In life, we cannot choose
where our hearts beat
where our heart belongs
But one thing is for sure
our heart will stay where you want to stay
BEAUTY'S POV
Papunta ako ngayon sa studio for a special meeting and I don't know kung ano yun
It was my first day na bumalik sa showbiz after I had the PBB and pagkatapos non alam ko na maraming mga projects na inooffer sakin pero i decided to decline its because gusto ko muna magrest at makasama pamilya ko.
By the way, I am Christine Marie Gonzalez o mas kilala sa screen name na Beauty Gonzalez and i know nagtataka kayo bakit ang layu ng beauty sa christine na totoo kung pangalan its because my past has something to do with it.
In the past I was fat, I am body-conscious but I can't stop eating and maybe that's the problem but then I strive for it to be like this right now.
"Sorry miss di ko sinasadya" paghingi ng tawad ng nakabunggo ko
Ang gwapo ng nakabunggo ko eh pano ba naman si Albert Martinez eh dati pinapanuod ko lang to siya.
Kaya nung nakabunggo ko siya para akong na starstruck.
"okay lang sir Albert uy"
"Sorry talaga miss nagmamadali kasi ako"
Nakatitig lang ako sa kanya habang panay ang ngiti ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na malayo na pala siya dun nalang ako nagising sa ulirat ng may biglang tumapik sakin.
" Ate Christine?" pasigaw na tawag niya sakin sabay yakap na halos mawala ako sa balanse.
"Kim Chiu?" at yun nagsisigawan na kaming dalawa at nagyayakapan.
"Bakit ka po nandito?" pauusisa niya sakin.
"May special meeting ako dito eh di ko naman alam kong saan kilala mo ba si Direk Jerry Lopez Sineneng?"
Actually hindi ko talaga alam kong san pupunta kasi ang sabi sa ABS-CBN studio lang eh ang dami naman palang studio dito tapos first time ko pumunta dito.
"Hala? Alam ko yun isa ka sa cast ng bago niyang project?" pagtatanong niya na pinagtaka ko
Wala naman sinabi na project to at wala ding sinabi kung ano ang reason bakit siya makikipagkita.
"Hindi ko alam eh wala kasi siyang nabanggit sakin" nakakunot noo kung sagot kay kim.
"Tara samahan kita sa kanya dati ko siyang direktor eh"
"Sige sige"
At yun nga sinamahan ako ni Kim kung nasan si Direk Jerry.
"Direk!"tawag ni Kim sa kanya.
"Huuuy gumalang ka direktor yan" ani ko kay kim pano parang tinawag lang ang kaibigan.
At biglang lumingon si Direk na kanina ay nakahawak sa cellphone niya.
"Beauty Gonzalez? Finally nakarating ka" bungad sakin ni Direk sabay halik sakin sa pisnge at kasunod ay kay Kim.
Medyo naiilang ako kasi first time ko makipag-usap sa mga lalaki at lalo na sa mga kasing edad niya pano magseselos ang asawa ko.
Yes, tama po yun may asawa ako we've been married for almost 5 years now and I am 15 years younger than him.
Age is just a number just wag kayong judgemental.
"Yes po direk Beauty Gonzalez po" bati ko din sa kanya.
"May offer ako sayu" ani ni Direk sabay bigay sakin ng isang makapal kapal na script.
Medyo nagtaka ako na naeexcite kaya binuksan ko ito
"Ano po ito direk?Kadenang Ginto?"pagtatanong ko sa kanya.
"Sabi ko sayu ate eh kasali ka sa casting " bulalas ni Kim sakin.
" Ikaw diyan si Romina Mondragon one of the leading role that's a teleserye yun ay kung tatanggapin mo ang offer ko" sagot ni Direk sabay bahagyang ngiti sakin.
Binasa ko ng bahagya ang description ng karakter
"Ate go na" pagpupumilit sakin ni Kim.
"Sige po tinatanggap ko na po" agad na sagot ko
At kita ko kay Direk na tila lumaki ang tawa niya na halos umabot na sa tenga.
"Then we're good so bukas cast meet up and photoshoot na thank you so much Beauty"
"Thank you so much din direk"
Nagkamayan kami at pumirma na din ako ng kontrata at matapos ay kumain kami sa labas ni Kim at umuwi na din pagkatapos.
Pasado 9:00 na ng gabi ako nakauwi and as usual asawa ko ang unang bubungad sakin. Hindi naman mapanakal si Norman sakin pero nag-aalala lang talaga siya kapag gabi na ako umuuwi lalo pat wala akong sinamang yaya kanina.
Akala ko kasi mabilis yan yun meetin andami palan pinirmahan at napasarap ng chismis kay Kim
"Hi love sorry ginabi ako kasi nagkita kami ng kabatch ko sa pbb remember si Kim?" pagpapaliwanagg ko sa asawa ko sabay halik sa labi niya na tinugon naman niya.
"Its okay love kumain ka na ba?" pagtatanong niya sakin.
"Yes love tapos na by the way yung sinasabi ko sayu na special meeting ano pala yun yung casting sa next teleserye love and lead star ako " pagbabalita ko sa kanya
"Really love?I am so happy for you mapapanood na ulit kita sa TV kaso"
"Bakit may kaso love?" ani ko saka bahagyang niyakap siya.
"Makikita na naman kitang hinahalikan ng iba , masakit yun love"
"Nako nagseselos na naman ang love ko, alam mo naman drama lang yun diba?"
Paglalambing ko sa kanya, ganito siya kapag everytime nalalaman niyang may project na naman ako.
Pero palagi kong sinasabi sa kanya na siya naman ang asawa ko at the end of the day.
Kaya minsan naglalaan talaga ako ng oras para samin dalawa.