Chapter 32 - Escaped Sun Raue's Point of View "Hey number twenty, are you alright?" Mahinang tanong sa'kin ng katabi kong si number three. Alam kong si Hunter iyon dahil siya lang ang malapit sa'kin. Napansin kasi nilang huminto ako dahil sa narinig na papunta dito ang Mafia Prince. Bumaling ako sa kanya bago magpatuloy sa paglalakad. "Yes, bilisan na natin." Sagot ko. Posibleng sa South Gate dumaan ang Mafia Prince at makita ang mga patay nang mga nagbabantay doon. "Number eleven, saan dumaan ang Mafia Prince? Number twenty, over." "Sa North gate siya dumaan, number twenty, malapit na siya d'yan. Number eleven, over." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ibinalita ni number eleven. "Ano namang gagawin ng Mafia Prince dito?" Sabi ng isa sa mga kasama ko. Hindi ko sila makilala dah

