CHAPTER 5

1644 Words
BEAUTY'S POV "Okay good, may napansin ba kayo na medyo nawala yung ilang?" ani ng instructor namin. Tumango kaming dalawa ni Albert bilang pag-sangayon. Pero bakit parang mas lumala yung ilang ko sa kanya? "Mas naging close ba?" dagdag ng instructor "Ikaw Ms. Beauty nawala na po ba yung ilang?" medyo nagulat ako sa tanong niya. Tiningnan ko si Albert bago ako nagsalita. Ngumiti siya.. At ngumiti ako bago ako sumagot. "Yeah medyo nabawasan ng very very light lang naman " ani ko sabay halakhak. ''Sige next since we're done in sense of sight,ngayon sense of touch naman, so please hold each others hands po" Ani ng instructor namin, at tila ba may kung ano akong naramdaman ng muli ay ngumiti uli si Albert sakin. At dahan dahan kinuha ang mga kamay ko at hinawakan.  "Okay lang?" nagpaalam pa siya eh hawak hawak na niya kamay ko. "hehehe Tito Albert ... hawak mo na po eh" sagot ko sabay tago ang ngiti. Pero ngumiti lang siya at matapos ay pinaglapat niya ang mga kamay namin na tila magkaholding hands. "Magkahawak na po ba kayo?After po niyan dahan dahang ipikit ang mata"  Hindi ko alam pero parang di ko na kaya para sasabog yung puso ko or talagang kinakabahan ako. Pero bakit? Sa utos nga ng instructor namin ay dahan dahan naming pinikit ang aming mga mata, ganun din si Albert. "While nakapikit hayaan niyong maglakbay inyong mga utak, hayaan niyo kung saan man kayo nito dalhin basta wag niyong bibitawan ang kamay ng taong hawak hawak niyo" ani ng instructor namin. Habang nakapikit ako pilit kong hinahayaan ang isip ko na maglakbay. Nag-isip ako ng kung ano ano para magkasense naman yung pagpunta ko dito  Pero ayaw talaga lalo na nung biglang humigpit ang pagkakahawak ni Albert sa mga kamay ko. "Please po walang didilat" pagpapaalala ng instructor na feeling ko eh nasa tabi namin siya habang nagsasalita. Pero hindi ko mapigilan , hindi din ako makapagfocus kaya Bahagya kong dinilat ang mga mata ko. At nakita ko si Albert na tila papaiyak na. Hindi ko alam kong bakit. Kaya medyo nakunsensya ako.. Kasi ang seryoso niya Habang ako eto kung ano ano ginagawa. Kaya muli ay pinikit ko ang mga mata ko, sinariwa ang araw na kinasal ako sa asawa ko. Nung niluwal ko ang anak ko. Sinariwa ko ang lahat ng magagandang nangyari sakin. . . . . . Hanggang sa di ko malamang dahilan eh . . . . . Bigla akong mahigpit na niyakap ni Albert na siyang kinagulat ko. Pero pinilit ko parin wag dumilat.. Hinayaan ko siyang yakapin lang ako. Ramdam ko na may dinadalang problema siya, hindi ko alam kung ano. . . . "Tito A, Ba... bakit po?" bulong ko sabay haplos sa likod niya. . . . Pero tila ba wala siyang narinig kaya hinayaan ko nalang siya. At hinaplos haplos ang likuran niya. . . . Ilang minutong pagkakayakap niya ay bigla siyang bumitaw at muling hinawakan ang mga kamay ko.. . . . Muli ay dinilat ko ulit ang mga mata ko.. . . Pero wrong move ata pagkakadilat ko. . . . Dahil nakadilat din siya. . . . "Pwede na pong dumilat, at may nakita akong kanina na parang nadala sa damdamin at nayakap ang partner and that's a good result" ani ng instructor. At alam namin kami yung tinutukoy niya kaya napatawa nalang kaming dalawa ni Tito A. "Session is dismiss sana po nagimprove yung connection niyong magkakapartner, to the point na kaya niyo ng magtitigan na walang ilangan , bukas po babalik po tayo for the last session, Goodbye po and thank you" pagpapaalam na ng instructor namin. Kaya lahat dahan dahang nagsitayuan na, pati narin ako. Kinuha ang bag at sumabay sa mga lumalabas ng session room. Nasa likuran ko non si Tito A. "Beauty" tawag niya sakin habang nasa likuran ko. Kaya naman ay nilingon ko siya sabay ngiti. "Yes po?" sagot ko, hinawakan ko ang kamay niya para magkasabay kaming lumabas sa room at di ko na kailangan lumingon sa likuran ko. "Can we have dinner?" Napadilat ako, di ko alam kung anong isasagot. Tiningnan ko yung oras ko, medyo maaga pa naman  Kaya tumango ako. "Sige Tito A,  may eexplain ka din sakin eh" ani ko sabay halakhak ng bahagya. Na siya ding dahilan para mapangiti din siya at napailing iling na parang pinagsisihan niya ang ginawa niya kanina "Pero Tito A, may kasama akong driver eh okay lang po ba?" Tumango lang siya. Grabe man of few words talaga si Tito A Kaya napapatahimik nalang akong pinanganak na madaldal. BEAUTY'S POV So we're here sa di kalayuan na cafe, pinili na naming di lumayo kasi may kasama akong driver tsaka quick dinner lang din naman to. Umupo kami sa may malapit sa bintana para may sight-seeing. Hindi talaga ako sanay na nagsisimula ng conversation kay binalot muna ng katahimikan ang paligid namin. Ngitian muna hanggang sa pinutol niya iyon. "Sorry kani--" nauutal na sambit niya na di ko na pinatapos pa kasi alam ko naman na dahil yun sa pagkakayakap niya sakin sa workshop. "Okay lang yung Tito A, you dont need to worry about it" tugon ko sabay ngiti. Pero ang totoo gusto kong malaman kung bakit ,pero ayaw ko ding itanong kung bakit diba ang gulo ko? "No, sorry di ko dapat ginawa yun,--" aniya na tila humuhugot ng hininga bago magsalita. "N-nadala ako ng emosyon ko, nadala ako sa nararamdaman ko" dagdag pa niya na medyo kumunot ang noo ko. "Bakit anong nararamdaman mo Tito A?" pagtatanong ko sa kaniya. Na ilang segundo muna bago niya nasagot. "21 years since my wife died,--" aniya habang nakayuko. "And until now hindi parin ako nasasanay na wala na siya" dagdag niya at ramdam ko na subrang miss na miss na niya ang kanyang asawa at doon ko din nasabi na subrang mahal niya ang asawa niya. Tumitig siya sakin, at kitang kita ko na nangingilid ang mga luhang pinipilit niyang wag pumatak. "And kanina nung hinawakan ko yung mga kamay mo? At pinikit ang mga mata ko.. siya kaagad ang nakita ko.. niyakap ko siya ng mahigpit and thats the time bakit nayakap kita, sorry"aniya kaya para maibsan ang kalungkutan niya hinawakan ko mga kamay niya. Hindi ako sanay magcomfort ng lalaki pero kitang kita ko sa mga muka niya ang lungkot na nararamdaman niya. "Tito A, I can be your crying shoulder, you don't need to hide that tears, iiyak mo po... kasi minsan hindi kabawasan sa pagiging lalaki ang pagiyak" ani ko. "Tao pa rin tayo, nasasaktan at kapag nasasaktan edi iiyak " dagdag ko at duon napangiti ako kasi parang ang galing ko pala magcomfort kasi pinunasan niya ang mga luhang  dahan dahang pumapatak. "Thank you beauty" aniya kasabay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya na tinugon ko naman din. "Kain na nga lang tayo Tito A. Sige ka tatanda ka, magkakawrinkles ka " sambit ko sabay halakhak para econvert ang negative vibes at mapalitan ng positive vibes. Nagkwentuhan kami about sa career namin, at mga isang oras natapos na kami kumain naghahanda nadin umuwi. "So see you bukas?" sambit niya sabay bukas ng pinto ng cafe para makalabas ako. "See you tito A" sagot ko sabay ngiti. Pero nagulat ako ng biglang . . . . . Niyakap niya ako...subrang higpit.. . . . Kasabay nun ang bulong na " Thank you, you ease the pain in heart" At matapos ay bumitaw na din siya sa pagkakayakap.. hindi na ako nakapagsalita o nakapagtanong tila ba automatic na ngumiti nalang ako at tumango at naglakad papunta sa van kung saan nagiintay ang driver ko. . . . Di ko naramdaman yung ganito ever since, kahit sa asawa ko. "Mali beauty, mali, erase erase" bulong ko sa sarili. ALBERT'S POV Pauwi na ako ngayon at habang nagmamaneho patuloy yung pagflashback ng mga nangyari sa araw nato. "Ano ba tong nararamdaman ko?" ani ko sa sarili dahil sa palaging pagrerewind ng mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit, I've been throught alot of workshop na ganun pero bakit parang iba ngayon? Nang marating ko ang bahay  sinalubong ako ng anak ko na si Alyanna. "Good evening dad, Dinner prepare kita dad" aniya sabay halik sa pisnge ko. "No dear, I'm done na. Ikaw kumain ka na?" tugon ko sabay yakap at halik sa noo sa anak ko. Nakita ko sa mga muka niya ang pagdududa, at ang tingin na diretso. "Anong tingin yan dear?" pagtatanong ko habang hinuhubad ko ang jacket ko. Padiin ang tingin ng anak ko sakin at ilang segundo bago nakasagot. "Whose with you?Saan ka kumain dad?" aniya. Kaya napayakap nalang ako, ito ang anak ko ang pinakaselosa sa lahat na halos binibaby ako. "Uy ang dami naman tanong ng anak ko, sa kasamaan ko sa next teleserye ko" sagot ko sa kanya habang yakap yakap ko siya. "You don't want daddy to be with other girls, arent you?" dagdag na pagtatanong ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko at patuloy sa pagyakap sa kanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. "  I don't want to see you sad, ayoko lang masaktan ka" napanganga ako at tila pinoproseso ang sinabi ng anak ko. Subrang mahal talaga ako neto. Hinaplos ko ang buhok niya habang bahagyang nakangiti. "Dear kasama sa pagmamahal ang sakit, you will not get hurt if you didnt love, And if you didnt love you'll not get hurt get my point?" pagpapaliwanag ko sa kanya.  Kaya niyakap niya ulit ako ng mahigpit na tinugon ko naman "Promise me you'll not gonna let them hurt you right? You will only love those person na mahal ka the way paano ka minahal ni mommy please" aniya habang nakayakap sakin. Hindi ko alam kong anong ginawa ko para magkaroon ng ganito ka mapagmahal na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD