CHAPTER 6

2454 Words
"antok dalawin mo ako pleaseee" iritang sambit nito habang pilit na sinusubsob ang muka sa unan. Ilang oras nang nagpapalit palit ng posisyon si Albert para lang makatulog kaya bumangon siya at bumaba para kumuha ng tubig. Habang pabalik sa kwarto dala dala ang isang basong tubig. Agad napabuntong hininga siya nang makita niya ang script na malapit sa litrato ng asawa . Dahan dahan niya itong kinuha kasabay ang litrato ng asawa at umupo sa sofa na malapit doon. Tinitigan ang litrato ng asawa at ang mga luhang kaninang pinipigilan ay isa isa ng nagbabagsakan. "Bakit love? Miss na miss pa din kita , di pa din ako sanay na wala ka " ani nito habang hinahaplos ang litrato. "Hindi ko pa din kaya na kalimutan ka , Bakit love ang aga mo nawala?" dagdag nito. At hindi na nga niya napigilan ang nararamdaman , hinayaan niya ang sarili na iiyak ang lahat. "Pagod na ako love na sabihing ok ako , masaya ako , pero yung totoo hindi. Pinapagod ko ang sarili ko sa trabaho kasi para makalimot ako na w-wala ka na"  "21 years na love pero parang ganun pa din yung nararamdaman ko?" at napahagulhul na nga siya. . . . . . . . "Love?" bulong ng babae habang mahigpit na nakayakap ang babae sa mga bisig ng lalaki.  "Yes love?" sagot ng lalaki.  "Ang lawak ng dagat noh?" sambit ng babae habang tinuturo ang dagat kung saan makikita ang araw na unti unting lumulubog. "Ganyan kalawak ang pagmamahal ko sayu love, ganyan kita kamahal" ani ng lalaki sabay halik sa mga buhok ng babae. "I love you love , pero sa tingin ko a-ako yang araw " nauutal-utal na sambit ng babae habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng lalaki. "Shhh wag kang magsalita ng ganyan love " ani ng lalaki na pilit iniiba ang isipan ng babae. " pero love kung dumating na yung araw na maubusan na ako ng oras , lumulubog na tulad niyan " ani ng babae habang dahan dahang inaangat ang kanang kamay para ituro ang araw na lumulubog. "Piliin mo parati maging masaya , kung magmamahal ka ng i-iba okay lang , mas ... m-mas magiging masaya ako sa langit pag nakikita kitang m-masaya" ani ng babae at dahan dahang humarap sa lalaki at dahan dahang hinahaplos ang muka ng lalaki. "Piliin mong maging masaya kahit wala na ako , tulad ng dagat malawak pa ang mararating mo , marami ka pang makikilala , kaya magmahal ka ulit kapag w-wala na ako love" ani ng babae habang hinahaplos ang buhok ng lalaki sabay gawad ng isang halik sa mga labi neto. . . . . . . . "Daaaad" Agad napabalikwas si Albert sa pagkakatulog niya. Papungay pungay habang yakap yakap ang litrato ng asawa. "Dad bakit dito ka natulog?" pagtatanong ni Alyanna sa ama. Habang palingon lingon naman si Albert at imbes na sagutin eh kumuha nalang ng tubig. "Dad you did not answer my question? Bakit dyan ka natulog?" paguulit ni Alyanna. "Uhmm Di kasi ako makatulog kagabi anak eh so kumuha ako ng tubig at dyan na ako dinalaw ng antok" pagpapaliwanag ni Albert habang dahan dahang umiinom ng tubig. "Wait, Dad ?you did cry again?"  ani ng anak habang nakakunot ang noo nito. "No, I did not" ani ni Albert na pailing iling pa. "Dad you cant deny it , you're eyes says it all , namamaga eh"  Wala na siyang nagawa kaya , He nodded. "I just miss your mom"  sambit ni Albert. "As usual dad, pero remind ko lang sayo dad its been 21 years kinakain ka pa rin emosyon mo , maging masaya ka naman dad " pagpapaalala ng anak nito. Hindi na nakapagsalita si Albert bagkos ay agad na niyakap nalang ang anak. At hinaplos haplos ang buhok dito, inaamoy amoy. "Maligo ka na, smells something fishy na" pagbibiro ni Albert. "Parehas tayo , ikaw din dad maligo ka na may workshop ka pa 8:00 na " ani ni Alyanna  Kaya agad napatingin kaagad si Albert sa orasan at oo nga 8:00 na kaya agad napatakbo kaagad itong napatakbo sa kwarto nito at agad na naligo. Matapos ay nagbihis at bumaba narin . "Breakfast dad?" aya ni Alyanna. "Hindi na anak dun nalang ako " sambit ni Albert sabay halik sa noo ng anak. "Have fun with tita beauty" pagsigaw na ani ni Alyanna. Napailing iling nalang si Albert sa narinig niya sa anak. Napatawa na rin. . . . . "Your late Tito A" bungad sa kanya ni Beauty pagkapasok niya sa workshop room. Napakamot nalang sa ulo niya si Albert kasabay ng hilaw na tawa. "Sorry , napasarap ang tulog eh"  pagpapaliwanag ni Albert. " Sa prisinto kana magpaliwanag Tito A , upo ka na" natatawang sambit ni Beauty sabay bigay ng space para makaupo na si Albert. " Thank you " tugon ni Albert sabay akmang hahalik sa pisnge ni Beauty "Eheeeem" ani ng isang nagwoworkshop din kaya napahinto si Albert at nilingon ang pinanggalingan ng boses. "Nandito kami tito A" ani ni Dimples kasama ni Allan na kumakaway kaway pa. "Ikaw pala yan Dimps" hilaw na bati ni Albert. Habang si Dimples kitang kita ang saya, sa pang-aasar. "Nandito na ba lahat? Shall we start?"  Tumugon lahat na nandoon na lahat. "So we're done with the sense of sight and sense of touch what's left is a sense of taste, sense of  sound and sense of smell right so let's start?" . . . . . . Matapos ang halos 3 oras na workshop ay natapos na din ang workshop nila. Nagkayayaan sina Dimples, Allan , Beauty at Albert na kumain sa isa buffet restaurant sa di kalayuan. Nagkakwentuhan sa mga career , sa mga anak at lalo na sa lovelife. "Ikaw tito A? Kumusta ka na may nagpapatibok na ba sa puso natin dyan?" Pabirong sambit ni Dimples habang sinusubo ang isang scoop ng ice cream. Hindi naman kaagad nakasagot si Albert at tila nahilaw at agad na na'baling ang tingin kay Beauty na halos hindi din masubo ang  kinakain. ''Wait tito A? Sure?Beauty?" agad  na bulalas ni Dimples. "Huuuy hindi a" agad na sagot ni Beauty "Nope , mali yang iniisip mo Dimples  tsaka regarding sa puso puso --" ani ni Albert na agad na natigilan. "Pag may ibibigay si God, tatanggapin for now focus muna ako sa career at sa mga anak ko" Napataas nalang ang kilay ni Dimples sa sagot ni Albert. Habang pansin naman nila Dimples at Allan na palihim na sumusulyap si Albert kay Beauty.. . . . . . " So kita kits bukas Tito A sa Asap?" ani ni Allan habang pasakay sa kotse kasabay si Dimples. Agad na napakunot ng noo si Beauty at Albert  "Sandali hindi namin alam yan a?" agad na bulalas ni Beauty. "Hala hindi pala kayo naadd sa group chat ng Kadenang Ginto?" Napailing si Albert at Beauty "Dont worry add ko kayo pag-uwi ko , nandun yung details so una nako Tito A, Beauty ha? " ani ni Dimples sabay kaway sa dalawa.. . . . . " So uwi ka na?" pagaaya ni Albert kay Beauty. Tumango lang si Beauty bilang sagot niya. Humakbang sila pareho pababa at pumara naman ng taxi si Beauty. "Wala yung van niyo?" pagtatanong ni Albert kay Beauty "Wala eh nakaleave yung driver ko tapos yung asawa ko di naman pwede kasi walang mababantay sa baby namin" pagpapaliwanag ni Beauty habang nagiintay ng taxi . . . Nang may taxi ng tumigil sa harapan nila at akmang pasakay na si Beauty . . . . Agad na hinawakan ni Albert ang braso ni Beauty. At agad na sinarado an pinto ng taxi. At binayaran ng minimum fare ang taxi. Na siyang kinagulat ni Beauty. . . . . "S---sumabay ka na sakin" nauutal na sambit ni Albert. "Hala Tito A , okay lang magtataxi nalang ako malapit lang naman yung bahay ko dito" pagtanggi ni Beauty sa alok  ni Albert. "No I insist Beauty, para makasave ka na din and makasama pa k-kita.. para mawala na yung ilang mo" ani ni Albert na tila nagdadalawang isip sa sasabihin. "May choice pa ba ako Tito A? I insist na eh. So let's go" ani ni Beauty sabay ngiti na agad namang tinugonan ni Albert. . . . Pinagbuksan niya ito ng pinto bago pumunta sa driver's seat BEAUTY'S POV Pinagbuksan niya ako ng pinto , kaagad naman akong umupo katabi ng drivers seat. At nakaupo na ako sinarado niya na at umikot para buksan ang isang pinto ng sasakyan para sa driver's seat. Nang makaupo siya isang abot tenga na ngiti ang nakita ko bago niya pinihit ang susi ng sasakyan kasabay na din ang manibela. Binalot ng katahimikan ang buong kotse at parang walang gustong magsimulang basagin ang katahimikang nakakabingi. . . . "How to l-love again?" pagbasag niya sa katahimikang bumabalot samin dalawa. Agad naman akong napalunok sa tinatanong niya.  Tumingin siya sa akin siguro naghihintay sa sagot ko. "A-ah uhmm, first you should open your heart again" ani ko. Hindi ko din naman kasi alam kong anong sasabihin lalo na't di ko naranasan ang nararanasan niya ngayon. "For the love to enter again... there" dugtong ko sabay turo sa puso niya. Nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya sa tanong niya. Subrang mahal niya ba talaga ang asawa niya na hindi niya kaya ulit magmahal? " You know what Beauty, I miss the feeling of being in love , subrang sarap sa pakiramdam." ani niya habang nagmamaneho.  " Bakit kasi di kayo ulit magmahal?" deretcho kong sagot na siyang dahilan para mapatigil siya sa pagmamaneho na siyang pinagtaka ko. Tumingin ako sa paligid , sa libingan kami nahinto.  At muli ay tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakayuko. Dahan dahan niyang inaabot ang kamay ko na malapit sa manibela. Gusto ko mang ialis ko kamay ko doon para hindi niya na ito mahawakan pero tila napako ang kamay ko at hindi magalaw. Hanggang sa maramdaman ko na ang kamay niya sa kamay ko. Gusto kong magsalita , gusto kong umalma kasi parang nakakailan na eh pero ayaw bumuka ng bibig ko. " Can you join me here ? I want to be free " ani niya na nakayuko pa din.  Gaano ba kahirap na magmahal ulit? Matagal naman ng wala yung asawa nito.  Isang tango lang naging sagot ko , at dahan dahan na niyang inaalis ang kamay niya sa kamay ko. At agad na umikot sa pinto kung saan ako nakaupo at pinagbuksan ako.  Nagtataka ako pero bahala na. Siguro ako lang yung sa ngayon ay nakakaintindi sa kanya. Pagkabukas ng pinto pilit kong tingnan ang mata niya na pilit niya ding nililihis para di ko makita ko. At maya maya hinawakan na uli niya ang  kamay ko at ang isang kamay ko ang nagsarado sa pinto ng sasakyan. Kaunti lakad at agad ay nahinto siya. At dahan dahang napaupo sa puntod ng asawa.  Hindi pa ako nakakita ng isang lalaki na ganito umiyak , ganito magmahal. Kadalasan pagnawala na pinapalitan na pero siya parang subrang hirap para sa kanya na palayain ang sarili sa taong wala na. Pinagmamasdan ko lang siyang hinahaplos ang lapida ng asawa , hinayaan ko lang siya. Hanggang sa nagsimula na siyang magsalita na tila kinakausap niya ang lapida ng asawa. " Sabi ko dati ikaw lang ang una't huli kong mamahalin , ikaw lang love . Pero bakit parang ang hirap? Ang lungkot? Ang sakit?" bulalas niya habang isa isa ng nagsisipatakan ang kanyang mga luha. " Sabihin mo naman sakin oh? Bakit? Anong ka-kailangan kong gawin love?" dagdag niya at unti unti ng nababasa ang lapida ng luha niya. Hindi ko kayang pagmasdan siya na tila kinakain ng kalungkutan niya. Kaya humakbang ako papalit sa kanya , at umupo na din sa tabi niya. At iniangat ang kamay para himasan ang likod para mahimasmasan , bagamat nagdadalawang isip man ako ay ginawa ko pa din. " Mahal na mahal kita love subrang mahal. Pero love tingin mo ba magiging masaya pa ulit ako? Masaya nung panahong nandito ka pa? Tingin mo love kaya ko?"  ani niya na tila humuhugot hugot na ng malalim na hininga baga ipakawala ang mga salitang sinabi. Hinahaplos haplos ko lang ang likuran niya at masasabi ko na subrang swerte ng babaeng muling mamahalin niya.  Ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya. Subrang swerte. Nang mapansin ko na tila kumukulimlim na , at may balak pa atang sumabay sa pag-iyak ni Tito A. ''Tito A, tara na. Uulan na ata'' ani ko habang patuloy na hinahaplos ang likod niya. Tumingin siya sa langit , humugot ng malalim na hininga bago tumayo at nagsalita. "Do you think Beauty magiging totoong masaya pa kaya ako?" ani nya na ngayon ay diretso ang tingin sakin. Bahagya akong ngumiti , at bumuntong hininga hindi ako sanay sa ganitong tanungan pero bahala na. "Yes Tito A, sasaya ka pa." walang halong pagdududa na sagot ko. Habang diretso akong nakatingin sa mga mata niya. "Pero kailangan tapus ka na magmahal sa una bago mo ka ulit magmahal sa pangalawa, mahirap kasi yun kung magmamahal ka lang kasi namimiss mo yung pakiramdam na in love ka, para mo lang ginamit ang tao para makuha ang bagay na di mo nakuha sa totoong minahal mo" pagpapaliwanag ko.  Para akong nalulusaw sa mga tingin niya. Kaya bago ako nagsalita muli at nilihis ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya at nakailang beses na napalumunok. "Ang love para sakin kasi Tito A parang SD card , kapag puno na di na madadagdagan pa. At katulad ng SD card para makalagay ulit ng kanta kailangan mo ilipat sa ibang lalagyan o pwede din naman edelete pero ang love kasi di nadedelete pwedeng mapalitan pero di pwedeng mawala." muling pagsasalita ko. Grabe ang haba nun a' medyo naubos laway ko dun ah. "Siguro kailangan mo lang bawasan yung laman ng puso mo , para magkaspace sa taong mamahalin mo. Hindi naman siguro magagalit asawa mo kasi 21 years na, subrang tagal na at alam ko din na siya gusto niya ding sumaya ka" dagdag ko pa. Muli ay ngumiti ako sa kanya. Na tinugon naman siya. Tumingin sa asawa niya at muli ay tumingin uli sakin. " Tara na Tito A, maaabotan tayo ng ulan." ani ko. "Salamat Beauty, maraming salamat "  "Tito A, in the end the heart wants what it wa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang . . . . . dumampi ang labi niya sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw. Para akong naistatwa. Anong nangyayari? . . . Mali to! . . . Subrang mali!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD