Today is the day! I'm so excited dahil mamaya ay graduate na ako. Natapos ko ang apat na taon, na puro pagod at puyat dahil sa mga requirements. Naroon narin yung walang tulog dahil sa thesis, article analysis, at research paper.
Pero nakaya ko, may nga time na gusto ko ng tumigil dahil sa hirap at pagod. Pero sabi nga nila mas masarap pag pinag hirapan at pagudan mo ito! Lagi kong motivation pag napapagod at nawawalan na ako ng ganang pumasok ay "Nakaya nga ng iba, edi kayo din!"
Ang sarap pala sa feeling na makikita mo ang resulta ng puyat at hirap mo. Na may patutunguhan ang pagod at oras na inilaan ko para dito.
Hindi ibig sabihin na tapos na ako sa pag aaral ay, tapos na din tayo sa pag katuto! Dahil araw-araw may mga bago tayong matutunan sa buhay. Na akala natin ay wala lang pero, malaking parte pala siya sa buhay natin.
"Yoshi, tapos kana ba mag ayos? Ma l-late na tayo!" Sigaw sakin ni tita na umuwi para lang umakyat sa graduation ko. Kasama nito ang pinsan kong babae na mas matanda sa akin ng isang taong. Kaiisa-isang anak ni tita kaya hindi maiwanan kahit na matanda na ito.
"Opo tita pababa na po." Sabi ko dali-dali akong nag pabango at bumabana.
Nakita ko si tita na nag hihintay sa sala at kasama nito si Driana na pareho pa silang naka dress. Kahit sa edad ni tita ay maganda parin ito at bagay sa kanya ng mga suot nito, si Driana namay masasabi kong maganda at sexy ito kahit walang makeup ah makikitaan mo ito ng ganda kahit simple lang ang suot.
Umalis na kami dahil 6:00 p.m. ang simula at 5:30 na baka ma traffic pa kami sa daan, alam ko naman na mas excited pa si tita sakin. Dahil kagabi palang pag uwi nito ay nag tatalon na ito sa tuwa dahil daw graduate na ako with flying colors.
Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba, ganto talaga pag halo-halo ang emotion mo himdi mo alam kung malungkot kaba or masaya. Dahil madalang mo nang makikita ang mga taong napalapit sayo nung mga nag aaral pa kami. Dahil pag tapos nito may mga kanya-kanya na kaming mga buhay.
Yung iba mag t-trabaho dito yung iba naman sa ibang bansa. Nakaka lungkot dahil yung mga bonding na madalas namin gawin tulad ng sabay sabay kaming mag kakape para walang matulog samin, at mga biglaang lakad at kainan ay madalang na namin gawin dahil nga may iba na kaming mga priorities. Masaya naman dahil sabay-sabay kaming naka pagtapos ng pag-aaral. Walang bumagsak sa awa ni Lord.
After 30 minutes na byahe ay nakarating din kami sa venue ng graduation. Marami na din mga tao at nag sisipila na ito para pag pasok namin, sa loob complex.
Nauna nang pumasok ang mga guardian namin dahil mag kaiba kami ng mga upuan hindi namin sila mga katabi. Maya-maya at tumugtug na marching song at nag simula ng mag si pag lakad ang mga nasa harap namin.
This is it... finally!
Nakaupo na kami at ang mga kaklase ko ay, nanginginig dahil sa kaba. Maya-maya ay nag simula na at nag sasalita ang aming school president.
Isa-isa ng tinatawag ang pangalan ng mga nag si graduate. Kaya mas lalo mong mararamdaman ang kaba.
"Hale, Yoshi V. Suma com-laude"
Agad akong umakyat sa stage kasama si tita, habang nag papalak-pakan ang mga tao.
Nilibot ko ang aking paningin dahil may hinahanap ako, pero bigo akong mahanap ang gusto kong makita.
Wala siya dito... hindi siya pumunta sa pinaka importanteng araw para sa 'kin!
Nawala ang mga ngiti ko sa labi ng pag baba ng stage. Bunalik na ako sa upuan ko, pero para wala ako sa sarili hindi ko pinapansin ang mga pagbati sa 'kin ng mga kaklase ko. Dahil sa lalim ng inisip ko, baka nandito siya hindi ko lang mahanap ng mga mata ko dahil maraming tao, baka naman hahabol siya, na traffic, or baka naman nakalimutan niya talaga! Tinuon ko nalang ang aking sarili sa harap at sa nag sasalita sa stage.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko, niloloko ko lang ang sarili ko. Kahit na anong gawin kong focus sa pakikinig ay, lumilipad talaga ang aking isipan. Agad kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone ko at tinignan agad ang aking text messages, nadismaya ako ng hindi ko nakita ang pangalan niya sa mga nag co-congratulate sa 'kin. Pati sa aking social media ay wala puro nga friends at dati kong mga ka office mate ang mga nag sisibati sa akin.
Inis kong binalik ang cellphone ko sa bulsa at nakinig nalang. Nakaka bwiset siya! Sa dami-dami ng pwedeng malimutan ito pa talaga. Really graduation ko pa!!
Bahala siya hindi ko siya kakausapin, bahala siya sa buhay niya matanda na ito kaya nya na ang sarili niya.
Nakatulala lang ako sa harapan, 'di ko pa malalaman na tapos na pala yung graduation kung hindi pa ako kakalabitin ni Trix. Masyado palang malalim ang aking iniisip, kung saan-saan na padpad.
Tumayo na ako at niyakap naman ako nito ng pagkahigpit-higpit, muntik na akong mawalan ng hininga sa kanya.
Tinapik-tapik ko ang balikat ni Trix, kaya bumitaw na ito sa pag kakayakap sa 'kin. Ang sikip pa ng dib-dib ko, parang hingal na hingal pa ako. Shuta kasing Trix to napaka demonyo!
"Congrats my sissy!" Masayang sabi nito sakin, napaka kunot naman ang aking nuo. Anong nakain nito... ang saya at hyper niya ahhh!
"Congrats din sayo, my behbeh lahvs!" Pag-sabay ko sa teip niya. Nakita ko ang pag iiba ng mood niya!
"Kadiri ka, Yoshi! Nakaka putangina ka!" Nandidiring sabi nito. "Jejemon ampota!" Napa ngisi ako sa sinasabi nito. Kaya ngumuso ako kunyaring kikisan ko siya sa labi niya.
Agad itong umiwas at at lumayo sa 'kin. "Kiss mo na ako, my honey babe! Kiss me hardly" pang aasar ko pa dito, nakikita ko ang iritang pag mumukha niya.
"Che! Jaan kana nga!" Inis ito atumalis na, sa harapan ko. Pinuntahan naman ako ni, tita at ng pinsan ko.
Yinakap ko sila ng pagkahigpit-higpit. Naririnig ko ang kunwaring pag ubo ni Adrianna. Kaya binitawan kona din sila.
"Congrats, couz! I'm proud of you." Sabi sa akin ni Adrianna kaya ngumiti ako sa kanya ng pag katamis-tamis. Yumakap naman ito sa akin, kaya yikap ko din siya pabalik.
Nag picture na kaming tatlo nila tita para daw ipa-frame at isabit sa aming ding-ding at para daw may maii-uwi sila sa Cali.
Aalis na dapat kami para kumain sa labas, ngunit may humarang sa daanan namin na isang lalaki na may hawak ng isang bouquet ng tulips. Kaya napatingin ako dito, unti-unti niyang inalis ang pag kakaharang ng bulaklak sa kanyang mukha. Nag liwanag ang mga mata ko kung sino yung lalaki na ito.
"Ashton!" Mahinang sabi ko dito
"Ako nga, mi amore. I'm sorry... I'm late, buti naka habol pa ako sa inyo." Sabi nito sabay bigay ng bulaklak sakin at hinalikan pa nito ang aking nuo. Kaya agad na namula ang aking mga pisngi, hiyang-hiya ako dahil nasa harap namin ang tita ko. Marami 'ding tao ang nakita sa ginawa niya. Kaya napa yuko nalang ako para hindi niya makita ang namumula kong mukha, pati nahihiya din ako sa ibang tao lalo na kay tita.
"Yoshi... Mom... let's go!" Sabi samin ni Adrianna na galing cr. Napalingon si Ashton dito, nakita ko na parehong lumaki ang kanilang mga mata. Para bang pero silang nagulat ng makita nila ang isa't-isa.
Agad naman umiwan ng tingin si Adrianna sa kanya. Umalis na kami para kumain sa labas, ngunit inaya ni tita si Ashton na sumama samin, kaya wala siyang nagawa kundi sumama. Sa ayaw at gusto niya sasama siya, masabi-masabi pa naman ni tita dapat sumunod ka.
Nandito na kami ngayon sa kilalang restaurant, maganda at masarap 'din daw yung mga oag kain dito. Kaya excited akong tikman ang pinag mamalaki ng mga ka trabaho ko dati.
Ilang minuto 'din ang limipas at dumating na ang inorder naming apat. Kaya sinimulan na naming kumain, dahil pagod na kami sa araw na ito. Pag tapos nito gusto ko ng humiga at matulog dahil pagod na pagod ako ngayon.
Napansin kong ilang na ilang si Ashton at Adrianna sa isa't-isa. Para bang mga batang first time lang nag meet, lagi ko 'din napapasin kanina pa na lagi silang nag kakatitigan na para bang nag uusap sila sa mata.
Ang weird nilang dawala....
Matapos kaming kunain ay nag bayad na si Ashton. Dapat nga si tita ang mag babayad ngunit nag pumilit si Ashton dito. Kaya ala ng nagawa si tita at pumayag na rin ito. Nag matigasan muna silang dalawa kung sino ang mag babayad ng bill, halos mag tagal kami du'on para lang sa bill namin.
Ang tataas ng nga pride nila. Nakakaloka, kung may pera lang talaga ako... Ako na mag bayad ng kinain namin para hindi na sila mag talo.
Nasa harap na kami ng bahay namin at pumasok na sila tita at Yanna sa loob kaming dalawa nalang ni Ashton ang nasa labas. Inibot niya sakin ulit ang bouquet na dala niya, pumunta pa ito sa may kikuran ng kanyang kotse at may kunuha du'on. Pag balik nito ay may hawak na siyang teddy bear na stitch at chocolate. Kaya nagulat ako, akala ko bulaklak lang ang bigay niya sakin. Sobrang nag effort pa talaga ito, para lang sa'kin lalo tuloy akong nahiya at na-guilty dahil nag galit at nag tampo ako kanina sa kanya.
"I have to go, mi amore! Marami pa akong gagawin at na iwang trabaho sa opisina." Sabi nito sakin habang naka tanaw sa may binta ng bahay namin.
"Okay, Love! Ingat sa byahe, i love you!" Sabi ko dito agad naman itong sumakay at umalis na, halatang nag manadali ito.
Kaya pumasok na ako sa loob at nag diretso na sa aking kwarto, nilapag ko ang bigay niyang teddy bear sa may gilid ng kama ko at nasa side table naman yung chocolate. Pumasok na ako sa cr upang mag linis na ng katawan at makapag pahinga na.
Naka higa na ako sa kama ko at handa ng matulog. Tingin ako ng tingin sa phone ko dahil madaming nag t-text at nag m-message para batiin ako. Kanina parin akong nag hihintay sa text or tawag ni Ashton, dahil araw-araw itong tumatawag or nag cha-chat sa 'kin. Wala itong palya sa pag tawag.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone nito ngunit ring pang ito ng ring, kaya binaba ko muna ang tawag. Tiwagan ko ulit ang cellphone nito ngunit this time naka patay na ito out of coverage area.
Kanina pa ako na guguluhan sa kinikilis ni Ashton simula ng ipakilala ko siya kala tita at kay Yanna. Parang marami siyang iniisip kanina at laging naka tulala kung saan. Akala ko nung una ay nagihiya lang siya pero ngayon na weirdan na ako sa kanya .
Baka busy lang talaga sa trabaho at maraming ginagawa, pag papagaan ko sa loob ko. Dahil ayakong ma bad mood ngayong araw. Kaya binaba ko na ang phone ko at humiga na kama para matulog.
Ayakong ma-stress ngayon... at mag overthink. Pagod lang ako at kailangan ko lang ng pahinga!
Ngunit paano kung pahinga ko ay si Ashton. Anong gagawin ko?!
Wag ka sanang mapagod, pahinga ko! ikaw ang nag-iisang tahan ko. Sayo at sayo ako uuwi!