Chapter 1 - Curiosity

1504 Words
Chapter 1 – Curiosity Sun Raue's Point of View "Hoy, umayos kayo, nandyan na si Miss Sun Raue." Rinig kong sabi ng babaeng kaklase ko. Mga nag-ayusan naman ang mga estudyante sa loob ng classroom. Tumahimik silang lahat pagpasok ko. Good. Wala pa kong ginagawa natatakot na agad sila sa'kin. Walang sinuman ang nangangahas na lumapit sa'kin dito sa eskwelahan na 'to, hindi ko sila sinasaktan pero natatakot sila. Maybe because of my black aura. 'Coz I'm Sun Raue Montereal, and no one can mess up with me. Naglakad ako ng diretso papunta sa pinakalikod na upuan. Nag-alisan ang mga kumpol na kalalakihan doon. I raised my right eyebrow then I smirked. Sakto namang pagdating ng first period teacher namin. "Good morning class." Bati ng professor sa history. "Good morning, Sir." Bati naman ng mga kaklase ko. Hindi na ako nag-abalang tumayo at bumati pa, tinatamad ako. Nagsimula na siyang mag-discuss. Walang katapusang discussion tungkol sa nakaraan. Nakakaantok! Boring! Boring teachers, I hate boring teachers! Ang aga-aga ito bubungad sakin? Talo pa lasing kung magsalita. Tss! Sa sobrang hina ng boses ay parang bumubulong nalang. Seriously? Gusto kong lumabas nalang pero dahil may konting respeto pa naman ako sa mga professor na nasa harapan ay dumukdok na lang ako sa desk ko. Saka pumikit. Much better. Matutulog nalang ako. "MISS MONTEREAL!" Shit! 'Bat ba ang ingay? Tumunghay ako para tingnan kung sino yung sumigaw. D*mn! Si Sir nandito na sa harapan ko at namumula na sa galit. "Yes, Sir?" Kalmadong tanong ko sa kanya. Lalo pa siyang nagalit at umusok na ang tenga at ilong niya. "How told you to sleep at my class?!" Naghikab muna ako bago magsalita. Sumisigaw na ba siya sa lagay na 'to? "I'm sleepy Sir, so I sleep." Narinig ko ang pagngisi ng mga kaklase ko. "For your information miss! Hindi ito tulugan–" Pinutol ko na ang tatanungin ni Sir. "I know Sir. This is a classroom, alright. I don't need that info." Sabi ko. "MISS MONTEREAL!" Sumigaw ulit si sir. Ang sama ng tingin niya sa'kin, parang anytime mangangain siya ng tao. Parang kakainin niya ko. "Yes, Sir?" Pilit akong ngumisi. "GET OUT OF MY CLASS! NOW!" Um-echo ang boses niya sa classroom dahil sa lakas. "Okay sir. My pleasure." Bahagya pa akong yumuko. Tumawa ang mga kaklase ko. "SHATAP!" Saway ni Sir. Tumayo na ko at sinukbit ang bag ko saka dire-diretsong lumabas. Salamat at nakaalis din doon. Bawas stress. Pupunta akong cafeteria. Tama, 'pag inaantok ako, kumakain na lang ako para mawala ang antok. Bumili agad ako ng pagkain pagdating ko sa cafeteria. Good thing that there's no a lot of students here. Naglakad ulit ako para makahanap ng tatambayan. Ayoko sa cafeteria dahil panigurado, maya-maya ay dadami na ang mga estudyante. Habang naglalakad ay uminom ako ng softdrinks. Nagulat nalang ako nang may biglang bumangga sa balikat ko, dahilan para matapon ang softdrinks sa damit ko. Nabasa rin ang pisngi ko. Damn it! Seriously? Matalim kong tiningnan ang kung sino man ang may gawa non. Ngunit huli na dahil ang babae ay mabilis na tumatakbo papunta sa likuran ng school. She's wearing all black. At kung hindi ako nagkakamali, may dala siyang baril. Napansin ko iyon sa tagiliran niya nang bahagyang tumaas ang kanyang leather jacket dahil sa pagtakbo. "The hell!" Kinagat ko ang aking labi dahil sa inis. Paanong may nakapasok na ganoon dito? Hindi ko man kita ang mukha niya ngunit alam kong hindi siya rito nag-aaral. What she's doing here? But damn her! Natapunan ako ng softdrinks sa damit! Mabuti nalang ay may isang babaeng estudyante ang dumaan sa harapan ko. Hinigit ko siya, at nagulat siya sa ginawa ko. "Ba... Bakit po Miss Sun Raue?" Utal-utal na nagsalita yung estudyante. Afraid that much huh? "Kuhanan mo ko ng extra uniform sa locker ko, hihintayin ko 'yun sa CR, bilisan mo. Ayokong pinaghihintay ako ng matagal." Utos ko sa kanya saka siya binitawan. "O-opo, Miss Su-Sun Raue." Umalis na siya sa harap ko, ako naman ay pumunta na sa CR. Nakapagpalit na ako ng uniform. Dumiretso na agad ako sa last subject ko this morning, malapit na mag lunch. Ayos. Makakakain na ulit ako. Hindi kasi ako masyadong nabusog, hindi na rin ako nakakain ng matino dahil natapon 'yung softdrinks ko, hindi na ako bumalik pa sa cafeteria. Tinatamad ako. "Class dismissed! See you tomorrow." Lumabas na ko. Pupunta ulit ako sa cafeteria para bumili ng lunch. Nang nasa cafeteria na ko, nawalan ako ng ganang bumili dahil sobrang daming estudyante. Mga nagsisiksikan. Nag-uunahan. Ang lawak ng cafeteria pero napuno dahil sa dami nila. Seriously? Patay gutom lang? Humigit ulit ako ng estudyante. "Ano ba!–" Napahinto siya nang makita niya kung sino ako. Nginisihan ko siya. "K-kayo po pa-pala Miss Sun R-raue, so-sorry po." Nakayukong paumanhin niya. "Bilhan mo ko ng lunch." "P-po?" "Go! Ayokong pinaghihintay ng matagal!" Mabilis siyang umalis para bumili. Sumandal muna ako sa pader habang naghihintay. Pinagtitinginan ako pero 'pag tinitingnan ko sila pabalik ay agad silang umiiwas. Tss! "E-eto na p-po, Miss S-sun R-raue." Inabot sa'kin ng babae ang lunch na binili niya. "You're so slow! Sabi ko ay ayokong pinaghihintay ako. Ang tagal mo." I rolled my eyes. "So-Sorry po–" Kinuha ko na agad 'yung lunch ko. Hindi ako nagsalita at tuloy-tuloy lang na naglakad. May pupuntahan ako. Dahil matagal na rin akong hindi napupunta doon... It's been a years huh. Ang Black House ko. Sakop pa rin ito ng school pero nasa likuran ito. Maliit lang siya, parang isang kwarto lang pero nandoon na lahat, color black ang pintura kaya hindi mapapansin, dagdag pa na madilim dahil pinapaligiran ng mga puno. Itinayo ito noong kami pa ang may-ari ng school. Yes, we are the former owner of this school. Walang ibang nakakaalam na may ganito dito kundi ako lang. At ang mga magulang ko. Ngayon ay ako nalang talaga. Pumasok na ako sa loob. Sinindi ko ang dilaw na ilaw. Hindi ito mapapansin sa labas, iisa lang naman ang bintana nito at maliit pa. Inilapag ko sa lamesa ang lunch ko at nagsimulang kumain. Pagkatapos kong kumain, inayos ko muna ang mga gamit ko at nagpagpag ng alikabok. Napansin ko rin ang motor ko. Nakataklob ito ng tela. Inalis ko iyon at tiningnan ang iyon. May mga kalawang na ang ibang bahagi. I missed this. Maayos pa kaya ito? Gusto ko ulit itong sakyan... Pero hindi na pwede. I mean, ayoko na. Umiling ako at bumuntong hininga. Pumunta na lang ako sa kama at humiga. Hindi na muna ako papasok sa afternoon classes ko. Tinatamad ako. I just want to sleep. Napamulat ako. Agad akong natauhan nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakatulog pala ako. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. 4:50 PM "Sh*t!" Ganoon ba ako katagal nakatulog? Hapon na! Mabilis akong tumayo. Kinuha ko ang pinagkainan ko at tinapon sa basurahan. Pinatay ko na ang ilaw. Lumabas na ako ng Black House. Pero napahinto ako nang may nakita akong mga lalaking nakatakip ang mukha at naka suot ng all black. Tumatakbo sila palayo, papunta pa sa pinaka likod nitong school. Ganoon sa suot ng babaeng bumunggo sa'kin kanina. The hell! Who are they? Hindi ko alam pero sumunod ako sa mga lalaki. Parang may nagtutulak sa'kin na sumunod. Ayoko sana dahil gusto ko nang umuwi ngunit umatake ang kuryosidad ko. Nagtago ako sa malaking puno nang huminto ang mga lalaki. Nag-usap sila sandali pero hindi ko marinig. Marami sila, mga nasa sampo. Tumakbo ulit sila, kaya sumunod na naman ako. Huminto ulit sila at pumunta sa pader at parang may binubuksan sila. Tahimik ko silang pinagmamasdan habang may kung anong ginagawa. Tinitingnan ko lang ang ginagawa nila nang may biglang bumukas. Maliit lang siya na pinto o maliit na gate, at pang-isang tao ang pwedeng dumaan. Pero paano nagkaroon ng pintuan dito? Matagal na akong nag-aaral dito at nakapunta na rin ako sa gawi na'to pero hindi ko ito napapansin. Dumaan na sila doon. Na-curious ako kung anong meron doon kaya dumaan din ako, naiwan kasi nilang nakabukas ang maliit na gate. Paglabas ko, isang pader na mataas agad ang bumungad sa'kin. Ano 'to? Bakit mayroong ganito dito? Naglakad ako at nakita ko ang napakataas na gate. Kinilabutan ako nang nakita ko ang nakasulat na 'Hell' gamit ang dugo. Nakabukas ng konti ang gate kaya pumasok ako. Mga puno lang ang nakikita ko. Malalaking puno. Sobrang dilim. Gubat. Isa itong gubat. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Naramdaman kong marami ang mga narito. Hindi lang sila sampo na sinundan ko dito. Marami sila. Anong ginagawa nila dito? Nakarinig ako ng putok ng baril at mga tumatakbo, mga yabag ng paa na papunta dito sa direksyon ko. Agad akong naalarma. Aalis sa sana ako sa kinatatayuan ko nang biglang may humila sa'kin. Hinila ako papunta sa isang puno. Tinakpan ang bibig ko. Hindi agad ako nakagalaw. Sh*t! Sino 'to?! Naramdaman kong may baril na tumutok sa tagiliran ko. "Move and I'll shoot you." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD