Chapter 24 - Xanthe Sun Raue's Point of View Naglalakad na ako papunta sa MPQ nang makasalubong ko si Lee. Huminto siya at tumingin sa'kin kaya huminto din ako. "Okay ka na?" Tanong niya. Nanggaling ako sa Ward Hall at doon na ko natulog kagabi kaya lang wala siya doon at ngayon ko lang ulit siya nakita. Nagkibit-balikat ako tsaka ko tinuro ang bandage ko sa leeg at ang nakapalibot na tela sa tiyan ko. Tumango naman siya. "Take care. Ingat ka palagi." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero bago pa ko makapagsalita ay nakaalis na siya sa harapan ko. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ng buong LU ang nangyari sakin sa Mafia Palace kaya hindi na nakakapagtaka na walang bulungan na nangyayari ngayon sa kung anong itsura ko. "SUNNY!" Huminto ako sa paglalakad at tuming

