“YOU LIKE him, do you?”
“Ha?” gulat na sabi ni Marie sa sinabi ni Tracy. Nakaupo sila sa bleachers at pinapanood ang mga kaibigan nilang lalaki na naglalaro ng softball, kabilang sina Martin at Noah na teammates pa. Masaya siya sa magkapatid dahil nakakapag-bonding ang dalawa at halatang kapwa nag-e-enjoy.
“Aminin mo na, gusto mo si Noah, ‘no?” pangungulit ni Tracy.
“Paano mo naman nasabi ‘yan?”
“Napapansin kasi namin ni Jared na lagi kang nakatingin sa kanya kapag magkakasama tayo. At ganoon din si Noah sa ‘yo. Madalas din daw magtanong si Noah tungkol sa ‘yo. You like him, right?”
“A lot actually,” pag-amin niya. “But he’s no longer available,” dismayado niyang sabi na sinundan pa ng buntong-hininga.
“Yeah,” dismayado ring sabi ni Tracy.
Nang matapos ang laro, lumapit sa kanila si Jared.
Nadismaya si Marie nang sa kabilang bleachers pumuwesto si Noah, kasama sina Martin. Isang lingo na ang nakalilipas nang una silang mag-practice. Tatlong beses pa silang nagkita ni Noah. Pero hindi siya nilalapitan ng lalaki tulad ng ginagawa nito dati. Halatang iniiwasan siya. Hindi na rin niya nahuhuling nakatingin sa kanya ang lalaki. Which was good actually. Pero siya naman ang hindi nakakatiis na palihim itong sulyapan.
Uminom si Noah sa hawak na bottled water na ibinigay ni Martin. At tulad noong una niya itong nakitang uminom ng tubig, napatanga siya. Wala sa loob na bumuntong-hininga siya at nagbawi ng tingin. Nakita niya ang nanunuksong tingin ng magkasintahang Jared at Tracy.
“Do you know, break na si Noah at ang pinsan mo?” tanong ni Jared.
“Huh?” gulat na sambit ni Marie.
“Yes. Sinabi sa akin ni Noah kanina. Nakipag-break daw si Bethany sa kanya dahil ayaw ni Bethany ng long-distance relationship. Inutos din daw ng parents ni Bethany dahil ayaw nila kay Noah.”
May simpatyang napatingin si Marie kay Noah na noon ay nakikipagtawanan kina Luke. Kaya pala parang mainit ang ulo ng lalaki nang huli silang nag-practice. He looked okay now. Mukhang hindi brokenhearted.
Biglang tumingin si Noah sa direksiyon niya at huling-huli siyang nakatingin dito. Ngumiti ang lalaki sa kanya. Gumanti siya ng ngiti.
“So, puwede na pala kayo ni Noah ngayon.”
Nagbawi ng tingin si Marie kay Noah at bumaling kay Tracy. Hindi siya sumagot pero inaamin niyang masaya siya sa nalaman.
Pagkatapos ng laro, nagkayayan ang lahat na magpunta sa Portland Saturday Market. Isang tourist destination iyon na makikita sa downtown Portland. Bukod sa variety goods, nagkalat din ang mga food cart at food truck na nagtitinda ng variety delicacies from around the world. May musicians din, preachers, magicians, dancers, impersonators at iba pa na umaaliw sa mga tao kapalit ng donasyon.
Habang namamasyal sila, tinabihan ni Noah si Marie at kaswal na nakipagkuwentuhan sa kanya. Nalaman ni Marie na mahilig din pala ang lalaki sa mga festivals tulad niya. Hinuntuan nila at pinanood ang mga nagpe-perform at tinitikman ang mga tinda sa ilang food carts at food trucks.
“Nasaan na sila?” tanong ni Marie habang inililibot ang tingin sa paligid pagkatapos magpasalamat at umalis ang couple na nakakilala at nagpa-picture sa kanya.
“I don’t know,” sagot ni Noah habang nagpapalinga-linga. Dahil sa dami ng tao, hindi na nila makita ang mga kaibigan nila.
“Makikita rin natin sila mamaa. Tara, doon tayo.” Hinawagkan siya ng lalaki sa kamay at hinila papunta sa nagtitinda ng mga trinkets. Nagulat siya sa ginawa nito pero hindi siya nagprotesta.
“Para kay Natalie?” tanong ni Marie habang namimili ang lalaki ng magandang designs.
“Yes. Mahilig siya sa ganito.”
Pumili na rin ng magandang designs si Marie. Naunang natapos si Noah at nagbayad sa tinder. Nang magbabayad na siya sa napili niya, mabilis itong nag-abot ng pera sa tinder.
Hindi na nagprotesta si Marie. Ang toto, kanina pa nila pinagtatalunan ang pagbabayad. Kahit na wala sila sa Pilipinas, dahil ito raw ang lalaki, dapat lang na ito ang nagbabayad. “Let’s have a decent meal later. My treat.”
“Baka mapasubo ka sa akin. Matakaw ako,” biro nito.
“Kanina ko pa po alam,” ganting-biro niya.
Noah laughed softly. “Tara, doon tayo.” Muli siyang hinawakan nito sa kamay at hinila papunta sa mga nagtitinda ng bags.
THIRTY minutes later, nakaupo na sina Marie at Noah sa isang bench sa riverside. Kumakain sila ng elephant ears habang pinapanood ang isang rock band na tumutugtog sa malapit.
“So, it’s open only on Saturday?” tanong ni Natalie habang sarap na sarap sa kinakain. Elephant ears was just fried flat wheat breads that was covered in sugar and cinnamon and other goodies. Medyo sticky at messy lang kainin pero iyon ang pinakamasarap at pinakasikat na pagkain sa Portland Saturday Market.
“Also on Sundays. Ironically, they used to call it Saturday Market. It’s open nine months a year, March to December. And everything you need to know about Portland can be found here. You’re lucky you went here during summer dahil maraming activities at festivals kang mapapanood without getting wet.” Sinundan ni Marie ng pagtawa ang sinabi.
“So, the rumors about Portland weather is true? ‘Sabi nila, lagi raw umuulan dito?”
“Hindi naman. Hindi nga lang madalas sumisikat ang araw. Madalas, cloudy pero hindi naman umuulan. We often have days na maulan sa umpisa and ends up with sunshine and blue skies. Kapag umulan, hindi ganoon kalakas. Just enough to get you wet on the way to the car.”
Tumango si Noah. “Well, I love rain.”
“Talaga? Pareho pala tayo.”
Nagngitian sila.
“I fell in love with this city the first time I went here, even the people, so I settled down here,” pagkukuwento niya.
“I see. Ako rin naman I feel at-home here. Mababait ang tao rito at madaling pakibagayan.”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Marie sa narinig. “Magpa-pierce ka at magpa-tattoo para magmukha ka na talagang Portlander,” biro niya kay Noah. Although maikli pa rin ang buhok, nagsisimula na rin itong magpatubo ng beard na ordinary lang sa karaniwang lalaki sa Portland. Naitago man ng balbas ang cleft chin sa baba nito, attractive pa rin ang lalaki sa kanyang paningin.
“No way. Baka hindi na ako makilala ng pamilya ko.”
Naunang naubos ni Noah ang kinakain. Nilinisan nito ang kamay gamit ang wipe na ibinigay ng tinder kanina. Nang si Marie naman ang makaubos ng pagkain, nagulat siya nang hawakan ni Noah ang kamay niya at nilinisan gamit pa rin ang wipe. Pagkatapos ay kumuha ito ng tissue paper at pinunasan ang bibig niya.
“Thank you,” nahihiya niyang sabi.
Ngumiti lang ang lalaki.
Ilang sandaling pinanood nila ang tumutugtog.
“So, how are you?” tanong niya rito mayamaya.
Nakakunot-noong tumingin si Noah sa kanya. Pero agad din nitong nakuha ang ibig niyang sabihin. “I am fine.” Tumingin ito sa malayo. “I don’t have plans to win her back. Bethany and I are not meant for each other. I deserve someone na pagkakatiwalaan ako at ipaglalaban ako at ang pag-iibigan namin kahit ano’ng mangyari.”
“Right,” sang-ayon niya.
“Nagyayaya sina Luke sa Oregon Brewers Festival bukas. Sasama ka ba?” pag-iiba nito ng usapan.
“May checkup kasi ako bukas. Baka humabol na lang ako. Sumama ka sa kanila, masaya ‘yon.”
“Hmm… pagkatapos ng checkup mo, may gagawin ka pa ba? Puwede mo ba akong samahang bumili ng gitara?”
“Puwede naman. Pero saan mo gagamitin ang gitara?”
“May ilang lines ng kanta kasi akong naisulat, gusto ko sanang lagyan na ng cords.”
Natuwa si Marie. “Talaga, nagko-compose ka na uli?”
“Yeah. Sinusubukan ko.”
“That’s good. Pero bakit bibili ka pa ng gitara kung hindi ka naman magtatagal dito. May spare acoustic guitar ako sa bahay. Papahiram ko na lang sa ‘yo para makabawi naman ako sa pag-ayos mo ng laptop ko. Kunin mo na lang sa bahay bukas ng umaga.”
“All right. Thanks!” nakangiti nitong sabi.
NAGULAT si Marie nang makita sa peephole kung sino ang nag-doorbell. Halos tatlumpung minuto pa lamang ang nakalilipas magmula nang maghiwalay sila ni Noah. Bakit kaya naroon uli ang lalaki sa bahay niya?
Kaninang umaga, dumating si Noah para kunin ang ipapahiram niyang gitara. Pero sa halip na umalis, nag-insist itong samahan siya sa pagpapa-checkup. Hindi na siya nakatanggi. Pagkagaling sa doktor, sumunod sila sa mga kaibigan nila sa Brewers Festival.
Sa buong araw na magkasama sila ni Noah, halos hindi ito umalis sa tabi niya. He was very attentive to her and anything she needed. Alas-siyete na ng gabi nang maghiwa-hiwalay sila pagkatapos mag-dinner sa isang restaurant.
“Hey, may nakalimutan ka bang sabihin sa akin?” nakangiting tanong ni Marie nang pagbuksan niya ng pinto ang lalaki.
Reluctant na sumagot si Noah, nakapamulsa ang kaliwang kamay sa suot na ripped jeans. Sa kanang kamay naman ay hawak nito ang gitarang pinahiram niya.
“May unwanted visitor kasi ako sa bahay na ayaw ko pang makausap. Wala naman akong alam na puwedeng tambayan kundi sa coffee shop ni Martin at sa bahay ni Jared. I’m afraid, pupunta rin siya sa Submarine kaya hindi na ako pumunta roon. And Jared is still with Tracy for sure. Is it okay kung tumambay muna ako rito kahit sandali lang.”
“It’s okay. Tara, pasok ka.” Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Nabasa niya sa mukha ng lalaki na kailangan nito ng makakausap.
Pumasok si Noah. “Ano ‘to, new compositions mo?” tanong nito habang nakatingin sa music sheet sa ibabaw ng coffee table sa sala.
“Yes. Ginawa ko ‘yan bago ako na-injure. Pero chorus pa lang ang nalagyan ko ng melody. Susubukan ko sanang lagyan ng melody sa keyboard.
“Parinig naman,” hiling ni Noah. Ipinatong nito ang gitara sa dulo ng couch bago naupo.
Naupo si Marie sa armchair at mula sa laptop na nakapatong sa ibabaw ng coffee table, pinatugtog ang isang audio clip. Tahimik lang si Noah habang nakikinig hawak ang lyrics ng kanta. “So what can you say?” tanong niya pagkatapos patugtugin nang tatlong beses ang audio clip dahil na rin sa request nito.
“Hmm… I think may mas poging cords diyan.”
“Ha?” Natawa siya. “Ano’ng ‘poging cords’? Ngayon ko lang narinig ‘yon. May pogi bang cords?”
“Yep.” Kinuha ni Noah ang guitar case at inilabas ang gitara. Nagsimula itong tumipa. Sa simula, kinapa-kapa muna nito ang tamang cords sa chorus. Nang magtagal ay nalapatan na nito iyon ng mas magandang tono na sinabayan pa ng pagkanta.
Tahimik na nakikinig si Marie. Noah was musically gifted. He had good voice. Magaling din itong mag-drawing at magaling pa sa computer. Nang magsabog yata ng talento ang Diyos, isa yata ito sa mga unang nakasalo.
“So, what can you say?” tanong ni Noah pagkatapos nitong lagyan ng bagong tono ang buong chorus.
“Honestly, mas gusto ko iyong ginawa mo. Ikaw rin ba ang naglagay ng melody sa Stars, While I’m Gone at Thunders?”
“Yes, ako rin. But with the help of other members of the band and an arranger, of course.” Nagpatuloy ito sa ginagawa. Ang umpisa ng kanta ang sinubukan nitong lapatan ng tono.
Mabilis na lumipas ang isang oras na halos hindi nila namamalayan. Nang dumating ang pizza na in-order ni Marie, pinagsaluhan nila iyon habang nagkukuwentuhan.
Mayamaya pa ay nagpaalam na si Noah. “Thank you for allowing me to stay here.”
“Do you think wala na iyong taong iniwasan mo?”
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Siguro. It’s my father by the way.Sa halip na tumayo at pumunta sa pinto, nagsimula itong magkuwento tungkol sa pamilya.
Sympathetic na hinawakan ni Marie sa kamay ang lalaki pagkatapos nitong magkuwento. “Hey, if you need someone to talk to, just knock my door. I’m here to listen, okay?” Naintindihan niya kung bakit ayaw pa ni Noah na makita ang ama nito. Sobrang nasaktan ang lalaki sa ginawang pagpapadala rito ng daddy nito sa Pilipinas kahit pa nakabuti iyon.
Nakangiting tumango si Noah at ngumiti. “Thank you.”
Gumanti ng ngiti si Marie. Mayamaya, natigilan siya dahil nakatitig ang lalaki sa kanya, parang hahalikan siya. Biglang kumabog ang dibdib niya. “Is there something wrong?”
Hindi sumagot si Noah. He cupped her face and kissed her tenderly. He encouraged her to kiss him back. Pero itinulak lang ni Marie ang lalaki. “Why?” nakakunot-noo nitong tanong.
“Noah…” She did not know what to say. Tinulak niya ang lalaki dahil nagulat siya sa ginawa nito. Nabibilisan siya sa pangyayari. Kabe-break lang nito at ni Bethany.
Hinawakan ni Noah ang kamay niya at inilapat sa tapat ng dibdib nito. “Feel this.”
Nagulat si Marie nang maramdaman ang malakas na kabog sa dibdib nito. “Your heart beating out of your chest.”
“Yeah. My heart always beats fast everytime you’re near me. Lalo na kapag tayong dalawa lang.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “This is not wrong anymore. I like you so much and I know you like me, too. Let’s give in to our feelings,” he said and kissed her again.
He was right. Wala na ito at si Bethany. Malaya na silang palalimin ang nararamdaman sa isa’t-isa.
Ipinulupot ni Marie ang mga braso sa leeg ng lalaki at tinugon ang halik nito.
“CONGRATS, guys. Ang gagaling n’yo,” pumapalakpak at nakangiting bati ni Pastor Perry nang salubungin sina Marie sa backstage. Isa-isa silang binati ng pastor at niyakap.
Katatapos lang ng charity concert na ginanap sa isang park sa Vancouver. The Real Hour band performance went well. Hindi lang anim na worship songs ang kinanta at tinugtog nila, umabot iyon sa walo dahil sa kahilingan ng audience.
Kasama ni Pastor Perry ang mga kaibigan na masaya rin silang binati at niyakap.
Nang magkaharap sina Noah at Marie, awtomatiko silang nagyakap. Yumuko si Noah at hinalikan si Marie sa mga labi na agad niyang tinugon. Nagtagal ang halik na iyon ng ilang segundo na nakita ng mga kaibigan nila.
“What’s going on guys?” nasorpresang tanong ni Jared.
Ipinatong ni Noah ang braso sa balikat ni Marie. “Well, kami na,” nakangiti nitong deklara.
“Well, I’m not surprised,” sabi ni Rick. “Ilang araw ko na kayong napapansin na palaging magkasama at sweet sa isa’t-isa.”
“I’m happy for you,” nakangiting sabi naman ni Tracy kay Marie.
“Thank you,” nakangiting sagot ni Marie at nagyakap sila.
Nagpunta ang lahat sa Submarine para mag-celebrate. Pinakahuling pumasok sina Noah at Marie. Pero napahinto si Noah sa entrance nang makita ang isang lalaking nakaupo sa two-seater table, kausap ni Martin.
Napahinto rin si Marie. “Gusto mo na bang makausap ang daddy mo?” tanong niya nang makita ang tinitignan ng boyfriend niya.
Tuminingin si Noah sa kanya at umiling.
“Then let’s get out of here.” Hinila na niya palabas ang lalaki bago pa man sila makita ng daddy nito.