Chapter 33 - Truth Sun Raue's Point of View Pare-pareho kaming hinihingal nang makapasok kami sa loob ng van. Mabilis na nagmaneho si number eleven paalis kasunod ang dalawa pang van kung nasaan ang iba. Hindi na kasi kayang mag-drive pa ni Kaice, may sugat siya dahil sa pakikipaglaban nang mahuli sila. "Saan tayo, number twenty?" Sumulyap sa'kin si number eleven. Nakarating na kami sa highway at ngayon ay nakahinto kami dahil sa traffic. Tumingin ako sa side mirror at hinanap kung may nakasunod pa sa'min. Huminga ako ng malalim. Mabuti naman at wala na. "Sa bahay namin." Sagot ko. Wala kaming ibang pwedeng puntahan kundi ang bahay namin dahil kailangan pa silang gamutin pati si Dawn Lewis at doon lang mas ligtas. Sinabi ko sa kanya ang address namin kaya agad niyang sinabihan sina

