at Ricard. May bago raw kasi silang project. Ikaw naman, hindi pa makakatugtog," problemado nitong sabi.
"Ito si Noah, o.Guitarist at songwriter kaya 'to," sabi ni Jared at itinuro pa si Noah.
"Ha?" gulat na sabi ni Noah na nagtaas ng tingin mula sa laptop ni Jared.
"Oo nga 'no," sabi ni Rick. "And you can sing well, too. Noah, pare, okay lang ba na mag-sub ka sa guitarist namin?"
"Okay lang ba 'yon? Hindi naman ako member ng church group n'yo," alanganing sabi ni Noah.
"Yes, okay lang 'yon. Puwede ka rin namang mag-member kung gusto mo. Pero hindi ka namin pinipilit na mag-memer kung ayaw mo. We're not recruiting anyway. Sige na, pare. After work naman tayo magpa-practice," panghihikayat ni Rick.
"Kailan ba 'yon?" tanong ni Rick.
"Two weeks from now."
Tumango si Noah.
"So, puwede ka ba?" tanong ni Marie.
"Sure. I'm in," nakangiting sagot ng lalaki.
PROBLEMADONG ibinaba ni Marie ang screen ng laptop. Bigla na lang iyong namatay at hindi na gumana. Hindi puwedeng basta na lang masira ang laptop niya dahil naka-save doon ang ilang recorded songs na isinulat niya; wala siyang back up.
Nag-aalalang hinanap niya ang cell phone at tinawagan si Jared. Jared was also a computer technician. Kapag nagloloko ang computer nilang magkakaibigan, si Jared ang tinatawagan nila. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot ng lalaki ang tawag. "Hi, Jared. Are you busy? Bigla kasi nag-black out ang laptop ko, eh."
"Do I need to fix it now? I'm not in Portland, Marie. Papunta kami ni Tracy sa Seattle to visit her mom."
Pinanghinaan ng loob si Marie sa narinig. "Gan'on ba? Oo, kailangan ko na, eh. May kilala ka bang ibang puwedeng gumawa?"
Sandaling natahimik si Jared bago sumagot. "Yes. But I'll ask him first if he's free. I'll call you back, okay?"
"Okay. Thanks, Jared."
After a few minutes, sa halip na tumawag, nag-text si Jared. Nanlaki ang mga mata ni Marie nang mabasa ang message. Ayon dito, papunta na raw sa bahay niya si Noah para ayusin ang laptop niya.
Bakit si Noah pa? As much as possible, ayaw na niyang makasama ang lalaki dahil naiilang na siya rito. Kung hindi lang nila kailangan ng tulong nito at kung hindi magtataka sina Rick, hihilingin niya sa mga kaibigan na huwag na nilang kunin si Noah bilang guitarist sa charity concert. Yes, she liked Noah and it seemed like the feeling was mutual. But she did not like the idea. Ayaw niyang manggulo sa relasyon ng lalaki sa pinsan niya.
Dapat siguro, hindi na lang niya papuntahin si Noah. Pero ano naman ang sasabihin niya kay Jared? Siguradong magtataka ito sa biglang pagbabago ng isip niya. Besides, she badly needed her laptop to be fixed.
Humugot muna ng hininga si Marie bago nag-reply ng "Okay" at "Thank you" kay Jared.
Pagkalipas ng tatlumpung minuto, may kumatok sa pinto. Alam niyang si Noah na iyon kaya agad niyang binuksan.
"Hi, Marie. Pinapunta ako rito ni Jared. Kailangan mo raw ng tulong ko?" nakangiting tanong ng lalaki. He was in his usual attire, T-shirt and ripped jeans.
"Yes. Pasok ka." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Upo ka, I'll get you something to drink."
"Eto 'yong sirang laptop mo?" tanong ni Noah na nakatingin sa coffee table.
"Oo," sagot niya at nagpunta na sa kusina.
Nagtitimpla ng juice si Marie nang marinig na pumailanlang ang isang pamilyar na kanta. It was one of her compositions na naka-save sa laptop. Mayamaya pumasok sa kusina si Noah, dala ang laptop. "Oh, my God! How did you fix it?" tuwang-tuwa niyang tanong nang makitang gumagana na iyon.
"I just pressed some keys," nakangiting sagot ng lalaki at ibinaba ang laptop sa ibabaw ng mesa.
Naupo si Marie sa silya at tahimik na ineksamin kung maayos na talaga ang laptop. "I'm impressed. Ang galing mo!" papuri niya pagkalipas ng ilang minuto, relieved. Mukha namang walang nabago o nawala sa files niya.
Ngumiti lang si Noah.
"How much do I awe you?"
"Don't bother. Wala naman akong masyadong ginawa."
"But I insist. Wait, I'll just get - " Tumayo si Marie at naglakad palabas ng kusina. Pero mabilis siyang napigilan ni Noah sa kamay.
"I'll get offended if you insist on paying me. Parang hindi naman tayo magkababayan n'yan eh."
Hindi niya napigilang mapangiti. "Okay, pero hindi talaga ako matatahimik kung hindi ko man lang maibabalik ang kabutihang ginawa mo,"
"I'll just think of something," bale-wala nitong sabi. Hawak pa rin nito ang kamay niya at nakatitig sa kanyang mukha.
Naasiwa si Marie sa mainit nitong pagtitig. Nawala ang ngiti niya at biglang kumabog ang dibdib. "Why are you staring at me?" tanong niya habang nilalabanan ang pagkaasiwang nararamdaman.
"Nothing. I just can't help myself. You're so beautiful, Marie," sabi ni Noah.
Nag—init ang mga pisngi ni Marie nang marinig uli ang papuri nito sa kanya noong una silang nagkakilala. It was hard to believe actually. She was just a plain-Jane. Nag-e-effort lang siyang mag-ayos o magbihis kapag may gig. Kung wala, ang usual getup niya ay baby tee at cropped o ripped jeans, tsinelas o sneakers. Tomboyish din siya kung kumilos dahil majority ng mga kaibigan niya ay lalaki. "A-are you flirting with me?" lakas-loob niyang tanong, tinaasan ito ng kilay.
Nanatili lang nakatitig si Noah sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin at binawi ang kamay sa lalaki. "Wait, iyong juice mo hin – " Noah suddenly cupped her face and kissed her lips tenderly. Sandali siyang nabigla at hindi kaagad nakakilos dahil nanlambot ang mga tuhod niya. Pero nang ma-realize niya kung ano ang nangyayari, napahawak siya sa mga balikat nito.
She had her first kiss in college from her first and only boyfriend. But Noah was a better kisser. Much better kaya naman nadala siya at tinugon ang halik nito. "This is wrong," nagawa niyang sabihin nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa habol ang paghinga.
"I know," he said and claimed her mouth again.
Marie opened her mouth and kissed him back. Hindi nagtagal, binuhat siya ni Noah at inupo sa ibabaw ng dining table. Tumagal ang halik ng ilang segundo bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Hindi gaanong inilayo ni Noah ang mukha sa kanya. Matagal ding naghinang ang mga mata nila.
Ramdam ni Marie ang paghihirap ng kalooban ni Noah.
He planted a kiss on her lips and helped her to her feet. Pagkatapos ay naglakad ito palabas ng kusina at walang paalam na tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.
Nakatulalang napaupo na lang si Marie sa silya.