Chapter 5 – Mafia Prince
Sun Raue's Point of View
Pupunta ako ngayon sa Mafia Prince Quarters. Kailangan ko siyang makausap. Galit na galit ako sa kanya! Sino siya para ikulong kami dito sa LU?! Oo, siya ang Mafia Prince pero wala siyang karapatan para kontrolin kami! Lalong-lalo na ako! Buong buhay ko, walang kumokontrol sa'kin. 'Pag nakita ko ang Mafia Prince na 'yon baka makalimutan ko na mas mataas siya sa'kin o siya na ang may-ari nito.
Papasok na ko ng Quarters nang may biglang humarang sa'kin.
"Where do you think you're going?" Sabi ng lalaking malaki ang katawan.
"Kailangan kong makausap ang Mafia Prince." Wala akong pakielam kung anong gawin nito sa'kin, desperada na kong makausap ang lalaking 'yon.
"Wala siya rito." Dire-diretso lang ako, nang nasa pintuan na ako at akmang hahawakan ko na ang door knob biglang bumukas ang pintuan.
May lalaking lumabas and I think siya ang Mafia Prince. Nagtataka siya habang nakatingin sa'kin.
"Kailangan kitang makausap." Sabi ko agad sa kanya.
"Iwan mo muna kami." Sabi niya doon sa lalaking malaki ang katawan. Umalis naman siya agad.
Pumasok siya sa loob kaya sumunod ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin at hinihintay akong magsalita.
"Gusto kong lumabas kaya payagan mo ko." Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko na sa kanya kaagad ang pakay ko.
"Hindi pwede-" I cut him off. Wala na akong pakielam kahit siya pa ang Mafia Prince.
"Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa pero kahit ito lang, payagan mo kong lumabas kailangan kong kumuha ng gamit ko." Seryosong sabi ko sa kanya.
"You need to obey the rules. Umalis ka na." Bago pa ako makapag react nakaalis na siya sa harapan ko.
Fuckshit!
Lumabas na ako ng Quarters at naisipan kong pumunta sa Black House ko. Inis na inis ako kaya hindi ko mapigilang ihagis ang gamit ko sa kama.
Damn you Mafia Prince! You're really have a blood of an Izra.
Paano ako makakalabas dito? Napatingin ako sa motor ko.
The heck!
Bakit ang tanga ko? Ba't hindi ko agad naisip na may daan palabas akong ginawa dito sa tabi ng Black House? Aish!
Inalis ko ang telang nakataklob sa motor ko at inilabas sa Black House. Pumunta ako sa gilid at binuksan ang maliit na daanan na sakto lang upang makadaan ang motor ko. Lumabas na ako habang akay ko ang motor, sinara ko muna ang maliit na gate tsaka ako sumakay sa motor.
I missed this.
Namiss kong sakyan ulit itong motor, regalo sa'kin 'to ni Papa noong birthday ko. Matagal ko na kasing pangarap na magkaganito.
Pinaandar ko na motor at nagdrive papunta sa bahay. Sana lang walang makakilala ng motor ko. Pagdating ko sa amin, nakabukas ang gate kaya nakapasok kaagad ako.
"Sun Raue!" Napatingin ako kay Tita ba tumawag sa'kin.
"Oh, Tita." Lumapit siya sa'kin.
"Bakit ngayon ka lang?" Napatingin siya sa motor ko. "At bakit mo sinakyan 'to?"
Nagtataka siya habang nakatingin pa rin sa motor.
"Doon muna tayo sa loob Tita." Pumasok kami sa loob at doon ko ikinwento kay Tita ang nangyari.
"Sun Raue... wag ka na kayang bumalik doon." Napakunot noo ako sa sinabi ni Tita.
"Tita hindi pwede, babawiin ko pa ang LU. At may kailangan pa kong kumpirmahin." Dapat kong kuhanin ang dapat na akin.
"Anong kukumpirmahin? Baka mapahamak ka." Alam kong nag-aalala lang sa'kin si Tita pero kailangan ko 'tong gawin.
"No. I can handle myself. Malakas na ko. Konti na lang talaga makakaya ko na ulit." Tiningnan ko si Tita.
"Mag-iingat ka ha? Wag kang magpapadala sa galit mo." Ngumiti ako.
"Oo naman Tita."
Umakyat na ako sa kwarto ko para kumuha ng mga gamit. Bumaba na agad ako pagkayari, maggagabi na din kasi kaya kailangan ko ng magmadali. Nagpaalam na ako kay Tita.
Pagdating ko ng LU konti na lang ang estudyante sa labas.
Dumiretso ako sa Bulletin Board para tingnan kung anong Dorm number ako.
And shoot! Nasa pinakahuli ang pangalan ko. Room 365, ang layo nito ah! Tsk! Tinatamad pa naman ako maglakad!
Inumpisahan ko na maglakad pero hindi pa ko nangangalahati ang sakit na ng paa ko. Aish! Bakit kasi ang lawak ng LU?! Huminto muna ako, tapos may nakita akong maliit na bahay, tiningnan ko yung nakasulat sa taas, Ward Hall?
Mukha namang walang tao kaya pumunta na ko roon, gusto ko nang magpahinga!
Pinihit ko yung door knob and luckily bukas siya. Pumasok na ko at saktong pagbukas ko ng ilaw may bigla akong naramdaman na tumama sa batok ko.
Shit! Sino 'to?!
Sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay.
Napahawak ako sa ulo ko at unti-unting dumilat. Ang sakit! Sh*t!
"A-aray.."
Ano bang nangyari? Tumingin ako sa paligid. Nandito nga pala ako sa Ward Hall. Pero bakit ako nakahiga sa sahig? Tsk! Tumayo na ko at nakita ko na may lalaking nakatalikod at nakaupo siya sa upuan tapos may kaharap siya pero hindi ko makita 'yung mukha dahil natatakpan ng lalaking nakatalikod.
"Hindi mo ba sasabihin sa kanya?"
"Hayaan mo siya." Rinig kong pag-uusap nila. Pamilyar sa'kin 'yung boses.
"Araw?" Tumingin ako sa nagsalita.
Teka...
"PL?" Humarap sa'kin 'yung isang lalaking nakatalikod. Si Lee...
"Gising ka na pala." Sabi ni PL. Naalala ko bigla kung bakit ako nawalan ng malay. Lumapit ako sa kanila sa lamesa.
"Hoy PL! Ikaw ba yung pumukpok sa batok ko kaya ako nawalan ng malay? Ha? Sumagot ka!" Galit na sigaw ko sa kanya.
Nagtaka naman siya.
"Hell no!" Sagot niya.
Tinaas ko na ang kamay ko at handa na sanang suntukin si PL pero may pumigil sa'kin.
"Ako ang gumawa non." Sabi ni Lee. Tiningnan ko siya.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" Inalis ko 'yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.
"Akala ko kaaway." Walang emosyong sagot niya. Hindi man lang ba siya magso-sorry? Aish!
Tiningnan ko si PL, iinom sana siya ng alak pero inagaw ko 'yun sa kanya tsaka ko inisang lagok. Nakita kong parehas silang nagulat sa ginawa ko.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nila. Sarap ng alak! Ngayon na lang kasi ako nakainom ng ganito eh.
"Gusto ko pa, pahingi pa nga." Sabi ko. Inabot naman sakin ni Lee yung isa pang alak pero parehas pa rin silang tahimik at nakatingin sa'kin. Ano bang problema nila?
"Anyway, I saw the Mafia Prince earlier." Parehas na naman silang nagulat, tapos nagtinginan sila.
"You saw the Mafia Prince?" Tanong ni Lee.
"Yeah. Do you know what's the nickname of Mafia Prince?" Tanong ko sa kanila.
"Pretty prince?" Sabi ni PL.
"Ha? Pretty prince? No!"
"Dog prince?" Sabi naman ni Lee.
"Woah! I'm right! Everyone knows that!" Tumawa pa ako.
"What? Dog prince?!" Sigaw ni PL.
"Yeah! And they say that he is half beast and human because he didn't know if he should or shouldn't bark! Like a mad dog!" Tumawa ako. Nahihilo na ko pero tuloy tuloy pa rin ako sa pagsasalita. Binagsak ni PL ang baso niya sa lamesa.
"Shut up!"
Teka, bakit ba naiinis 'tong si PL?
Nakita kong tumawa si Lee. "Lee, did you just laugh?" Tanong ko.
Bigla siyang naubo.
"No, I'm not!"
"I saw it too." Sabi ni PL na naiinis.
"But is the Mafia Prince really a bad tempered?" Balik ko sa topic.
"Araw tumigil ka na dyan! Lasing ka na." Sabi sakin ni PL. Hindi ko na alam kung nakakailang bote na ko ng alak pero gusto ko pa.
"Anow bah! Inom pa tayow." Nilapagan ko sila ng alak sa tapat nila.
"Shige na!" Uminom pa ulit sana ako pero may umagaw non sa'kin.
"Waaa! Akeyn na nga yahn!" Aagawin ko na 'yung alak pero itinaas niya 'yon para hindi ko maabot.
"Lasing ka na!"
"Hindi pa kow lashing PL! Akeyn na yahn!" Naiinis na ko sa kanya pero hindi niya pa rin binibigay iyong alak, hindi ko nakontrol ang inis ko kaya bigla na lang lumanding 'yung kamao ko sa mukha niya.
"Mafia Prince!"
Pagkatapos no'n, kusa na lang pumikit ang mata ko at nakatulog na ko.
Itutuloy....