CHAPTER 8

3239 Words
" Beauty? Albert? On set na please" bulalas ng direktor.  Tumango si Albert pabalik sa direktor. Maya maya din ay lumabas na si Beauty suot suot ang blue na polo at palda na medyo may kaiksian. Nakapusod ang buhok. Agad naman uli silang nagkatitigan. Humakbang papalapit si Beauty kay Albert. " Direk ready na sila" sigaw ng isang nagmake up sa kanila. Agad naman silang nilingon ng direktor na nuoy inaayos ang background para sa scene. Agad napakamot ng ulo ang direk ng makita sila. " Jeaaaaaan diba dapat wedding sceneee muna? Bat naka office na yan sila?! O siya sige sige.Follow me"  iritableng sambit ng Direktor. Sumakay sila sa isang van papunta sa isang venue pa sa navotas. Pagdating nila mabuti nalang prepare na ang venue. Nilibot ni Beauty ang mata sa paligid ng lugar. " Gooosh aacting na uli ako" bulong nito sa sarili. Kasabay pinaglapat ang kamay na parang nananalangin. " Wag ka mailangan sakin ha? Bati na tayo" Pabulong ni Albert habang sa nakatingin sa direktor ng diretso. "pleaseeee" dagdag pa nito na ngayon ay nakatingin na kay beauty. Inismidan siya ni Beauty at hindi kaagad nakasagot. "sige ka di ka makakaacting ng maayos " pananakot pa ni albert. Wala na ring nagawa si Beauty. " Sige na nga " Agad gumuhit sa mga labi ni Albert ang ngiti na abot tenga  " Thank you " bulong ulit nito. . . . " Parang nakakamabuting tayo dyan ah?" sambat ng direktor na agad namang napalingon silang dalawa. "Sige sige na , We will read the scene ha! After nito kayo na"  ani ng direktor kasunod ang pagdemonstrate kung saan si Albert at Beauty tatayo at pano ang galaw. . . . " Cuuut! So okay na ba? Beauty? Albert? Kung pwede 1 take lang tayo ha?" Tumango ang dalawa at nagkatinginan muli. . . . . Tinapos nila lahat ang scene sa office ng Camila. " So balik tayo dun sa naunang venue "  bulalas ng direktor. . . . Ilang minuto nga ay nakarating na sila. Naunang nakapasok si Beauty at agad na hinanap ang pamaypay. Habang si Albert agad na kinuha ang tumbler niya. " water?" sambit nito sabay lagay sa tapat na lamesa ni Beauty. " Salamat Tito A" Agad na tugon ni Beauty sabay bukas sa tumbler. At akmang iinum na sana si Beauty sa mismong tumbler. " Sandaliiiii " pagpipigil ni Albert kay Beauty. " Ito baso , nai---numan ko na kasi yan " nahihiyang sambit ni Albert sabay bahagyang kamot sa ulo. Tinitigan siya ni Beauty. " suus para naman di tayo nag---" hindi na iyon natapos ni Beauty ng pumasok si Jean para ibigay ang gown na susuotin ni Beauty. " Hala ka! Nakaistorbo ba ako?" agad na sambit ni Jean ng mapansin parehong nakatingin sa kanya ang dalawa. " Hi--hindi" pagsasabay pa ng dalawa. Napataas ang kilay ni Jean sabay ngiti at dahan dahang nilalapag ang gown malapit sa kinauupuan ni Beauty. " Sige po alis na ako ... u-usap na ulit po kayo" ani ni jean na kinukumpas kumpas pa ang kamay na habang palabas ng tent. . . . . Maya maya pumasok na ang dalawang make-up artist. . . At kinagulat nilang ang nakita nila. . . Nakatalikod si Beauty suot suot ang gown at nasa likuran nito si Albert sinasarad zipper sa likod nito. . . " Juskooo anong nangyayare dito?" agad na sigaw ng dalawang make-up artist. " Ayyy giataay" ani ni beauty sabay dali daling kuha ng unan na malapit sa kanya sabay bato sa dalawang sumigaw. Habang si Albert napatalon naman dahil sa gulat. " Kinabahan naman ako sa inyo" agad na sambit ni Albert ng mapagtantong mga make-up artist lang. " Halaaa sorry " agad na paghingi ng paumanhin ni Beauty. " Grabe ka Ms Beauty mapanakit" agad na bulalas ng make-up artist habang lumalapit at binabalik ang unan na binato sa kanya. Akma sanang yayakapin ni beauty ang make -up artist  pero natigilan ito dahil sa pag-uubo ni Albert. " Pero nagtataka kami po bakit kayo nakabihis na? Kanina ----- eh lumabas pa si Sir Albert para makabihis ka, so----- sir albert?!" pag-uusisa ng isa pang make-up artist. Agad nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumawa. " Mali yang iniisip niyo .. nakashirt ako so madali lang para sakin makapagbihis habang siya --" pagpapaliwanag ni albert " pinapikit ko siya,  pi--niringan para makapagbihis ako " dugtong ni Beauty. " Ahh " sabay na pagsang-ayon ng dalawa. " Yun nalang pala yun eh " ani ng dalawa sabay apir.. " Masyadong madudumi isip niyo ha" pagbibiro ni Beauty na siya namang dahilan para mapatawa nadin si Albert. . . . . "On deck na please" sigaw na naman ng direk nila. Kaya naman dali daling lumabas ang mga cast sa kani kanilang tent. At dahil sa pagmamadali naapakan ni Beauty ang laylayan ng gown niya na siyang naging dahilan para maout of balance siya  . . Mabuti nalang nasa unahan niya si Albert at agad niya itong nahawakan sa likod para di tuluyang mabagsak. "Okay ka lang?" agad na tanong ni Albert kay Beauty na nuoy inaayos pa ang gown para di maapakan uli. Tumango lang si Beauty "o-okay lang, muntik lang akong maout of balance" pagpapaliwanag ni Beauty. "Ako na nga " agad na sambit ni Albert sabay hawak sa laylayan ng gown ni Beauty  "Hindi ako na" pagpipigil ni Beauty "No I insist, di ka makakalakad ng maayos niyan" pagpupumilit ni Albert na wala naman ng nagawa si Beauty. Habang ang mga taong nasa likuran nila nagkakatinginan nalang.  . . . . Matapos ang scene sa simbahan parehong basang basa ang dalawa. At dali dali silang binigyan ng towel para ipangmunas sa katawan nila. Magkasabay sila Albert , Beauty at ang dalawang make-up artist nila ang tinutungo ang tent. Nang marating nila ang tent tumigil sa pinto ang dalawang make-up artist na siyang pinagtaka ng dalawa. "Huuuy ano papasok kayo o hindi?" ani ni Beauty habang hawak hawak ang pinto ng tent. "Dito nalang po kami baka makaistorbo po kami" pagsasabay ng dalawa sabay humalakhak. Napailing iling nalang si Beauty at kaagad ng pumasok at nagpunas ng muka at sa braso. "Drink water immediately Beauty para di ka magkasakit" sambit ni Albert habang umiinom ng tubig din. Habang pakindat kindat. Kinuha ni Beauty ang baso na nasa mesa sa harapan niya. Sabay angat  ng baso " Salinan mo Tito A , di ako nakadala ng water eh" bulalas ni Beauty na siya naman agad na ginawa ni Albert. "Sandali para ako nanunuod ng love story " bulalas ng make-up artist ni Beauty. "Naku kung wala lang asawa si Beauty subrang perfect na'' dagdag pa ng isa. "Shhhh we're just fri--friends walang malisya ano ba kayo " pagsaway sa kanila ni Albert. Agad naman silang nagsign na parang zinizipper at hindi na muling nagsalita. . . . Tinawag lahat ng cast  at agad naman silang nagsilabasan sa tent "Pack up na bukas uli, Pakibasa na ang script Allan and Dimples at Beauty and Albert marami rami na ang scene niyo dito so please prepare, Goodnight and ingat sa byahe lahat" ani ng direktor. Matapos yun agad na silang bumalik sa tent at inayos ang mga gamit pauwi. Naunang nakapag-ayos si Beauty at agad na sinikbit ang bag nito.  "Una na ako Tito A Ingat sa byahe" pagpapaalam ni Beauty sabay halik neto sa pisnge ni Albert. . . ALBERT'S POV Nandito na ako sa bahay nakahiga sa kama, at hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung paghalik ni Beauty sa pisnge ko. "Di naman yun bago sakin ah?Pero bakit parang iba nararamdaman ko?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. "Kailan to nagsimula?"dagdag ko pa. To be honest kakaiba tong nararamdaman ko sa co-actor ko. Pero ano? Nagpaikot ikot na ako sa kama ko, pero ayaw pa din akong dalawin ng antok kaya kinuha ko ang phone ko pero nagulat ako ng pagbukas ko, . . . Beauty_gonzalez started following you . . . Biglang kumabog ang puso ko na finallow na niya ako , agad akong napabalikwas ng bangon sa pagkakahiga ko, di ko alam anong gagawin,  . . Kaya nagmessage nalang ako sa kanya  Matapos yun ay ipinikit ko na ang aking mata, para makatulog na. --------- BEAUTY'S POV Maaga akong nagising ngayon dahil siguro maaga akong nakatulog kagabi. Subrang pagod siguro at galing naligo sa set. Tulog pa ang mag-ama ko, kaya nagluto nalang ako ng breakfast for them since I know na hindi ko na sila maiintay magising dahil 6:00 am ang call time namin ngayon. Nagluto ako ng , scrambled egg, bacon and prepare sandwich for my olivia. At matapos ay naligo na agad ako at nagbihis na. . . Nakasuot ako ng plain white shirt, maong na pants at pink na jacket at sunglass. Humalik ako sa mag-ama ko bago ako umalis. . . At matapos ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko at nagmaneho na.Sanay ako na habang nagmamaneho nagpapamusic ako kinakapa ko iyon sa bag ko habang pinipihit ang susi ng sasakyan. "Bakit wala?" ani ko sa sarili kaya bumalik ako sa kwarto namin at doon nga naiwan ang phone ko. Kaya kinuha ko iyo at agad ng bumaba para makaalis na. Medyo malayo ang venue ngayon kesa sa venue namin kahapon. Sinaksak ko ang chord sa phone ko para makapamili na ako ng kanta ng makita ko ang notification . . albertmartinezph message you . . Natawa ako sa kanya pero speaking of water nakalimutan ko na naman kaya napasapo ako sa ulo ko. Pero mabuti nalang may nadaanan ako convenience store, kaya huminto muna ako at bumili ng bottled water. Matapos ay dumiretso na sa venue namin. Pagkarating ko sa venue marami tao na pinagtaka ko habang nagpapark ako ng sasakyan ko. "Anong meron?" bulong ko sa sarili. Bumaba ako ng kotse dala dala ang gamit ko at yung binili kong water sa store. Agad kong nakita si Tito A nakaupo kaharap ang isang press ata.. Minimake-upan siya. "Good morning Tito A" bungad na bati ko kay Tito A sabay halik sa pisnge niya. "Good morning too beauty " sagot niya na may pakindat pa.  Ang aliwalas ng muka niya ngayon, nakarami ata ng tulog. "Ms. Beauty bumati po muna kayo dito " pagtawag sakin nung staff ata yun. Kaya kumaway ako at nagflying kiss kailangan ko na din kasi magbihis kasi ako ang unang scene. . . . . Nang matapos ang scene ko with Allan dumiretso na ako sa tent namin ni Albert. At kasalukuyan siyang minimake-upan. "Tito A sino yung mga press kanina?" pagtatanong ko habang umiinom ng tubig. "Abs-cbn yun nakikibalita" agad na sagot sakin ni Tito A. "Nga pala sayu yang water na nasa pink na tumbler" dagdag pa nito. Medyo nahiya ako. Talagang binilhan niya pa ako ng sariling tumbler. Tinitigan ko lang iyon at nakita ako ni Tito A. "Di mo ba gusto yung kulay ng tumbler?" dagdag na pagtatanong niya. Kaya agad agad kong kinuha at binubuksan. "Hindi a' maganda nga nakakababae masyado" sambit ko sabay ngiti at inum dito. "Nga pala Tito A I'm sure isa sa tanong nung press kung kailan ka magpapakasal noh?" pag-iiba ko ng topic. "Oo nga eh lagi lagi nalang" agad na sagot niya. "bat kasi ayaw mo pa magpakasal Tito A" agad na bulalas ko habang kinukuha ang damit na susuotin ko sa next scene. "Soon na kapag pwede na" sagot niya habang pangiti ngiti pa. Medyo natataka ako sa sagot niya. "Ha?Eh pwede ka naman na matagal na" pag-uusisa ko.. . . "Beauty on deeeeck !" dinig kong sigaw ng direk namin. "Ay una na ko tito A, " pagpapaalam ko bago lumabas. "Tubig mo!" pahabol niya pero wala na akong time balikan kasi nandun na lahat nakakahiya mahuli. ALBERT'S POV "Albert on deck" sigaw ng direktor namin siguro tapos na ang scene nila Beauty at Allan. Scene na namin ni Beauty ngayon , the first kissing scene namin. First nga ba?  Napapailing nalang ako sa twing naiisip ko yun. Ang venue namin ay nasa park , ito ang scene sa kwento na sasagutin na ni Romina si Albert ay este si Robert pala. Kasi naman magkatunog kami ng pangalan. Nauna akong nakaupo sa bench kung saan kami kukunan ng scene habang si Beauty nagbibihis pa. At ilang oras din ay dumating na siya. Umupo sa tabi ko , siguro wala siyang alam sa scene dahil pangiti ngiti pa siya sakin habang nasa malayo. Medyo kinakabahan ako , na parang ewan . "So Albert and Beauty ang scene niyo dito is magkikiss kayo---" hindi pa natapos ni direk  ang sasabihin ay expected ko na na magrereact si Beauty. Pero parang nabigla ako sa sinasuggest niya. "Direk can we fake it?" sambit niya. Pekein?Ganun di naman magkikiss pa rin kami. Tumango si direk, at dahil nga medyo marami rami na akong nakakakissing scene ang iba pinipeke at ang iba totohanan so medyo madali lang pero hindi parin yun assurance na di maglalapat ang lips. "We'll fake it , okay?" bulalas niya sakin. Tumango ako kaso nabigla ako ng biglang sumigaw si direk ng "Action" grabe agad agad. "Direeek wait lang pano ba namin epepeke ang kissing scene?" parang mali ata ang pagtatanong ko kasi pinandilatan ako ng mata ni Direk. "Albert sa dami ng nakakissing scene mo, ngayon ka pa di marunong?" agad na sagot sakin ni Direk. Hindi na ako sumagot baka kasi iba na sabihin kaya ngumiti nalang ako at kinausap si Beauty. "Sandali direk ha, orient ko lang siya paano baka kasi magbugbog ako neto mamaya baka matotoo" "Sige water break muna 15 mins" sigaw ni Direk sa ibang staff habang kami ni Beauty nag-iisip pano epeke. "Sige ganto beauty ha? Pano ba to, sa kissing scene na dapat yan--" sambit ko sabay turo ko sa labi niya. "Yang lips mo dito sa baba ng lips ko tas yung lips ko sa taas ng lips mo para di maging totoo ang --" hindi ko na natapos ang sasabihin dahin inirapan na niya, umaattitude na naman ang beauty. "Basta don't worry gagawin ko lahat para maging to--peke " nadulas pa ata ako. Uminom ako ng tubig, at nakita ko ding uminom siya ng tubig sa binigyan kong tumbler sa kanya. "Ready na?" pagtatanong ko sa kanya. "Wag mo na ako tanungin, kala mo naman first time" agad na sagot niya. Ah kung totohanin ko nalang kaya? "Ready na Albert?Beauty?" agad na tawag samin ni Direk, tumango kaming dalawa. ''Sige.. 1..2..3.. Action" . . "Binuo mo ko" yan ang line ko. "Tulad ng pagbuo mo sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin hindi ko akalain na may isang lalaki na matiyagang patunayan na mahal niya ako , na kayang tanggapin ang anak ko na parang sa kanya, salamat Albert--- hala giataaay!" "CUUUUUT!!!! Romina!Robert hindi Albert! Take 2!!" sigaw ng direk namin. Pinipigilan ko nalang matawa para di na makatake three. "From the top .. Action" "Binuo mo ko" "Tulad ng pagbuo mo sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin hindi ko akalain na may isang lalaki na matiyagang patunayan na mahal niya ako , na kayang tanggapin ang anak ko na parang sa kanya, Salamat -- Robert" "Wag kang magpasalamat" "Hindi lang yun ang sasabihin ko" "Mahal kita, mahal kita" at yun na nga ang hudyat para sa kiss. Ang sabi sa script sa subrang saya ni Robert agad agad niyang hahalikan si Romina, kaya yun nga ginawa ko, agad agad kong hinawakan ang muka niya palapit sa muka ko para halikan. . . Pumikit ako at pinasa langit nalang kung mapepeke ba namin.. . . At oo nga napeke namin, nangyari ang pinagplanohan namin kanina.  "Cuuuut! very goood next scenee" at marinig namin yun dali dali kaming naghiwalay. Ngumiti siya. Katulad nung ngiti niya nung hinalikan ko siya sa cementery. Matapos yun dumiretso na kaming dalawa sa tent namin, at bumungad samin yung baby cassie sa teleserye. Siya kaagad ang dali daling lumapit sa bata at kinuha ito sa nanay. "Ang cute" sambit niya. At nilapitan ko din ang baby at hinimas himas ang braso nito. "Hala bagay" bulalas ni Dimples na nuoy napasilip lang na siya naman kinagulat namin dalawa. Tapos na kaming magscene kasama ang baby kanina, at halos buong scene siya yung may hawak ng baby. "Fond ka talaga sa baby noh?" pagtatanong ko habang karga karga niya si baby cassie.At ako umiinom ng tubig. "Yeah Tito A subrang happy ko nga nuon nung pinanganak ko si Olivia, napakafulfillment"agad na sagot niya. "Bat di kayo magbaby ulit ni Norman?" pabiro kong tanung na tinitigan lang naman niya ako "Saka na pagkinasal ka na Tito A, magbaby kami ni Norman" sagot niya na patawa-tawa pa habang binabalik sa nanay ang baby na karga niya kanina. "Naku beauty , puputi muna ang uwak kaya ikaw magbaby na kayo baka--" hindi ko na natuloy baka masampal ako at madagdagan ko pa mga kasalanan ko sa kanya. "Tito A narinig ko yun anong baka?" "Sabi ko baka mamenopause ka na di madagdagan si Olivia" ani ko para di na siya magtanong. Pinangpahinga kami ni Direk at kinunan muna yung mga scene na walang kaming dalawa. At ang dalawang nagmimake -up samin nandun sa labas para sa ibang cast. Naiwan kaming dalawa ni Beauty sa loob ng tent. Nakaupo ako sa isang monoblock chair at ang mga paa ko ay nasa isang monoblock chair din habang si Beauty nakahiga sa folding bed na malapit sa kinauupuan ko. Yakap yakap niya ang isang unan na maliit, nakatagilid siya nakaharap ang muka sa side kong nasan ako nakaupo kaya kitang kita ko ang muka niya habang natutulog. Kinuha ko ang scarf na kulang bluegreen at akmang itatakip ko sa muka ko para makaidlip ako sandali, nakita ko si Beauty na parang nilalamig kay imbes na itakip ko yun, kinumot ko nalang sa kanya. Tumayo ako sa pagkakaupo at nilagay sa kanya ang scarf, inayos ko din na makumutan yung braso niya. At dahil dun nasa harap ko na ang muka ni beauty na natutulog. Nakatitig lang ako sa muka niya. "What makes you so different from my other leading lady?" bulong ko habang marahang hinahaplos ang buhok niya. "Mahal na ba kita?o paghanga lang to?" dagdag ko pa habang tinititigan ang mga mata niyang nakapikit, mga labi. "It's been a long time since I felt this kind of feeling again"  "Thank you for letting me feel this, beauty Thank you" ani ko.  Tumayo na ako at muling umupo sa kinauupuan ko kanina. Kumuha nalang ng isang damit ko para itakip sa mga mata ko.. . . . At nakaidlip nga ako paggising ko wala sa tent si Beauty at yung unan na yakap yakap niya kanina nasa ulunan ko at yung scarf na kinumot ko sa kanya nakakumot na din sa akin. Inikot ko ang mga mata ko, at lumabas sa tent at doon nakita ko si Beauty nakaupo sa isang monoblock at pinapanood ang mga scene. Tumatawa tawa, subrang saya niya. Kaya nag-ayos ako at sumunod sa kinaroroonan kung nasan si Beauty. "Uyy Good morning Tito A" natatawa niyang bungad sakin. Kaya napatawa nalang din ako "Salamat " bulong ko sa kanya. "Wala yun tito A kinumutan mo din naman ako kanina" sa sagot niya hindi kaagad ako nakasagot tila ba nagloading yung sinabi niya . . So ibig sabihin narinig niya lahat ng mga pinagsasabi ko kanina? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD