CHAPTER 4

1923 Words
Matapos ang presscon ng Kadenang Ginto agad na dumiretso ang cast sa venue para sa glamshot pictorial. "So ganito Beauty ha?Dito ka lalakad... habang ikaw Albert tititigan mo siya habang pababa so 1 take tayo" bulalas ng direktor nila. Tumango nalang sila Beauty at Albert bilang tugon. "1... 2...3 ... go" cue ng direktor. At galing nga sa pinakadulo ng hagdan.Dahan dahang naglakad si Beauty pababa. Diretso ang tingin kay Albert habang si Albert naman ay nakatitig lang din sa kanya. "cut"agad na sigaw ng direktor. "after niyan.. hawak ka sa balikat niya na diretso pa din ang tingin sa isat isa ha?Tapos ikaw naman albert hawakan mo yung bewang niya gets na?" "opo direk" sabay na sagot nina Albert at Beauty. "sige 1..2..3.. action" At sinunod nga nila yung cue ng direktor. Dahan dahang humawak sa balikat ni albert si Beauty habang diretso ang titig nito kay Albert habang si albert naman ay dahan dahan na ding hinawakan ang bewang ni Beauty nang . . . . Bigla itong napahalakhak sa di malamang dahilan. "Anung nangyare beauty?" agad na tanong ng direktor "Sorry direk sorry kasi"   "Kasi ano beauty tawa ka ng tawa dyan" iritableng bulalas ng direktor. "Kasi po may kiliti ako sa bewang eh... sorry" Agad namang napakamot sa ulo ang direktor pati na din si Albert sa sagot ni Beauty. "Sorry po talaga sorry" '' Sige sige ulit tayo" may halong pagkairita na sambit ng direktor. At tango lang ang sagot ni Beauty pati na rin si Albert. "1..2..3.. action" Sa hudyat na yun dahan dahan bumaba si Beauty sa hagdan habang diretso ang tingin kay Albert. Ganun din naman si Albert. At dahil nakailang take na din sila ay mabilis na ito nilang  nagawa Matapos yun ay agad na dumiretso si Albert sa dressing room niya habang si Beauty ay naiwan dahil nakikipagkwentuhan pa sa direktor. "Direk sorry kanina ha? nakakakiliti kasi talaga yung pagkakahawak si Albert kanina e" pagsusumamo ni Beauty sa medyo nairitang direktor. "Sabihin mo nga sakin Beauty naiilang ka sa kanya?" diretsong tanung ni Direk Sineneng. "Po? si Albert po?'' Medyo nagdadalawang isip si  Beauty na sagutin baka kung sasabihin niya ang totoo baka palitan siya. " Kasi po direk .. opo medyo.. kasi batikan na siyang actor habang ako ito nagsisimula pa, medyo nahihiya pano siya hawakan " pautal utal na sagot ni beauty.  Ilang minuto muna bago nakapagsalita si Direk Sineneng. ''Beauty ito yung tandaan mo loveteam kayo dito so dapat makikita yung spark sa inyo dalawa, medyo mahirap kasi may asawa ka , kaya dapat'' Hindi na natapos ni Direk Sineneng ang sasabihin ng biglang.. . . . . . . . . '' Willing ka magworkshop tayo " sabat ni Albert na siya namang dahilan para mapatingin sa likuran si Beauty at si Direk Sineneng. Agad na napakagat labi si Beauty sabay tingin sa direktor, habang bakas sa muka neto ang hiya. Mayat maya kinuha ni Albert ang upuan sa may likuran ni Beauty at umupo sa harapan neto. "Workshop tayo , ginagawa yun ng mga bagong loveteam para mawala yung ilangan diba direk?" paguulit ni Albert. Habang si Beauty ay hindi pa rin makapagsalita dahil sa nararamdaman niyang hiya. " That's a good idea albert tamang tama may alam ako since next next day pa naman start ng shooting natin so ano beauty?" pagsang-ayun ni Direk sa ideya ni Albert. Napangiti nalang si Beauty sabay tango bilang tugon niya. "Great ,so pwede ka bukas?" pagtatanung uli ni Albert. " oo pwede " maikling sagot ni Beauty  " okay so see you tomorrow, direk will get in touch to you una nako ha?" pagpapaalam ni Albert  Nakipagkamay si Albert kay Direk Sineneng at akmang hahalik sa pisnge si Albert ay agad na nilahad ni Beauty ang kamay para makipagkamay nalang. Kinamayan naman siya ni Albert pero pinagpatuloy pa din niya ang paghalik sa pisnge ni Beauty. Sabay ngiti at kaway sa dalawang naiwan. Habang naiwang gulat si Beauty at Direk. " for your info hindi siya dating ganyan sa mga nakakatambalan niya " agad na sambit ni Direk Sineneng. "Talaga ba Direk, may pagkapilyo din po pala siya no?" natatawang sagot ni Beauty habang dahan dahang hinawakan ang pisngeng hinalikan ni Albert kanina lang. "Naku baka... magchange of hearts ka niyan ha" pabirong sambit ni Direk. Napangiti nalang si Beauty bilang tugon dito at matapos yun ay agad na din siyang nagpaalam para umuwi na rin. . . . . . . . .  Ring.. Ring.. Ring.. Ito ang gumising kay Beauty sa kalaliman ng pagkakaidlip niya. Agad niyang kinapa ang cellphone sa tabi ng lamp na nasa kanyang ulunan. " Sino to?" papungay pungay na sambit ni Beauty ng makita niyang unknown number ang tumatawag. Sinagot niya ito pero hindi siya muna nagsalita at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. "Hello, Beauty Gonzales?" sambit ng nasa kabilang linya. Agad na napabangon ni Beauty sa pagkakahiga ng marinig ang boses. " Yes speaking, Sino.... po sila?" nauutal na sambit ni Beauty "This is Albert ..." " hala sorry napasarap tulog ko pano ?"  Hindi pa man natatapos ni Beauty ang sasabihin agad na sumabat si Albert "hiningi ko kay Direk yung phone number mo I already texted you the location ng workshop studio so see you there" "Ah sige tha--" hindi na natapos ni Beauty ang sasabihin ng biglang nacall ended. "ay grabe siya pinatay agad" bulalas ni Beauty. "Sino yun love?" agad na tanung ng asawa ni Beauty habang dala dala ang pagkaing niluto niya para dito. "Ah yun? Si Albert Martinez yung katambalan ko may workshop kasi kami ngayon , thank you dito love" pagpapaliwanag ni Beauty sa asawa na siya namang naging dahilan para mag-iba ang timpla. "Oh?Bat ganyan muka mo love?" nagtatakang sambit ni Beauty. "Wala love.. kain ka na naghihintay na si Albert dun" mahinahong sambit ng asawa ni Beauty. Ngunit halata sa kanyang muka ang pag-iba ng mood. "Love? You know that I love you okay? This is just a part of my job... okay?" Napangiti nalang ang asawa nito at di na nagsalita. Matapos kumain ay agad na naligo. Matapos ang dalawang oras ay bumyahe na din si Beauty sa location na tinext sa kanya ni Albert. At matapos ang 30 minutes ay narating na niya ang location. Pero laking gulat niya ng nasa labas si Albert nagiintay sa labas ng building, nakasandal sa sasakyan niya. Nakashades . . . . nakaitim na polo . . . . .at nakacap. "grabe ang gwapo" mahinang sambit ni Beauty sa sarili. Hanggang hindi niya napansin na nakatulala na pala siya at papalapit si Albert sa kinatatayuan niya. Agad na tinapik siya ni Albert "Beauty? Ok ka lang?" paulit ulit na tanong ni Albert kay Beauty. At agad naman bumalik sa ulirat nito si Beauty at inayos ang sarili. "Ha?o...oo okay lang ako" agad na sagot ni Beauty sabay talikod kay Albert. "You sure?" paninigurado ni Albert. Habang nakatalikod si Beauty tumango ito at kinuha ang bag nito. "Oo naman okay lang ako tara na" diretsang sambit ni Beauty sabay aya kay Albert para pumasok na sa building. "Good Morning sir, maam" agad na bati ng isang attendant sa kanila. "Good morning too" sabay na pagbati nilang dalawa. Patuloy silang naglakad sa isang room na may pinakadulo. At pagpasok nila nandun ang ibang mga bagong love team na tinatambal. "Sorry we're late" pagpapaumanhin ni Albert sa lahat ng tao sa loob ng silid Agad namang napalingon si Beauty sabay titig  at bulong "late na tayo?'' tango lang ang sagot ni Albert. "Okay lang po Tito Albert, dito po kayo " sagot ng workshop instructor nila. Tinuro sa kanila ang lugar na malapit sa may pader.. Makikita dun ang isang may kaliitang mat at dalawang maliliit na unan. Nang marating nilang dalawa yun agad na silang umupo. Naunang umupo si Beauty na inalalayan naman ni Albert. At sumunod na din si Albert. Pareho na silang nakaupo na nakaharap sa may salamin. "Ay Tito Albert bawal pong lumampas sa mat ang kahit na ano kahit damit po" sambit ng instructor. "Ay ganun?" agad na sagot ni Albert sabay umusod papalapit kay Beauty habang si Beauty umusod naman palayo. "Bawal din po Ms Beauty tsaka dapat mo magkaface to face kayo, dapat po kahit isa sa inyo hindi lalampas sa mat" paguulit ng instructor. "Hala as in" natatawang sambit ni Beauty. . . . . ''Good Morning loveteams so nandito kayo para ebuild yung friendship niyo at mas maging effective ang tambalan niyo at alam natin sa isa sa inyo dito eh nagkakailangan pa and that's the thing na dapat nating tanggalin... so these are the sessions na gagawin natin " "Lima lang yung gagawin natin sa session na to and that is the 5 senses so ngayon sisimulan natin sa mata, ready na ba kayo?" ani ng instructor. "So sit straight look at your partner straight, pwede kayo magblink pero hindi pwedeng lumihis ang tingin ha.." paguutos ng Instructor. Agad naman sinunod nilang dalawa ang instructions nagtitigan sila. "Look at the eyes of your partner.."  "Ang ganda ng mata mo" bulalas ni Beauty. "Ha?"pagtatanong ni Albert habang pigil ang tawa. "Please wala po munang maguusap, titigan muna darating tayo sa usapan mamaya po, and now titigan ang ilong ng partner"paguutos ng instructor. Habang iniikot ikot ang mga loveteams kung sinusunod ba ang sinasabi niya. Diretso ang tingin nilang dalawa sa isat isa na tila ba nag-uusap at bigla nalang napapatawa. "Matapos yan ay titigan ang mga labi ng partner"  . . . . . Albert's POV Kasalukuyan kong tinitigan si Beauty ngayon ang makakatambalan ko sa Kadenang Ginto. Ang ganda pala talaga niya sa malapitan. Ako nag initiate nito para mawala yung ilang niya sakin. "Ngayon ibalik ang titig sa mata isa isa ko kayong lalapitan" utos ng instructor namin. Iniisa isa niya kami at hindi ko alam kong bakit Mga ilang minuto ay kami na ang nilapitan niya. "Tito Albert , Miss Beauty sabihin niyo sakin anong masasabi niyo sa isat isa habang nakatitig so sino mauuna?" "Ikaw na" sabay pa kami ng sagot ni Beauty. "Girls first" sambit ko sabay pilit na tinatago ang ngiti. At napansin ko pamumula ng pisnge niya. "Okay sige na nga mauna na ako" sagot niya. "Sige po ito po titigan mo po ang mata ni tito albert tas sabihin niyo sakin ano masasabi mo, at ano ang gusto mong sabihin sa mga mata niya?" . . . Ilang minuto siyang natahimik . . . "Ang ganda ng mga mata mo.." "pero napapansin ko..." " yung lungkot sana balang araw yang lungkot sa mga mata mo mapalitan na ng saya"  Nauutal utak niyang sambit, grabe nakita niya yun? Pero bakit nga ba? Patuloy akong tumitig sa kanya "Ikaw naman po tito albert" ani ng instructor "Ay ako na ba sige wait " sagot ko. Tinitigan ko ang mga mata ni beauty.. . . . "Sandali kumukurap kurap ka eh" natatawang sambit ko. At kita ko na tumatawa siya pabalik. "Sorry ito hindi na" sagot niya sakin at hindi na nga siya kumurap at diretso nang tumitig sakin. "Ang swerte ng..... asawa mo. "  Agad niya akong tinapik sa balikat Pero tila ba may sariling isip ang bibig ko at tinuloy pa din ang sasabihin "Ang swerte niya kasi subrang saya ng mga mata mo,subrang saya mo sa kanya" Agad na hinahawakan ni beauty ang kamay ni Albert  "Ganito nalang po diretso nalang po sa may likuran ko kasi nakakakiliti kasi pagsimula sa tiyan palikuran.. sorry ulit po" . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD