BEAUTY'S POV
Sampu.. sampung segundo din ang tagal ng paghalik niya sakin. Hindi ko alam kong magagalit ako, sasampalin ko ba siya o ano. Pero tila wala akong nagawa , wala akong nagawa kundi nagpaubaya.
Nang hiniwalay na niya ang mga labi niya sa labi ko, tumitig siya sa akin , mga matang humihingi ng patawad na ngayon ay di niya mabigkas.
Isang ngiti ang ginawad ko " Tayo na po Tito A " agad na sambit ko sabay yuko at nagmadaling humakbang papunta sa sasakyan niya.
Sinubukan niyang pagbuksan ako ng pinto , patakbo niya akong hinabol para maipagbukas niya pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon.
Kaya umikot nalang siya at umupo nalang sa driver's seat. Sinimulan na niyang pihitin ang manibela at nagmaneho na. Pero niisa sa aming dalawa ay walang gustong magsalita. Subrang tahimik sa buong sasakyan , ang tanging naririnig ko ay ang hininga ko at pagdagundong ng puso ko.
Nang napansin kong malapit na ako sa bahay ko hindi ko na inintay na maitapat ang sasakyan niya sa mismong gate namin , dahil alam kong magiging dahilan lang ito ng pag-aaway namin ni Norman.
" T-- tito A , Dito nalang po" Agad na sambit ko ng papalapit na ito sa may haligi ng garden namin.
Na agad naman siyang hininto.
Sinikbit ko ang shoulder bag ko at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan.
"Be--auty so--rry" nauutal na sambit niya. Gusto ko siyang sampalin pero parang wala akong lakas. Tinitigan ko lang siya. Nagkatitigan kaming dalawa.
" It's okay , pa--parang di naman tayo artista, sige una nako. Salamat " sambit ko sabay mabilis na lumabas ng kotse niya.
Oo artista kami, pwede kami maghalikan na walang malisya! Stick to that Beauty! Artista kayo! Umaakting lang kayo kanina.Oo umaakting lang! Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang mga nangyari.
Pagpasok ko sa bahay hinintay kong makaalis na ang kotse niya bago ako kumatok.
"Good Evening love " agad na bati sakin ni Norman sabay halik sa pisnge ko na tinugon ko naman.
Tila subrang pagod ko at agad na ibinagsak ang sarili sa sofa na malapit sa akin.
" How's your day love?" dagdag niya habang nakatingin sakin. Tumango lang ako bilang sagot ko.
Alam kong napansin niya ang pagkatamlay ko. Hindi ko din alam parang ang bigat ng nararamdaman ko , para akong napagod na wala naman kaming ginawa.
Maya maya para kunin ang atensiyon ko umupo sa tabi ko si Norman dala dala si Olivia na may hawak hawak pang laruan.
Pinilit kong ngumiti para tanggalin nalang sa isipan ko yun. At itinuon ang pansin sa anak at asawa ko na nasa tabi ko ngayon.
---
Hindi na ako kumain at agad nalang akong dumiretso sa kwarto namin at agad na humiga. Pinikit ang mga mata.
Halos masaktan ko na ang sarili ko dahil gusto kong kalimutan yung nangyari pero rewind naman ng rewind. Makailang ulit kong isinusobsob ang muka ko sa unan.
" Love?Anyare?" agad na sambit ni Norman marahil nakita niya na irritable ako.
" Just a b--bad day love" agad na sagot ko.
Umupo siya sa higaan at hinaplos ang mga buhok ko.
" Umupo ka nga muna... magkwento ka anong nangyari" sambit niya. Magkwento? Paano ko ikukwento?
"W--wag muna ngayon lang bukas na ha?" malambing ko sambit para itago ang nararamdaman ko.
Hindi naman na din siya nagpumilit pa. Kaya humiga narin siya at agad kong niyakap.
Nakatulog nalang siya ako dilat na dilat pa rin. Tinititigan siya. Tinititigan ang muka ng asawa ko.
---
ALBERT'S POV
Nandito ako sa labas ng kwarto ko. Dala dala ang litrato ng asawa ko. At isang boteng alak. Nakatingin sa malayo, nakatingin sa mga ilaw sa mga kabahayan na nakikita ko.
Hindi ko alam bakit ko nagawa yun. Hindi ko alam anong nagtulak sakin na gawin yun.
Paikot ikot ako sa di malamang dahilan.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata pero si Beauty parin ang nakikita ko. Yung oras na hinalikan ko siya.
"Bat mo ginawa yun?" bulalas ko sa sarili ko. Na kahit ako hindi ko rin masagot bakit ko ginawa iyon.
Sinampal ko ang sarili ko ng makalawang beses sa pag-aakalang nananiginip lang ako pero parang sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Kaya tumayo ako nilagok ang isang boteng alak nang dirediretcho. Para lang makatulog ako at makalimutan ang kahihiyang ginawa ko.
Kinuha ko ang phone ko. Binuksan ang social media accounts ko ang f*******:, at i********: ko.
Hanggang sa hindi ko namamalayang sinisearch ko na pala ang account ni Beauty.
Nung una parang namamalik-mata ako at nakikita ko ang muka ng asawa ko sa picture niya.
Kinusot ko ang mata ko para tanggalin ang mga nakikita. At nakita ko sa i********: niya ang mga litrato ni Beauty , ng anak niya at asawa.
Tinitigan ko isa isa ang picture niya.
" Ang swerte mo norman" sambit ko sa sarili. Hanggang sa umabot ako sa pinakahuling post niya sa i********:. Matapos yun ay binalik ko na sa account ko.
At tiningnan ang messages nakita ko ang isang group message dun 'Kadenang ginto' kaya binuksan ko at nakita ko na may guesting pala kami bukas sa ASAP.
Tiningnan ko ang details at nang akmang magrereply na ako nakita kong kakabukas lang din ni Beauty.
Nakita ko ang picture niya na may nakalagay na 'typing...'
Gising pa siya ngayon? Hindi rin ba siya nakatulog?
"copy kitakits Kadenang Ginto people " yan ang reply niya sa group chat. Gusto man din magreply ay di ko na ginawa bagkos ay tinurn off ko ang phone ko at nagset ng alarm clock ko para magising ako kinabukasan.
Hinaplos ko muna ang litrato ng asawa ko bago ako pumikit. Hinayaan kong magrewind ng magrewind sa isip ko ang nangyari ,mapapagod din ang utak ko kakaisip..
.
.
.
Kinabukasan inunahan ko na ang alarm clock ko, pano kasi parang nakaidlip lang ako at di na nakatulog ulit. Kesa naman mapagod ako kakahintay sa oras. Naligo nalang ako at matapos ay agad na bumaba para makapagluto nalang ng umagahan namin ng anak ko.
Nagexercise habang iniintay ang anak kong gumising. Maya maya nagising na si yaya thelma. Medyo nagulat siya ng makita ako.
"Good Morning " agad na bati ko. Napindilatan lang ako ni yaya. At ilang segundo sumunod na din si Alyanna.
Agad itong humalik sakin na kinukusot pa ang mga mata"Good morning dad, ang aga mo ata nagising dad ? Anong meron? "and as usual every morning para akong may anak na reporter sa dami ng tanong.
"May guesting kami sa ASAP ngayon dear, hindi ako natulog kagabi eh kaya yan nagluto nalang ako" nagpapaliwanag ko sa kanya. Napansin ko naman agad napakunot ang noo niya.
"Hindi nakatulog?E hindi mo nga ako kinausap kagabi diretcho ka sa kwarto mo dad!" sambit niya habang nilalantakan ang bacon.
Hindi ako nakasagot bagkos ay ngumiti nalang sa kanya.
"Then this is my peace offering dear " agad na sambit ko . Napailing nalang siya at di na muling nagsalita.
Matapos namin kumain agad na akong nagpalit at agad na sumakay sa sasakyan para pumunta sa ABS-CBN studio ng ASAP.
.
.
.
.
Pagkarating ko doon nakita ko kaagad ang sasakyan ni Beauty nakaparada sa tapat ng building. Tinabi ko ang sasakyan ko sa sasakyan niya. Wala din naman kasing ibang parking space.
Matapos ay tinanggal ang sitbelt at inayos ang buhok sa side mirror. At isang papoging ngiti.
Bago pumasok sa studio.
Nasa malayo palang ako kita ko na ang babaeng nakadilaw na nasa backstage ng ASAP. Nasa pinakalikuran siya. Hindi ko napansin ang sarili ko na patakbong tinungo siya.
"Good Morning " agad na bati ko. Akma sana akong hahalik sa pisnge niya kaso bigla niyang hinawakan ang kwelyo ng polo ko at inaayos ang pagkakatupi. Medyo nahiya ako nakalimutan na ba niya yung nangyari kagabi? Nagkaamnesia ba siya?
"Akala ko Tito A hindi ka pupunta " sambit niya habang inaayos ang kwelyo at ang butones nito. At makailang beses tiningnan ang suot ko.
"L---late na ba?" nauutal na sambit ko.
Hindi siya sumagot siguro hindi niya ako narinig dahil nagsisimula na.
Isa isa na nila kaming tinawag nauna sila Dimples at Allan
.
.
Matapos ay kami na dalawa ni Beauty. Nagdadalawang isip man pero ayaw kong ipakita sa mga tao na may ilangan kami kasi nga loveteam kami sa teleserye.
"Can I?" ani ko sabay lahad ng kamay ko. Ilang segundo niya iyong tinitigan kaya agad ko nalang binaba ang kamay ko
.
.
.
at pagbukas ng stage kung sasaan lalabas kami. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong napatingin sa kanya.. Bahagyang ngumiti.. at ngumiti din naman siya.
Alam kong hilaw ang mga ngiting yun pero atleast kaya naming ibahin ang personal na buhay at trabaho namin.
Isa isa na kaming nagpakilala at matapos ay tinugtog uli ang theme song ng teleserye at isa isa na kaming bumalik sa back stage.
Nasa unahan siya naglalakad papuntang dressing room for sure. Habang ako nasa likod niya.
"Eheeem" ani ni na para mapansin niya pero para atang nabingi.
Nagkunwari akong umuubo, pero hindi talaga siya lumingon.
Ilang hakbang pa ay huminto siya.. kinabahan ako baka kausapin na ako.
Pero yun pala dressing room na niya.
.
.
.
Katabi ng dressing room ko.
BEAUTY'S POV
Agad akong pumasok sa Dressing room , hindi naman ako galit pero ayoko muna kausapin si Tito A if hindi tungkol sa trabaho ang pag-uusapan namin.
Pero teka? Bat ko yun ginawa? Bat ko inayos yung kwelyo niya? Para kang temang Beauty!
Napaupo nalang ako, hinirap ang salamin at tila kinakausap ang sarili. " Focus Christine , focus" sambit ko sa sarili.
Tinatanggal ko ang make-up ko, bago ako umalis. Hindi kasi sanay na may make up sa muka ko parang ang bigat. Pero para akong tanga na bigla nalang kinakausap ang sarili..
.
.
.
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!" malakas na pagsigaw ko, pano hindi ko na kaya. Para akong tanga na kinakausap sarili ko.
Maya maya may biglang kumalabog sa kabila..
.
.
.
"Beauty? You okay?" agad na tawag sakin ng boses na di ko malamang kong sino sa pinto. Siguro nagtaka siya bakit ako sumigaw, sandali hindi pala to soundproof? Medyo nahiya ako.
"Opo okay lang ako" sagot ko sa kung sino mang tao yung nandun sa pinto. At nagpatuloy sa pagtatanggal ng make up ko.
Matapos ay agad kong inayos mga gamit ko at inilagay ang iba sa bag ko. At matapos ay agad akong lumabas ng dressing room ko.
Pagkabukas ko...
.
.
.
.
"ayyy giaaaaaatay ka!" agad kong sambit pano nagulat ako na pagkabukas ko nandun si Albert. Napatakip nalang ako sa bibig ko matapos kong sabihin iyon sa harapan niya. Nabagsak ko pa ang script na hawak hawak ko.
.
.
.
Akmang pupulutin ko iyon ngunit huli na ako dahil napulot na niya at binigay sakin.
"Page 50 ka na pala" ani niya. Tumango ako bilang pagsang ayon. At agad na kinuha sa kamay niya ang script " Thank you" at tumalikod para isara ang dressing room ko.
Pero mas nagulat ako ng sinasara din niya ang katabing room, tiningnan ko iyon
' Albert Martinez Dressing Room'
Alam kong nakita niya akong sumilip habang sinasarado niya at nakita ko ding bahagya siyang ngumiti. Na nagkunwari akong di ko alam na magkatabi kami ng dressing room.
"Yes, Beauty magkatabi tayo ng dressing room" bulalas niya kaya ngumiti nalang.
"Pinaglalapit talaga tayo eh noh? HAHAHA so una nako T-tito A" pagpapaalam ko sa kanya hindi ko na hinintay na sumagot siya. Humakbang na kaagad ako paalis. Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis akong mawala sa paningin niya.
Pero bakit ba iniiwasan ko siya? Bakit? Di ko din alam pero basta alam ko mawawala din to. Nadala lang yun sa emosyon niya kaya niya ako hinalikan.
"Beauty?" tawag sakin ng pamilyar na boses sa likuran ko. Dahan dahan kong nilingon si Tito A. Hindi ako nagkakamali.
"AH.. eh.. kanina ka pa po nakasunod?" ani ko baka kasi naririnig niya mga rants ko kanina. Pero pabulong lang naman yun.
"Hindi ngayon lang, tinakbo kita " agad na sagot niya sabay lahad sakin ang picture ni Norman. Nalaglag siguro yun sa script na nahulog ko kanina.
"Ayy salamat Tito A" sambit ko sabay kuha sa kamay niya ang picture.
"Magkasing-edad pala kami ng asawa mo noh?" sambit niya habang papunta ako sa parking lot kung nasang ang sasakyan ko.
Tumango ako bilang sagot. " Saan kayo nagkakilala?" dagdag niya. Bakit pa ako inuusisa nito? Bakit niya ba tinatanong?
Tumingin ako ng diretso sa kanya. "Tito A , I keep my marriage private" nauutal kong sambit.
Ayaw ko kasi talaga na pinag-uusapan ang marriage ko , si Norman. Kasi feeling ko ginajudge nila ako from choosing Norman lalo na sa edad niya. Bakit ba? Paki niyo palit kaya tayo? Hindi pa kami kinasal binaon ako sa mga bash dahil sa pakikipagrelasyon ko sa kanya. Inaamin ko naman na malayo talaga ang agwat namin regarding sa age. Bakit napipili ba kung sino dapat mahalin? Natuturuan ba kung sino lang ang dapat mahalin at kung sino ang dapat na hindi? Diba hindi!
Natahimik siya , kaya napayuko nalang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan ko.
"Beauty , sandali. Naoffend ba kita sa tanong ko?" pahabol niyang tanong.
"No, Tito A ayaw ko lang pinag-uusapan ang lovelife ko" agad na sagot ko sabay ngiti ata kaway sa kanya para isarado na ang pinto ng sasakyan ko.
Kita ko naman na kumaway din siya pabalik sakin kasama ang ngiti sa labi niya. Hanggang sa mapansin ko nalang ang sarili kong nakatitig na sa mismong mga labi niya.
At naalala uli ang nangyari nung isang araw. Kaya agad kong sinampal ang sarili ko para mawala ang ganong pag-iisip.
Bumusina ako bago tuluyang paadarin ang sasakyan at magmaneho na pauwi.
.
.
.
.
Habang nagmamaneho pauwi bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Hindi talaga ako sumasagot ng tawag or text or humahawak ng cellphone kapag ako ang nagmamaneho. Kaya nung dumating ako sa bahay. Agad kong tiningnan kung sino yung tumawag.
"Hala si Direk" sambit ko, bigla nalang akong napahawak sa ulo ko. Baka kasi subrang importante at umabot siya ng limang miscalls.
Kaya agad agad kong tinawag si Direk, at pasalamat naman ako na sumagot kaagad siya.
"Direk sorry, hindi ko nasagot kanina kasi nagmamaneho ako eh" agad na paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"It's okay Beauty, Gusto ko lang sabihin na bukas na tayo magsisimula ng shooting, please pakibasa ng script niyo. Ang scene niyo ni Albert ang start bukas. Message ko sayu ang venue and time please wag malelate ha?" napatango tango nalang ako. Grabe bukas na!
"Beauty ? Still there? Naririnig mo ako?" dagdag pa ni Direk ng mapansin niyang hindi ako sumagot.
"uhhmm- yes dear got it, No problem nabasa ko naman na ang script" agad na sagot ko.
Pagtapos ay nagpaalam na siya, and nacall ended na rin ng ilang segundo.
Bukas na yung shooting kaya ko kaya? Kaya ko kayang gawin ang scene na with Albert?
Ah trabaho lang walang personalan. Maya maya din biglang tumunog ulit ang phone ko pagtingin ko kung sino nagulat ako, si Tito A.
Nagdadalawang isip pa akong buksan pero wala eh binuksan ko parin.
*From : Tito A *
Hi, Beauty just to inform you bukas na daw yung shooting natin tinext nalang kita kasi di mo daw sinasagot ang call ni Direk. Ingat. Keep smiling
"ayy " agad na bulong ko sa sarili ng mabasa ang text. Expecting for more beauty? Nakuuu tumigil ka.
Nagreply nalang ako baka isipin niya na snobber ako eh.
*To: Tito A*
Thank you, likewise. :)
Matapos kung masend yun ay pumasok na ako sa bahay at nagworkout bago magbasa ng script.
Madalas kung gawin kapag nagwoworkout eh nagpopost ako ng picture of what I am doing.
At matapos yun ay nagpatuloy na ako sa pagwowork -out ilang oras na pahinga ay naligo at nagbasa na nang script.
.
.
.
Nang nabored ako at pinili mo na ipahinga ang mata sa kakabasa ng script tiningnan ko kung sino ang nakakita ng pinost ko. Hindi ko naman kinagulat na maraming pumupuso sa post ko. Pero mas nagulat ako ng makita ko ang pangalan ni Albert.
Tiningan ko pa baka poser lang pero parang siya talaga. Tiningnan ko kung finallo ko ba siya.
"Hala?Paan--o?Ayy oo nga may group chat" bulong ko sa sarili habang nakaupo sa sofa.
Finallow na niya ako, efollowback ko ba? Ayy wag na.. wag muna. Binalik ko sa kinalalagyan yun phone ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
-----------------------------
ALBERT'S POV
Nagbabyahe ako pauwi nang bigla kong napansin na parang may nagvavibrate sa kotse kaya tinigil ko muna sandali at hinanap kung ano iyon.
Cellphone ko pala tumatawag si Direk. Agad ko itong sinagot. Nakailang miscalls nadin naman kasi siya.
"Hello po direk sorry pauwi pa ako eh, nagdadrive" sambit ko pagkasagot ko sa tawag.
"Ah okay sige, just want to let you know bukas na ang start ng shooting natin. Sisimulan natin yung scene niyo ni Beauty bukas. " ani ni direk.
"Sige po direk, just send the venue and time " agad na sagot ko sa kabilang linya.
"Sinend ko na sa group chat natin sa IG, pero si beauty magkasama ba kayo? Kanina ko pa tinatawagan eh di sumasagot"
"Kanina direk, baka nasa byahe pa direk"
"Ah baka nga sige paki relay nalang sa kanya ang info, tatawagan ko nalang maya maya"
"Sige sige po direk Ingat"
Matapos yun ay nagcall ended na.
Nagdadalawang isip ako kung itetext ko ba si Beauty pero regarding naman to sa work so bahala na.
*To: Beauty*
Hi, Beauty just to inform you bukas na daw yung shooting natin tinext nalang kita kasi di mo daw sinasagot ang call ni Direk. Ingat. Keep smiling
Matapos kung masend yun hindi na ako umasa na magrereply siya. Kaya muli ay pinaandar ko ang sasakyan at nagmaneho uli pauwi.
Nang marating ko ang bahay, bumungad sakin ang anak ko nanonood ng TV. Tumabi ako at nakisabay sa kanya.
"How's ASAP dad?" pagtatanong ni Alyanna sakin sabay nguya ng popcorn.
"It's okay. Pinakilala lang kami para sa teleserye" agad na sagot ko.
"Napanood ko kayo daddy ha! Bagay kayo ni --" hindi ko na siya pinatapos at agad kong binara ang anak ko bago pa niya bigkasin ang pangalan ni Beauty.
"May anak at asawa yun dear" ani ko habang kinakapa yung phone ko sa bulsa ng pants ko.
Parang naiwan ko sa kotse , kaya tumayo ako at kinuha muna, at muling bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Pagkabukas ko sa phone ko bumungad sakin ang reply ni Beauty
*From: Beauty*
Thank you, likewise. :)
"Ayy daddy ha? Todo deny magkatext pala, hindi naman ako magagalit eh. Patingin" sabat ng anak ko habang pilit na sumisilip sa phone ko na pilit ko naman nilalayo.
"Daddy your hiding something from me" maktul ng anak ko. Napangisi nalang ako.
"Dear data privacy act, remember" agad na sagot. Pero mas nabara ako ng marinig ko ang sinagot ng anak ko.
"Bakit daddy? Bakit itatago kung wala naman?" napanganga ako tama nga naman bakit ko itatago sa kanya kong wala naman akong dapat itago?
"Sige na nga ito na " agad na sabi ko sabay pakita sa text ni Beauty, napangisi lang siya. At muling itinuon ang mata sa tv at nanood na uli.
Habang ako tiningnan ang group chat sa i********:. Tiningnan ang details para sa shooting bukas. Excited silang lahat pero nakita kong hindi pa naseseen ni Beauty.
Siguro hindi pa siya nagoopen ng IG niya. Maya maya lang nakita ko sa header account ni Beauty may parang something blue or what kaya pinindot ko.
At tumambad sakin ang picture niya,
"Nagwowork-out?" bulong ko sa sarili.
"Ano yun dad?" sabat na naman ng anak ko habang nakatingin pa din sa pinanonood niya.
"Nothing dear, manood ka nalang dyan" agad na sagot ko,
Tinitigan ko lang ang picture ni Beauty, kaya naman pala subrang sexy. Nang akmang ibabalik ko na sa home natap ko nang dalawang beses ang screen tapos biglang nagpop-up ang heart.
"HALAAAA! " napasigaw ako dahil sa nagawa
____________________
4:00 am ang call time para sa shooting kaya maagang nagprepare ang lahat at sa sobrang excited 5:00 am naroon na lahat ng cast na kailangan para sa 1st shooting at ganun din sila Beauty at Albert.
"Jean, samahan mo sila sa mga dressing room nila" paguutos ng Direk sa P.A niya. Sumunod naman kaagad ang mga cast
"Mag-ayos na kayo agad Beauty and Albert ha?" pahabol ni Direk Sineneng.
Tumango lang ang dalawa bilang sagot nila.
"Dito nga po pala ang dressing room niyo Tito A, at Ms. Beauty" sambit ni Jean sabay bukas ng tent na medyo may kalakihan, tama para sa dalawa.
Nandilat ang mata ni Beauty.." Sandali? Kaming dalawa?Dressing room yan naming dalawa?" bulalas ni Beauty habang tinuturo ang tent.
Tumango si Jean " Sabi po kasi ni Direk para po magkalapit kayo and sinadya po talaga kasi nga po diba loveteam kayo dito"
"Wala pang shooting malapit na yan sila" pang-aasar ni Dimples at naghiyawan na ang mga kasamahan namin.
"Shhh giaaaataaay , pero okay sige nalang uyy" wala ng nagawa si Beauty kaya pumayag nalang rin siya.
"Maiwan ko na po kayo Tito A , Ms Beauty" pagpapaalam ni Jean para ituro pa sa ibang cast ang kanilang mga tent
Nagkasabay ng pagpasok sila Beauty at Albert na siyang dahilan para matawa ang mga make up artist nila na nasa loob na.
"Nakuuu po masisira ang tent hindi kayo kakasya dalawa sa awang na yan Sir Albert" natatawang sambit ng isang make-up artist.
"Mauna ka na" sambit ni Albert at agad na dumistansya para bigyan ng way si Beauty.
"AHHHHHH ang gentleman" hiyawan ng dalawang make up artist na nasa loob.
Habang si Beauty ay napangiti nalang at pumasok na sinundan ni Albert.
Napansin ng dalawang make-up artist na may ilangan ang dalawa kay natahimik sila.
"ang tensiyon" mahinang sambit ng isang may hawak ng suklay. Habang ang isa kumikindat kindat lang.
Maya maya sumigaw na si Direk " Prepare na pleaseee magstart na tayo in a bit"
Kaya pareho silang tumayo at umupo pero sa di malamang dahilan ay kung saan sila uupo, at tila nagkakaharap sila twing humahakbang ang isa sa kanila.
"ayy eh sandali Sir Albert , Dito ka" agad na sambit ng isang make-up artist at pinaupo sa left side na upuan " At Ms. Beauty dito ka " at pinaupo naman sa may right na upuan si Beauty at maliit lang ang space na siyang naghihiwalay sa kanila.
Sa harapan nilang dalawa ang isang malaking salamain. Simula ng makapasok sila sa tent wala pa niisa sa kanila ang nagsasalita.
Habang minimake-upan si Beauty biglang kumatok si Jean.
" Hala, namake-upan na si Ms. Beauty kailangan niya muna ito isuot" agad namang napalingon kay jean ang lahat, habang winawagiway ang isang office attire.
"ayy make-upan na siya pero pwede naman eretouch" agad na sagot ng nagmake-up kay Beauty.
"sige retouch nalang, suotin ko nalang yan ngayon" sagot ni Beauty sabay kuha sa damit.
At akmang iaangat ang damit, nakita niya si Albert na nakatitig galing sa salamin. Tumitig si Beauty kay Albert na parang sinasabi na pumikit para makapagbihis siya.
.
.
.
"Tapos na diba?Sa labas nalang muna ako, para makapagbihis ka" agad na sagot ni Albert sabay tayo.
"Pero---" hindi na natapos ng nagmimake-up kay Albert ang sasabihin ng mabilis na lumakad si Albert palabas. Kaya napasunod nalang ito at sa labas ng pinagpatuloy.