Chapter 2 – Hell Place
Sun Raue's Point of View
Napamura ako sa aking isip nang malakas akong itinulak ng taong nagtakip ng bibig ko sa puno. D*mn it!
"Hmmbb... hmmbb!" Hinawakan ko siya sa braso at kamay na pinantatakip sa bibig ko. Pilit na inaalis ang kamay niya sa bibig ko.
"Shut your mouth." Boses ng lalaki. Ang husky. Ang lamig. Kung ibang tao ang makakarinig ng boses niya ay paniguradong kikilabutan. At hindi ako kabilang sa mga tao na 'yon.
Sumunod ako sa sinabi ng lalaki. Hindi na pumalag pa.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa sobrang dilim. Pero naaaninag ko ng konti na tumitingin siya sa paligid. Nasa harapan ko kasi siya habang ako nakasandal sa puno.
Naramdaman kong unti-unti nang lumuwag ang takip niya sa bibig ko. Wala na siguro yung mga taong may dalang baril.
"Get out." Inalis niya na ang kamay niya sa bibig ko at umalis na siya sa harapan ko. Hindi agad ako nakapagsalita.
Tumalikod na siya sa'kin at lalakad na sana paalis pero tinawag ko siya.
"Wait..." Huminto siya pero hindi humaharap sa'kin.
"Who are you?" Patuloy ko. I want to know him.
Is he a Mafia? Definitely Sun Raue! Hindi naman siya pupunta dito kung hindi, diba? Tss... Pero bakit?
"Get out of here. If you don't want to die, yet, miss." Imbis na sagutin ang tanong ko, iba ang sinabi niya. Dahilan para mainis ako. I am not scared to death. Death is scared to me, actually.
Magsasalita pa sana ako pero pagtingin ko sa kinatatayuan niya ay wala na siya. What the hell?
Naglakad na lang ako palabas ng masikip na gate. Gusto ko pa sanang tingnan kung anong nangyayari sa loob pero wala akong dalang anumang armas. Isa pa, ayoko nang makipaglaban pa. Bumalik na lang ako kung saan ako nanggaling. Bago ako dumaan sa masikip na pintuan, tumingin ulit ako sa mataas na gate.
Aalamin ko kung anong mayroon dito.
Gusto kong malaman kung anong nangyayari dito...
"Hell Place.." Sagot ni Tita sa tanong ko.
Sinabi ko sa kanya ang nakita ko kanina sa likuran ng Luxury University. Hindi nga ako nagkamali dahil may alam siya tungkol doon.
She's one of the Mafia before... at siya na lang ang natitira kong pamilya after the Mafia War five years ago.
"Hell Place?" I repeated then she nodded.
"Oo. Matagal na ang lugar na iyon, kasabay ng pagpapatayo ng Luxury University. Doon sa lugar na iyon naglalaban ang mga gangs, pero kinuha iyon ng mga Mafia noong Mafia War at sinakop ang mga gangs. At ngayon, doon naglalaban ang mga Mafia Families upang makuha ang Luxury University." Paliwanag sa'kin ni Tita.
After how many years in my existence in Mafia World, ngayon ko lang nalaman na may nangyayari na palang agawan sa Luxury University. Kaya ba hindi pa nayayari ang school year ay may iba na namang may-ari ng LU?
"But why?" Bakit nila pinag-aagawan ang LU?
Umiwas ng tingin si Tita. "Hindi ko alam..."
Napabuntong hininga ako. Alam kong may alam siya, ayaw niya lang sabihin sa'kin. Hahayaan ko na lang siya magkusa na sabihin ang dahilan kung bakit. O ako ang aalam kung bakit.
Tumayo na ako.
"Sige, Tita akyat na ko."
"Pahinga ka na Sun Raue, I love you." Lumapit sa'kin si Tita at hinalikan ako sa pisngi.
"I love you too, Tita."
Humiga agad ako sa kama pagdating ko sa kwarto ko.
I sighed.
Naalala ko bigla ang mga magulang ko, yung mga kaibigan ko...
Namatay sila sa Mafia War, kasabay noon ang pagkawala ng Luxury University. Kami ang totoong may-ari noon, kami ang nagpatayo pero pagkayari ng Mafia War... may iba nang may-ari ng LU.
Mahalaga sa'kin ang LU dahil marami akong memories doon kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko. Pero namatay din sila sa Mafia War. Nang dahil sa'kin.
Nagsimula na ang pinakatatakutan ko...
Ang MAFIA WAR.
Naglalaban na lahat ng Mafia Families.
"Lux wag ka na lumaban, baka mapahamak ka pa." Sabi ni Aizer. Ang Bestfriend ko, at the same time mahal ko.
Umiling ako. "No. Hindi pwede, kailangan ko kayong tulungan, kaya kong lumaban." Ayaw nila akong lumaban dahil masyado pa daw akong bata at hindi ko pa kayang makipagsabayan sa mga magagaling na Mafia Families.
"Lux, please?" Si Melody, bestfriend ko din.
May tumulo nang luha sa mata ko. Ayaw na nga nila akong palabanin. Alam kong nag-aalala lang sila sa'kin.
Wala na akong nagawa. Pumunta nalang ako sa isang gilid at nanonood sa mga nangyayari.
Sinusubaybayan ko sila Aizer at Melody pati na ang mga magulang ko na makipaglaban.
Pero nagulat ako nang biglang nabaril si Aizer.
"AIZER!"
Tumingin ako kay Melody, duguan na din siya... Pati sila Mama at Papa, nahihirapan na silang lumaban.. Yung mga kakampi naming Mafia, konti na lang sila...
Nakita kong nabaril ni Papa ang Mafia King pero may biglang sumaksak ng punyal sa likuran niya.
"PAPA!!!!" Umiiyak na ko.
No...
Hindi 'to pwede..
Nanginginig na ang kamay ko.. Anong gagawin ko? Kailangan ko sila tulungan. Kailangan ko sila iligtas.
Tumingin ako sa hawak kong maliit espada...
Kinuha ko ang maskara kong pula sa jacket ko tsaka iyon isinuot sa kaliwang mata ko.
Pagkatapos non, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang alam ko lang marami nang nakahandusay sa paligid kong mga duguan... kasama na ang pamilya ko.
Ang hina ko..
Hindi ko sila naprotektahan...
Kinabukasan, maaga akong nagising, hindi rin naman ako nakatulog ng maayos.
Pumunta na ko sa baba at naabutan ko doon si Tita sa kusina na naghahain na ng breakfast. Napansin naman niya ako agad.
"Anak, nandyan ka na pala. Kain na." Umupo na ko at nagsimulang kumain.
"Ayos ka lang Sun Raue?" Biglang tanong ni Tita.
Tumango ako.
Sabi na eh. Mapapansin niya agad na malungkot ako, namumugto kasi ang mata ko kakaiyak kagabi.
"It's not your fault." Lagi sa'kin sinasabi ni Tita ang mga salitang 'yan. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Pero iyon ang totoo.
Tapos na akong kumain kaya tumayo na ko. Palabas na ako sa bahay nang tinawag ako ni Tita.
"Sandali lang Sun Raue." Huminto ako at nakita kong pumasok si Tita sa Stock Room.
Nang lumabas doon si Tita napansin ko agad ang hawak niya. Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ko.
"Akala ko ba Tita itinapon niyo na 'yan?" Galit na tanong ko.
"Makinig ka Sun Raue, kailangan mo 'to."
Umiling ako. "Ayoko na hawakan at isuot 'yan."
Ang maliit na espada at maskara kong pula...
Ayoko na... Ayoko na maging siya ulit.
"Kung hindi mo sila naprotektahan noon, protektahan mo ang sarili mo ngayon. Lalo na at pati ang Luxury University ay pinasok na nila."
No... I am not Half Demon, anymore. Ayoko na.
Itutuloy...