Chapter 3 - New Owner

1455 Words
Chapter 3 – New Owner Sun Raue's Point of View "May bago na namang may-ari nitong Luxury University." "Talaga? Anong Mafia Family?" "Hindi ko alam pero parang mataas na Mafia eh." "Kabilis kaya nilang natalo ang dating may-ari nito." "Mukha silang malakas." Nandito na ako sa LU ngayon at 'yan ang mga naririnig ko sa mga estudyante habang naglalakad ako sa hallway. So... New Owner. Pero bakit parang interesado ako ngayon kung sino na ang nakakuha na naman nitong Luxury University? Tss! Makikilala ko rin 'yun. Pagdating ko sa classroom ay napakatahimik, as usual. Umupo na ko sa upuan ko. Binuksan ko ang aking bag. Nandito yung maliit na espada at pula kong maskara. I sighed. Pumayag na rin ako sa gusto ni Tita na dalhin ito. Ilang sandali nang mapansin kong wala ang ballpen ko. Tsk! "Kunin niyo nga ang ballpen ko sa locker ko." I said loudly. Napahinto silang lahat sa mga kanya-kanya nilang ginagawa at tumingin sakin. Nakakatamad kaya maglakad, malayo pa ang locker ko rito. Sabagay, lagi naman akong tinatamad. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring sumusunod. Mga nagtuturuan sila kung sino ang pupunta. "Miss Sun Raue, uh... hiramin... hiramin niyo na lang po muna itong... itong ballpen ko," Tumingin ako sa nagsalita. Tch. Anong tingin nya sa'kin? Hindi ako nanghihiram ng gamit kung kani-kanino! "ISA!" Sabay-sabay silang nagtayuan. "Pupun...pupunta na po Miss!" Sabi ng isa kong kaklase. "Bilisan mo, ayokong pinaghihintay ako ng matagal." I said but someone interrupted me. "And who are you to treat them like your puppets?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita na nakasandal sa hamba ng pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay. "You don't effin' care. And who are you too?" Maarteng sabi ko sa kanya. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Ang lakas din ng loob niya para kuwestyunin ang ginagawa ko. Tss! "Let's just say, I am higher than you." Kalmado lang siya habang nagsasalita at nakatingin sa'kin. Yung mga estudyante sa loob ng classroom ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Pero 'yung mga babae ay kinikilig habang mga nagbubulungan at nakatingin sa pakielamerong lalaki. "Higher than me? Eh sino ka ba? Bago ka lang dito 'no? Kaya hindi mo ko kilala. Well, ako lang naman si Sun Raue Montereal, the queen of Luxury University and no one can mess up with me!" Mayabang na sagot ko sa kanya. Ngumisi siya bigla. Nang-aasar ba siya?! "Tss.. What a nonsense," Tumalikod na siya pero narinig ko pa rin ang huli niyang sinabi Anong nonsense?! Napipikon na ko! Sino siya para sabihan ako ng ganoon?! Damn that pakielamero! Susundan ko sana siya pero bigla akong tinamad. Waste of time lang ang mga pakielamerong tulad niya. Pero 'wag lang siyang magpapakita sa akin, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong bugbugin siya. "What are you looking at?!" Sigaw ko sa mga kaklase ko. Mga nakatingin lang sila sa'kin. "Yung ballpen ko? Nasaan na?!" Pagkasabi ko no'n ay saka palang may isang estudyante na nagtatakbo palabas para kunin ang ballpen ko. Ayoko na. Nawala na ko sa mood. Tinatamad na kong pumasok. Tumayo na ko at dire-diretsong lumabas ng classroom. What a s**t morning! Pumunta na lang ako sa library dahil tahimik, doon na lang ako nag-aaral mag-isa. Nakakaantok kaya magturo ang mga teachers ko, hindi ko pa magets. Lalo na ang history, ayoko ang subject na 'yon. Binabalikan ang nakaraan. Psh! Akala niyo siguro hindi ako nag-aaral dahil ang hilig ko mag ditch ng klase, tss! Nakakatamad kaya sa classroom. Kinuha ko na ang reading glass ko sa bag bago magbasa. Malabo ang mga mata ko kaya kailangan ko ng salamin sa pagsusulat o pagbabasa pero hindi naman ito pang nerd na makapal ang salamin. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbabasa nang bigla akong dinalaw ng antok. Nag-inat na ko. Woooh! Sarap matulog! Tumingin ako sa paligid. Woah. Nandito nga pala ako sa library. Anong oras na kaya? Tiningnan ko ang wrist watch ko. Fourth period na pala. Kung hindi ako nagkakamali, math ang subject ko ngayon. Pero okay lang naman ma-late, madali lang ang math para sa'kin. Lumabas na ako ng library. Aba, himala walang mga estudyanteng pakalat-kalat sa labas. Anong meron? "Excuse me, Miss?" Lumingon ako sa nagsalita. Ako yata ang tinatawag eh. Hindi ako nagkamali, ako nga. Ako lang naman ang tao dito eh. Tss! "What's your name Miss?" Tanong sakin nung tumawag. Tumingin ako sa katabi niya. Si pakielamerong lalaki 'to ah. Small world nga naman, ang bilis namin ulit nagkita. Humanda 'to sa 'kin. Lalapit na sana ako sa pakielamerong lalaki nang biglang humarang ang kasama niya. "Don't touch him." Grabe naman 'to. Bakit ba siya nangingielam? Don't touch him pa daw, para namang may virus ako at mahawahan ko ang pakielamerong lalaki ito! "Tss! Let her, Lee." Umalis naman sa harap ko yung Lee na tinawag ni PL. PL nalang, masyadong mahaba ang Pakielamerong Lalaki eh. "Your name Miss." Sabi ni Lee tapos may hawak siyang isang papel at ballpen. "Bakit ba tinatanong niyo ang pangalan ko?" Inis na tanong ko sa kanila. Kinuha ni PL yung hawak ni Lee. "Name." Sabi niya habang matalim na nakatingin sa'kin. Napatitig ako sa mata niya. Parang nakita ko na kasi 'yun kung saan eh. Aish! Malabo, baka kaparehas niya lang... "NAME!" Sumigaw na siya. Geez! Nakakagulat naman! Tsk! "Sun Raue!" Sinigawan ko rin siya. Pipigilan sana ako ni Lee na sumigaw pero sumenyas sa kanya si PL na 'wag. "Full name." Ano ba 'yan! Tsk! Ang daming arte! "Sun Raue Montereal! Oh ano? Okay na ba?! Pwede na kong umalis?" Sarkastikong tanong ko sa kanila. Inabot sakin ni PL yung hawak niya. "Gagawin ko dyan?" "Kainin mo." Gago 'to ah! Kanina niya pa talaga ako sinasagot nang pabalang! Inirapan ko siya. Habang siya ay nakangisi lang. Si Lee na ang naglagay sa kamay ko ng kung anong papel. "Ano naman 'to?" "Obviously, papel 'yan Miss Araw." Tiningnan ko ng masama si PL. Anong Miss Araw ang pinagsasasabi nito?! "Detention slip." Sabi ni Lee. Kailan pa nagkaroon ng Detention ang LU? Hello? Mga Mafia o kaya gangters ang mga nag-aaral dito, kaya hindi mawawala ang mga rambulan dito. Tapos magkakaroon pa ng detention? Tsaka late lang ako! "Wag kayong manggago, walang detention dito sa LU." "Ngayon meron na, napalitan na ang namamahala nito." "What?! Ang OA naman no'n! Tss! Hindi niya ba alam na puro mga Mafia ang nandito? Syempre laging puno ang detention n'yan!" Tiningnan ako ng masama ni PL. "Anyway, bakit kayo ang nagbibigay ng detention slip? Sino ba kayo?" Tanong ko. "Basta. Pumunta ka na sa Detention Room! Doon sa tabi ng Principal's Office." Sabi ni PL habang tinutulak pa ko. "Sino ka para utusan ako?!" Sigaw ko sa kanya. Ang layo kaya ng Principal's Office! Tinatamad ako maglakad. "Siya ang--" Hindi natuloy ang sasabihin ni Lee nang tiningnan siya ni PL. "Alis!" Bwisit na PL 'to! Tumalikod na ako at padabog na naglakad papuntang Detention Room. Damn! Hindi ako madaldal na tao pero hindi ko talaga matiis na may nag-uutos sakin lalo na at hindi ko pa siya kilala! Fuck you, PL! Pagdating ko sa Detention Room, may naabutan akong tatlong lalaki sa loob na nagyoyosi. Tumingin sila sa'kin. "Oh.. The famous Sun Raue Montereal, ang kinatatakutan ng mga estudyante dito sa LU." Napatingin ako sa nagsalita na naka-upo sa sulok, kulay green ang buhok niya. "Bakit ka nga ba nila kinatatakutan, eh ang liit ng katawan mo." Sabi ng isa. "Isang suntok lang tumba na." Kilala ko sila. Ang bully dito sa school, halos araw-araw yata nambubugbog ng estudyante. Anak sila ng mga kilalang Mafia Families kaya malakas ang loob nilang makipag-away. "Wag niyo akong subukan." Pagbabanta ko. Lumapit silang tatlo sakin. Sumenyas yung kulay berdeng buhok sa dalawa niyang kasama na pumunta sa'kin. Hinawakan naman nila ako sa magkabilang braso. Kalmado lang akong nakatingin sa kanila. "Kung ako sa inyo, hindi ko na itutuloy ang plano niyo." "Masyado ka kasing mayabang, tingnan ko lang kung may ibubuga ka." Mabilis siyang lumapit sa'kin at sinuntok ako sa mukha. Hindi ako tuminag. Nginisihan ko lang siya. Pagkatapos non, sinikmuraan niya pa ako, napaluhod ako sa sakit. "Ano ha? Wala ka palang sinabi eh!" Tiningnan ko siya ng masama. Wag na wag nila kong gagalitin. Nagpumiglas ako sabay sipa sa dalawang nakahawak sa braso ko. Dahil doon, tumalsik ang bag ko. Tiningnan ko iyon, s**t! Yung maskarang pula at maliit kong espada, nasa labas na! Tumingin din ang tatlo doon at bigla silang namutla. Kinuha ko ang gamit ko bago tingnan sila n seryoso. "Half... Half Demon..." Nanginginig nilang sabi at gulat na nakatitig sa'kin. "Wag na kayong magpapakita sa'kin. At wag kayong madaldal kung ayaw niyo pang makasama si kamatayan." Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD