Chapter 6 - Servant

1212 Words
Chapter 6 - Servant Sun Raue's Point of View Naglalakad na ko dito sa hallway ng school. Masakit pa rin 'yung ulo ko hanggang ngayon, nagising nga pala ako kaninang umaga nandoon pa rin ako sa Ward Hall, pero nakahiga na ako sa malambot na kama. Ang naalala ko lang kasi, uminom ako kasama si PL at si Lee tapos nasuntok ko si PL dahil ayaw niya ibigay sa'kin yung alak at nakatulog na ko. "Excuse me?" May biglang humarang sa dinadaanan ko. Matanda na siya pero mahahalata pa rin na malakas pa siya. Tumingin ako sa kanya. "Are you Sun Raue Montereal?" Tanong niya sakin. "Yes. Why?" "Pinapatawag ka ng Mafia Prince. Pumunta ka sa Quarter nya." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Bakit naman ako ipapatawag ng Mafia Prince?" Nagkibit balikat lang siya. "Follow me." Sabi niya tapos nag-umpisa na siyang maglakad. Kahit hindi ko alam sumunod na lang ako. Pagdating namin doon, kumatok muna siya. "She's here, Mafia Prince." Tumingin siya sa'kin at sinabi niyang pumasok na ko. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Pagpasok ko, sobrang tahimik. Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin ang laki pala nito. May sala tapos sa dulo may matataas na book shelves tapos punong puno pa ng libro. Naglakad ako papunta sa mga book shelves tapos nagulat ako nang makita ko si PL na nakasandal doon at may hawak na libro. Don't tell me siya ang Mafia Prince? Pero hindi eh, nakita ko na ang Mafia Prince. "Hoy PL!" Tawag ko sa kanya. Napatingin bigla siya sa'kin tapos parang nagulat pa siya sa tawag ko. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang Mafia Prince?" Tanong ko pero hindi pa rin mawala ang pagkagulat sa mukha niya. Masyadong malakas ba ang pagkakatawag ko sa kanya? "Oy! Sumagot ka nga! Bakit ka nandito? Diba dapat ang Mafia Prince yung nandito? Aish! Tara na nga!" Sabi ko, tumalikod na ko at maglalakad na sana pero hindi pa rin siya sumunod. "Psst! PL tara na!" Narinig ko na 'yung mga yabag ng paa niya kaya naglakad na ulit ako. "Wait." Rinig kong sabi ni PL kaya humarap ako sa kanya. Napansin ko agad yung suot niyang kwintas na ulo ng dragon. Kwintas ng Mafia Prince... "You're asking me who am I right?" Tiningnan ko siya sa mukha, seryoso lang siya. Hindi ako nakasagot, dahil naguguluhan ako. Bakit siya may kwintas ng Mafia Prince? Naglakad siya palapit sakin. "I'm Zrach Izra, the Mafia Prince." Napatitig ako sa kanya. Pagkatapos... "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Shit! Hindi ko mapigilang mapahagalpak ng tawa! Wag nga siyang magbiro! Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kwintas niya tapos tiningnan 'yon. "Where did you get this? Is this fake?" Hindi talaga ako makapaniwala na nagbibiro siya ngayon. Tatawa pa sana ako pero hindi natuloy dahil hindi pa rin nagbabago ang pagiging blanko ng ekspresyon niya. Teka, seryoso ba siya sa sinabi niyang siya ang Mafia Prince? "Mafia Prince." Sabay kaming tumingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yung Mafia Prince na nakausap ko dati dito. Pero tinawag niya si PL na Mafia Prince?! "I'm sorry Mafia Prince for disturbing you." Sabi niya tapos tumingin siya sa'kin. "Ikaw yung babaeng pinagkamalan akong Mafia Prince, right?" Tanong niya sa'kin. "Hindi ikaw ang Mafia Prince?" Gulat na sabi ko habang nakaturo pa sa kanya. Ngumiti siya. "Hindi." Sagot niya tapos tumalikod na siya at lumabas ng Quarters. Humarap ako kay PL. Nakatingin siya sakin na parang sinasabi niya na 'Ano ka ngayon?' Naalala ko yung pagtrato ko sa kanya, na sinisigaw sigawan siya. Tapos kagabi nung uminom kami, kung ano-ano sinabi ko tungkol sa Mafia Prince at nasuntok ko pa siya. Oh my God! I'm dead! Nandito ako ngayon sa cafeteria, kasalukuyang kumakain ng lunch. This is my first time na kakain ako dito, dati kasi naghahanap ako ng tahimik na lugar para doon kumain. Wala eh... Tinatamad ako maglakad. "Yan ang bagay sayo! Nerd!" Tumingin ako sa likuran ko. Tss.. may nambubully na naman. Kaya ayoko dito eh. Tsk! Ang ingay! 'Yung mga nerd naman kasi na 'yan, alam naman nilang mga anak ng Mafia at mga Gangsters ang mga nag-aaral dito, dito pa nila naisipang pumasok. "Itigil niyo yan." "M-mafia Prince.." Napatigil ako sa pagkain. Lumingon ulit ako sa likuran, tapos mabilis din akong tumalikod. Shit! Siya nga! Anong ginagawa niya dito?! Teka lang... Ano bang paki ko kung nandito siya? Tss! Pero kasi nung napahiya ako sa kanya kanina, nagtatakbo agad ako palabas. Hindi ko alam kung anong iniisip ko non kung bakit ko ginawa 'yon. "Uupo ako." Tumingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko. Ba't nandito pa siya?! Nakabawi agad ako sa pagkagulat tapos nagpatuloy kumain. "Ayoko." Maikling sagot ko. Pero umupo pa rin siya sa tapat ko. "Hindi ko kailangan ng sagot mo, sinabi ko lang, hindi ako nagtanong kung pwede." Napairap na lang ako sa sinabi niya. "Tss..." Tumayo na ko at kinuha ko ang bag ko. Hinawakan niya ko sa wrist, napatingin ako sa kanya. "Where do you think you're going?" Seryosong tanong niya. "None of your business." Binawi ko ang kamay ko. "Wag mo kong tratuhin nang ganyan sa harap ng mga estudyante, baka nakakalimutan mo, ako ang Mafia Prince." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na 'yun para marinig ko. Humarap ako sa kanya. "Ano ba'ng kailangan mo?" Inis na tanong ko sa kanya. "Wala kang karapatan para talikuran ako." Blanko lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sa'kin. Wala akong nakikitang ngisi sa mukha niya. "Eh anong gusto mong gawin ko?" Nakakainis na talaga siya. Pinapamukha niya pa sa'kin na siya ang Mafia Prince. So what kung siya ang Mafia Prince? "Wala, umalis ka na." Awtomatikong tumaas ang kilay ko. Naaabnormal na 'tong PL na 'to. Psh! Naglakad na ako tapos nakasalubong ko si Lee, nginisihan niya lang ako. Isa pa 'yon! Tss... Pumunta na lang ako sa classroom at hinintay dumating ang teacher. Nang nagsisimula na ang klase may bigla na lang kumatok. "Can I excuse Miss Sun Raue Montereal?" Napataas ako ng kilay. Siya na naman, 'yung lalaking humarang sakin kanina sa hallway. "Sure Mr.Marlowe, Ms.Montereal?" Tumingin sa'kin 'yung teacher ko na nagsasabing pwede na kong lumabas. Lumabas na ako at naabutan ko doon si Mr.Marlowe. "Anong kailangan na naman sa'kin ng Mafia Prince?" Bungad ko. Naglakad siya, sumunod ako. "Siya na ang magsasabi sayo. Ako nga pala si Raymond Marlowe, ako ang nag-aalaga sa Mafia Prince simula bata pa lang." Humarap siya sa'kin at inextend ang kamay niya para makipag shake hands sa'kin. Inabot ko iyon. "Sun Raue Montereal." Pagdating namin sa Mafia Prince Quarter pinapasok agad ako ni Mr.Marlowe. Pagpasok ko nakita ko si PL-- I mean ang Mafia Prince sa sofa na nagbabasa ng libro, hindi ko makita 'yung mukha niya dahil natatakpan siya nito. Tumikhim ako. Mukha namang narinig niya 'yon dahil binaba niya na 'yung binabasa niya. "Have a seat." Seryoso na naman siya. Hindi ako sanay, lagi ko kasing nakikita iyong ngisi sa mukha niya eh. Umupo ako sa tapat niya. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo Mafia Prince?" Pwe! Mafia Prince? Di ako sanay na tawagin siyang ganun! PL na lang kaya? Psh! "Okay.. Miss Sun Raue Montereal." He stopped. "From now on, you will be my servant." Patuloy niya. Fuck. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD