10

2001 Words
Nagising ako ng alas singko ng umaga pag tingin ko sa aking katabi ay wala na ito sa kanyang higaan, kaya napa tayo ako bigla dahil baka iwan niya ako dito hindi ko alam ang lugar na ito. Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya makita ang nakita ko lang ay ang pagkain sa lamesa. Kaya agad akong tumayo at hanapin ito, pag punta ko sa pinto ng cr ay bigla naman itong bumukas. Kaya nagulat ako ng makita ko itong basa ang buhok at may tumutulo pa sa kanyang balikat, lalong nanlaki ang mata ko ng puting underwear lang suot nito, kaya agad akong umiwas ng tingin at umalis sa aking pwesto. Pumunta ako sa may kusina at umupo duon, hinatak ko ang pagkain palapit sa akin at sinimulan kainin. Umupo naman si Ashton sa aking harapan na wala paring suot na pangitaas. Nasamid pa ako dahil napa tingin ako sa hubog ng katawan nito. Parang siya ang masarap almusalin ngayon! Labas na labas ang mga muscle niya pati ang kanyang abs. Kahit na nakita ko na ito hindi ko parin maiwasan ma mangha, pag nakikita ko ito. "Are you okay?" Nag aalang tanong nito at inabutan pa ako ng tubig, agad ko naman iyong ininom. "Bakit kaba kasi naka hubad?!" Inis na tanong ko dito tumawa naman ito. "Bakit masama po ba? Mi amore!" "Mag damit ka! Baka sipunin kapa niyan!!" Sabi ko dito ang lamig-lamig tapos naka hubad du'on halos ako nga manginig na sa lamig ng aircon tas siya parang hindi manlang nilalamig at naka hubad pa ang mokong. "Okay fine!" Parang natalong sabi nito, at hinalikan pa ako sa pisngi bago umalis at kumuha ng t-shirt nito. Pag katapos kong kumain ay nag tungo na ako ng banyo upang maligo, dahil sabi ni Ashton ay may pupuntahan daw kami. Hindi naman nito sinabi kung saan, basta daw maligo ako. Matapos kong maligo ay nag suot muna ako ng bath robe at nag patuyo ng aking buhok. Pag labas ko ng cr ay hindi na ako nag taka kung may naka handa ng damit kong susuotin, dahil namili si Ashton ng damit sa mall bago ako nito sunduin at kaladkarin kung saan-saan. Mukang pinag handaan niya talaga ang araw na ito pati mga size ng damit at underwear ko ay alam nito. Pag tapos kong mag bihis ay agad na kaming umalis dahil sayang daw ang araw, kung makupad kami litong lito nako kung saan ba kami pupunta. Imbes na pauwi na sana kami ay nagulat ako ng maling direksyon ang dinadaanan namin. Ayaw niyang sabihin kung saan kami pupunta, muka ba akong manghuhula. Wala na akong gawa kaya tinuon ko nalang ang aking sarili sa bintana ng kanyang kotse, nakatingin lang ako sa mga tao sa gilid ng kalsada. Nang mapagod akong kakatingin kinuha ko ang earphone ko at nag simulang patugtugin ang mga paborito kong kanta, at pinikit ko ang akong mga mata. Dahil si Ashton ay busy ito sa pag d-drive naka tuon lang sa harap ang kanyang mga mata. Hindi din naman siya nag sasalita at hindi niya ako kinakausap, kaya matutulog nalang muna ako dahil mukang mahaba habang byahe pa ang aming pupuntahan. Nagising ako akala ko ay nakarating na kami sa aming pupuntahan, ngunit hindi pa pala dahil nasa isang drive thru pala kami. Kumakain kami habang mag d-drive si Ashton, wala akong nagawa dahil kaya sinusubuan ko ito dahil hindi siya makakain dahil nag mamaneho ito. Tapos na akong kumain ay kinuha ko ang aking phone sa loob ng bag, dahil alam kong maiinip lang ako pag wala akong ginawa. Nag scroll ako sa social media, minsan ay natatawa pa ako dahil sa mga memes at funny video. Natatahimik naman ako kapag napapatingin sakin si Ashton. Dahil sa hindi ko mapigilan ang tawa ko. I was laughing so hard... I couldn't breathe. "You're laughing so hard, dummy." Nakatingin ito sa'kin, kaya agad akong napatigil sa kakatawa. Dahil sa hiya "You look beautiful... When you are happy." Agad akong umiwas ng tingin. Ayaw kong makita niya na namula ang aking mukha. "Continue smiling, even though I'm not beside you." Dagdag na sabi nito, hindi ko masyadong narinig dahil ang hina ng pag kakasabi nito. Kaya binalewala ko nalang ito at tinuon ang sarili sa labas. Nagising ako dahil may nag ta-tangal ng seatbelt, kaya agad akong nag mulat ng mata. Agad akong napa upo ng maayos dahil sa gulat, 'di ako maka kilos ng pati hindi ako makahinga dahil sobrang lapit niya. "We're here, dummy" Agad akong napa tingin sa bintana nasa isang kaming restaurant. Agad siyang bumaba ng kotse at pinag buksan ako ng pinto. Namangha ako dahil sobrang ganda ng lugar. Pumasok na kami sa loob at lalo akong namangha sa loob kung maganda na ang nasa labas mas lalong pang mas maganda ang loob. Halatang mga may kaya lang ang kumain d'on at mga business man. First time ko lang makapasok sa gantong lugar, mukha tuloy akong batang first timer. Sabagay first time kulang pumunta dito. Kinuha ko agad ang cellphone ko upang manguha ng larawan for memories. I love to take a picture of myself, especially yung mga place na pinupuntahan namin. Hindi ko naman pinopost sa i********: yung iba lang. Gusto ko lang talaga mag mag picture ng kung ano-ano. Umupo na kami sa dalawahang upuan. May lumapit naman agad na waiter samin. "hola, bienvenido a nuestro restaurante. ¿Puedo tomar su orden encantadora pareja?" Namangha ako dahil sa pag sasalita nito ng Spanish. Halos ala akong maintindihan sa sinabi nito, halatang high class na restaurant talaga. "¿Podemos pedir tu mejor vendedor y vino tinto? gracias." Para akong tanga dahil amaze na amaze sa kanila dahil nag kakaintindihan sila. Hindi ni ako nag tataka kung marunong mag salita ng Spanish dahil half Spanish ito. Pag tapos ay, umalis na ang waitress. Hindi ko talaga mapigilang lumingon lingon dahil sa sobrang ganda. Hindi ako nag sasawang tingnan ito, habang si Ashton ay naka tingin lang sa akin at naka ngiti pa. This is the most beautiful restaurant I've ever seen in my life. If I have a chance, I will go back here. Ang daming pag kain ang nasa harapan namin. Halos lahat ay masasarap, hindi ko alam 'kong anong uunahin ko tikman. "Hmm... ang sarap nito, ito din ang sarap. Halos ata lahat ang sarap," Tuwang tuwa ako dahil sobrang sarap ng mga pagkain halos hindi ko pa na lulunok at kukuha na agad ako ng isa. "Hey, dummy. Slow down, this is all yours." Mahinang tumawa to dahil sa akin. Kaya umayos ako ng upo. Nalimutan 'kong mamahaling restaurant pala ito. Halos lahat ng kumakain puro sosyal, kaya inayos ko ang aking pag kain. Kailangan with poise ang pag kain ko katulad ng iba. Hindi naman kasi ako sanay kumain sa gantong kainan. Puro ka sosyal lang, okay na sa'kin kahit streetfood. Fishball, kikiam, kwek-kwek at isaw. Hindi naman ako mapiili, halos lahat kinakain ko. Kaya minsan pag pumunta kami sa mga ganto nawawala yung poise ko. That's okay, I don't want to be fake. I want to show what I am. I'd rather say I'm poor than pretend to be rich. That is not what I wanted. That's not me. I want to be real with them... with people. Busog na busog ako dahil sa dami ng na kain ko. Halos hindi na ako makatayo dahil sa sobrang busog. Pero kahit na anong dami 'kong kumain ay hindi parin ako tumataba. May shape parin ang katawan ko. Pinag patuloy namin ang aming byahe, dahil wala akong magawa kinuha ko nanaman ang aking cellphone at nag basa ng story, ginagawa ko ito pag wala akong magawa at pampalipas oras. Dati halos araw araw akong nag babasa ng mga story sa phone ko, nung estudyante palang ako halos ata ng story sa w*****d ay nabasa kona. Pero ngayong busy na sa trabaho at graduating pa ako ay hindi ko na ito masyadong nagagawa. Hindi ko ma iwasang kiligin sa binibasa ko. Romance kasi at nadadala ako ng mga fictional character halos lahat kasi ng main lead ay red flag pero yung iba naman ay green flag! Nakadala kasi sila lalo na pag sila yung nag hahabol sa kanilang partner. Pigil na pigil ang aking kilig dahil katabi ko si Ashton. 'Kung kami talaga sa huli, pagtatagpuin ulit kami ng tadhana at kung hindi naman... baka pwedeng siya nalang ulit.' Pag babasaka ko at abot tenga ang aking ngiti na parang may kung anong para-paro sa aking tiyan. After a long ride naka rating na din kami sa wakas. Nagulat ako pag baba ko ng kanyang sasakyan nasa isa kaming mabundok na lugar, nilibot ko ang aking mga mata at nabasa ko ang nakalagay sa isang kahoy 'SAGADA' nanlaki ang aking mata ng makita ko ang naka sulat. Omg, aakayat kami ng sagada! Excited na akong umakyat sa tultok ng bundok, upang mag camping. Pumunta si Ashton sa likod ng sasakyan at may kinuha. Pag balik nito sa pwesto may bitbit itong malaking bag at may hawak pa ang kaliwang kamay nito. Lumapit ako dito at kinuha 'yong bitbit niya. "No! Mi amore. Ako na kaya ko naman," Nilayo nito ang kanyang hawak sa akin. "Saka mabibigatan ka lang, ayoko na napapagod ka." "Na sa'yo ang malaking bag, kaya ako na dito. Alam kong mabigat yan! Saka aakyat tayo ng bundok, mahihirapan ka lang. Kaya ko, Ashton. Kaya ako na!" Kinuha ko na sa kamay nito, ayaw pa niyang bitawan nung una. Binitawan niya din kasi wala siyang magagawa. "Wow! Ang ganda dito." Nawala ang pagod ko nung makarating kami. Halos hindi ko na nagawang bitawan yung dala ko, dahil mas ununa ko munang ma amaze sa ganda. "My dream is to go here! This is one of my bucket list! I love the view and scenery. I want to witness the sunset" Kahit may araw pa ay malamig. Lumingon ako kay, Ashton na busy sa pag aayos ng aming tent. Hindi ko naman alam kung paano 'yon buin ayoko naman siyang guluhin, at baka matagalan pa siya. kaya nilabas ko na lang ang dalawang campaign chair. Ito lang ang kayo kong gawin. Halatang pinag handaan ni Ashton tong araw na ito. Halos lahat ng gamit sa dala niya. Para siyang boys scout ang cute niya. Pumasok na muna kami sa tent dahil tirik na tirik pa ang araw at katatapos lang namin kumain. Agad din naman naka tulog si Ashton. Itinuloy ko na lang pag babasa ng libro para antokin ako, dahil hondi ako makatulog dahil sa pagka excite ko. Pag gising ko wala na si Ashton sa tabi ko kaya agad akong tumayo. Nag ayus muna ako bago ako lumabas. Nakita ko siya duon nakaupo sa may upuan, at may iniinom na kape. Nag lakad ako papalit dito at tumabi sa kanya. Tumingin pa ito sa'kin at ngumiti. Napa ngiti rin ako dito at sabay halik sa pisngi. "Your a wake. Akala ko hindi kapa gigising, gigisingin na dapat kita." Sabay abot sa'kin ng kape napa sandal ako sa upuan at nakatingin sa mga bundok habang umiinom. "Thank you, Love! Dahil sa'yo naka pumunta ako dito." Nabigala ako sa aking nasabi, hindi ko alam nalalabas ito sa bibig ko. Nakita ko din ang gulat sa kanyang mga mata at agad ako nitong hinala papalapit sa kanya at hinalikan ako nito sa labi. "Kaya nga dito kita dinala, kasi alam kong gusto mong pumunta dito," Nakangiti ito sakin at hinawakan pa anv aking kamay. "Mag sabi kalang kung saan mo gustong pumunta. Dahil pupuntahan natin 'yon." Tumango tango ako dito. Sinandal nito ang kanyang ulo sa aking balilat. Habang pinapanuod namin ang pag lubog ng araw. "I love you..." sabay namin sabi ni Ashton. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at lumapit ang mga labi niya sa akin. I love the sunset. It represents the end of the day because it reminds us there's a new tomorrow and a new beginning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD