CHAPTER 3

1285 Words
Beauty's POV 7:00 ang call time para sa iba tanghali na yun pero sakin ang aga pa non. May baby kaya ako na subrang tagal matulog pero dahil trabaho to bawal umatitude,mahirap na baka ibigay pa sa iba ang role ko. Agad akong bumangon at kinumutan ang anak ko. "Love?"paghahanap ko ng mapansin kong wala na ito sa higaan namin. "Ang aga naman ata magising nun" sambit ko sa sarili sabay kuha ng tuwalya ko at naligo na agad at matapos ay bumaba na para maghanda ng umagahan namin pero nagulat ako ng ang bango ng kusina. "Good morning Love" bati sakin ng asawa ko sabay halik neto sa labi ko. "Good morning too ang aga mo naman ata?" tugon ko sabay  tingin sa niluluto niya na bacon at fried eggs lang pala. "Pinagluto kita first day mo ngayon diba?Romina?" sagot niya na ikinagulat ko. "Romina?" agad na tanong ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. "Romina yan ata yung role mo dun eh may bed scene pa kayo" sambit niya na may halong selos ang tuno ng boses neto. "Hala buti ka pa nabasa mo na ako wala pa eh" pabirong sambit ko sabay yakap sa likuran niya. "Walang biro may bed scene nga kayo dun" paguulit niya habang diretso ang tingin nito sa akin. "Love we can fake it okay? Relax gusto mo ba magbed scene muna tayo hahaha" sambit ko sabay halik sa kanya. "Kumain ka na nga gutom ka na ata, tsaka malelate ka" ani niya sabay hain ng mga pagkain sa lamesa. "Sabay na tayo " naglalambing kong boses. Tinitigan niya lang ako  "Dali na love sabay na tayo" pangungulit ko "Sige na nga" Matapos namin kumain hinatid niya pa ako sa venue ng cast meet up at sa hindi inaasahan yung akala kong late na ako subrang aga ko pala. Pagkahatid sakin ng asawa ko umuwi na din ulit siya para bantayan ang anak naming si Olivia. Nang makaalis na siya pumasok na din ako sa venue para sa necessary na gagawin kasi first time tong magteteleserye ako eh. Sa loob nakaset up na ang mga camera at ang mga press ay isa isa ng nagdadatingan. "Miss Beauty ang aga mo naman po,dito po tayo" bati sakin ng isang staff dun na may hawak pang make-up brush feeling ko make-up artist siya. "Oo nga eh akala ko late na ako nagmadali pa ako" sagot ko na napatawa lang siya. Pinaupo niya ako kaharap ang isang salamin at inayusan na  din ako. Maya maya lang ay pinalabas na kami ng direktor namin para sa cast meet up and presscon. And as usual ewan ko ba parang kabadong kabado ako kaya nagmadali ako yung tipong tumatakbo sa pinakavenue ng presscon na nakahigh heels pa yan. "Hala ang phone teka nakalimutan ko" sambit ko sa sarili ko ng mapansin kong parang may kulang talaga. Kaya bumalik ako sa dressing room ko kanina at binalikan ang phone ko. Walang ano ano ay binuksan ko kaagad ang pinto  At bumungad sakin ang lalaking walang pangitaas na saplot. Sa gulat ko sinara ko ulit " hala sorry kukunin ko lang yung phone ko nasa lamesa ata,sorry" Sambit ko sa bahagyang lakas ng boses ko,grabe subrang hiya non, malay ko bang for all pala yung dressing room na yun. Maya maya biglang bumukas ang pinto at nilahad sakin ng isang lalaking may katandaan na. "Miss here's your phone next time be attentive to all your belongings" Napatango nalang ako sa hiya ko. At matapos niya ibigay ang phone sakin ay lumakad na din siya palayo. Tinitigan ko lang siya  Hanggang sa Lumingon siya uli sa kinaroroonan ko bago tuluyan ng nawala. Habang ako kinain ng hiya sa nangyari. "Maam tayo na po?" pagtawag ng atensiyon sakin ng isang babaeng nakaID pa na staff din ata. Habang papasok sa pinto ng venue nakita ko ang daming mga press nandun na din yung ibang mga cast. "Maam dito po kayo" sambit sakin ng staff na pinaupo ako. At nanlaki ang mata ko ng Yung lalaking nakita ko sa dressing room kanina yung katabi ko. Tumingin siya sakin na blanko ang muka. Habang ako napangiti lang na hilaw pa. Maya maya ay isa isa na kaming pinakilala. . . . . "Albert Martinez as Robert Mondragon isang ama ni Daniela,Cassie at asawa ni Romina" Napanganga nalang ako ewan ko kung anong gagawin ko Bata palang ako nakikita ko na siya sa TV namin " s**t yung nasilipan ko si Albert Martinez pa " bulong ko sa sarili ko  Hindi ko naman ikakaila hindi pa ako kasal sa asawa ko,crush ko na siya. Like sino ba naman di magkakacrush sa kanya?Ang gwapo kaya. Pero bat ang sungit ata? "Beauty Gonzalez as Romina Mondragon, ina ni Cassie at asawa ni Robert Mondragon" tawag sakin nung nagpapakilala samin. Habang si Albert nakalingon din sakin, at blangko parin ang muka. Habang papalapit nagulat ako ng nilahad niya ang kamay niya sakin. Nagdadalawang isip pa ako nun. At tumingin sa muka niya. Napangiti nalang ako ng ngumiti siya ng bahagya ewan ko kung kilig yun o hindi. Nagwave ako sa mga tao at muli ay tumingin kay Albert. At muli ay blangko na ulit ang pagmumuka niya. Nanatili kaming nakatayo dun hanggang sa matawag ang lahat ng mga cast Puro batikan ang mga makakasama ko sa teleseryeng ito Biruin mo yung napapanood ko dati makakapartner ko pa ngayon. Medyo nakakaproud na nakakakaba. Ilang minuto ay pinaupo na nila kami. "Una na po kayo" sambit ko sa kanya sabay give way sa kanya. "No, you first" tugon niya sabay ngiti ulit. Hindi ko alam pero parang tumigil yung mundo nung makita ko ng malapitan yung ngiti niya. "Miss, mauna ka na" paguulit niya na siyang gumising sa ulirat ko. "ay sorry sorry" sambit ko sabay dali daling naglakad papunta sa upuan ko. Habang siya ay inaalalayan ako. Medyo nakakailang pero to be honest kinikilig ako Hello! si Albert Martinez na kaya ito. Iritable ako,hindi mapakali pero nilabanan ko iyon since presscon is about to start And the first question is  for Albert Martinez Habang sinasagot niya ang mga katanungan sa kanya. Napansin ko ang sarili kong nakatulala habang nakatitig sa mga muka niya. " I can't answer if I am ready or not for another love but if that's God's purpose why not, If my heart will beat again" tugon niya sa tanong na siyang gumising sa ulirat ko ng malaman kong wala na pala yung asawa niya. Subrang mahal niya naman kasi yung late wife niya. Kitang kita parin hanggang ngayon sa muka niya ang sakit ng pagkawala. Maya maya ay ako na ang tinawag at agad nilahad ni Albert ang microphone. "Condolence" pabulong ko sa kanya sabay ngiti habang nakalahad sakin ang mic na hawak hawak niya. Tumugon naman siya sa ngiti ko. "Miss Beauty anong nararamdaman mo ngayon na bida ka sa teleseryeng ito?" tanong sakin nung isang Press. "Of course I'm glad, I am super glad and thankful kasi ang daming magagaling pa sakin pero sakin binigay ang role na to" tugon ko. "Ano naman po pakiramdam na makakatambalan mo ang isang Albert Martinez?" dagdag pa na tanong neto. Hindi ko alam kung anong isasagot pero bahala na. "Naku! nahihiya nga po ako kasi Hello si Mr. Albert Martinez na to. To be honest dati pa nangangarap pa akong maging artista napapanood ko na siya. Fan pa nga niya ako dati. And to be honest crush na crush ko siya dati as in pano naman kasi diba subrang gwapo. Nakakaoverwhelm lang na makakatambalan kami, ang tanong lang magclick kaya yung tambalan namin? HAHAHA" sambit ko sabay halakhak ng mga press. Habang si Albert napansin kong nakangiti rin. Magclick nga kaya kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD