Chapter 4 - Mafia Izra

791 Words
Chapter 4 – Mafia Izra Sun Raue's Point of View Pagdating ko sa Luxury University, nakita ko lahat ng estudyante na kalalabas lang ng gymnasium. Anong ginawa nila roon? Tanghali na kasi akong nakapasok. Habang naglalakad ay naririnig ko ang mga pinag-uusapan ng mga nakakasalubong ko. "Kaya pala ang bilis nilang natalo ang Mafia Langston dahil ang pinakamataas na sa Mafia World ang nakalaban nila." "Pero ang gwapo pala ng Mafia Prince 'no? Kahit ang seryoso at mukhang masungit." "Oo nga. Ngayon ko lang siya nakita eh, hindi pa kasi ako napupunta sa Mafia Palace." Nilingon ko ang mga babaeng nag-uusap. Lumapit ako sa kanila. "Anong Mafia Prince?" Tanong ko sa kanila. "Mi...Miss Sun Raue!" Kinakabahang sabi nila. "Anong ginawa niyo sa gymnasium?" "Ahm... Pinakilala po ang bagong may-ari ng Luxury at 'yon po ay ang Mafia Prince... Ang Mafia Izra," sagot ng isa. Natigilan ako. Ang Mafia Prince? Ang anak ng Mafia King.. Ang Mafia Izra... Ang mortal naming kaaway! Nandito sila. Bakit? Bakit nila gustong makuha itong LU? Anong ginagawa nila rito? Anong kailangan nila rito? Pero kung ano man ang dahilan nila, kailangan kong malaman kung ano 'yon. Gagawa ako ng paraan upang malaman 'yon! Wala ako sa sariling naglalakad papunta ng classroom ko. Hanggang sa matapos ang klase. Iniisip ko pa rin ang dahilan para pag-aksayahan nila ng panahon ang pagkuha nitong LU. Ano bang meron dito at pinag-aagaw-agawan ng mga Mafias?! Damn! I'm going crazy! Bumalik lang ako sa katinuan nang may bumangga sa'kin. What the hell! "f**k!" Mura ng nakabangga sa'kin. Aba't ang lakas ng loob niya para murahin ako ah! Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko kung sinong bwisit ang nagtangkang banggain ako. "PL?!" Langya naman oh! Siya na naman?! Magsasalita na naman sana ako nang bigla niya akong hilahin papuntang rooftop. Teka, bakit niya ako dinala dito? "What did you call me?!" Galit na sigaw niya sakin. Hindi ko iyon pinansin. "Hoy PL! Bakit mo ko dinala dito? Ha?!" Hindi naman ako nagpatalo, sinigawan ko din siya. "Anong PL?!" Damn! Kailangan ba lagi na lang nakasigaw? "Pakielamerong Lalaki ka kasi! Hindi kita kilala pero kung makapag utos ka para kang kung sino!" "Sinong pakielamero? Ako?" Masama na siyang nakatingin sa'kin. "Bingi ka ba o sadyang bingi ka lang talaga? Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Saka sino pa bang kausap ko na tinutukoy kong pakielamero, hindi ba ikaw?" Nakangisi kong sabi sa kanya. Lalong sumama ang tingin niya sakin. "Shut up!" "Anong shut up ka r'yan. Totoo naman eh, pakielamero ka! Saka pwede ba, sa susunod ay wag mo kong hihilahin, wala pang nakakagawa rito na hawakan ako! Saka sino ka ba?" Damn! Hindi ko na naman mapigilan ang bibig ko kasasalita tuwing kaharap ko siya. "Tumigil ka na sabi!" Nakita ko sa mukha niya na inis na inis na siya. "Paano akong titigil eh ayaw mo ngang sagutin ang ta–" Natigilan naman ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. "Oh, eh di tumigil ka rin." Nakangisi siya habang nakatingin sa'kin. Napatitig ako sa mata niya, at itim na itim 'yon. Shit, bakit bigla akong kinabahan? "Ehem..." Mabilis kong tinulak palayo si PL nang makita ko si Lee na nasa pintuan nitong rooftop. Tiningnan ko si PL pero parang wala lang sa kanya 'yung nangyari dahil sa expression ng mukha niya. Nakangisi pa rin. "Maf– Ahm, I mean Zrach may kailangan ka pang gawin." Sabi ni Lee kay PL. Pero anong tawag nya kay PL? Zrach? Tss! Ang pangit ng pangalan! "Aish!" Sabi lang ni PL tapos dire-diretso siyang naglakad paalis at hindi man lang ako tiningnan. Sumunod naman sa kanya si Lee. Uwian na pero nagtataka ako dahil wala akong ni isang estudyante na nakikitang lumalabas, mga palisaw-lisaw lang sila. Hindi ko na lang pinansin at dire-diretso lang akong naglalakad pagdating ko sa gate ngunit nakasarado pa iyon. Lumapit ako sa Manong Guard. "Bakit hindi pa 'to nakabukas?" Mayabang na tanong ko. "Miss bawal lumabas." Sagot niya sa 'kin. "At bakit?! Uwian na oh!" Pinatingin ko pa sa kanya 'yung wrist watch ko. "Miss hindi mo ba alam? Hindi na pwedeng lumabas ang estudyante dito kung walang permiso ng Mafia Prince." Literal na nganga ako sa sinabi ni Manong Guard. "Ano?! Paano? Saan kami titira dito?!" "Ang bawat estudyante may naka-assign na dorm." "Kailan pa 'to sinabi?!" Inis na inis na ko! "Kaninang umaga lang. Kaya nong lunch, mga nag-uwian ang mga estudyante para kumuha ng mga gamit." Damn! Ano na naman ba 'to?! Una, nagkaroon ng Detention! Ngayon naman bawal nang lumabas ang estudyante! Anong plano ng Mafia Prince na 'yan dito sa LU?! Tumingin ako ng seryoso sa Manong Guard. "Nasaan ang Mafia Prince?" That f*****g Mafia Prince is pissing me off! Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD