CHAPTER 9

2484 Words
BEAUTY'S POV   Papungay pungay akong gumising sa pagkakaidlip ko sa folding bed na hinihigaan ko at humihikab pangbumangon agad kong nakita si Tito A na natutulog sa dalawang monoblock, nakalaylay ang ulo. Kaya dali dali kong nilagay sa ulo niya ang unan kong pangtravel sa leeg niya at kinumot sa kanya ang scarf na pinagtataka ko din bakit nakumot ko yun na nasa ulunan ko yun kanina. Matapos ay muli akong umupo sa folding bed, gusto ko sanang ilipat siya kasi naaawa ako sa posisyon niya sa pagkakatulog kaso di ko siya kayang buhatin kaya wag nalang tutal maayos naman na yung ulo niya. Nakaupo lang ako hanggang sa mapansin ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa muka niya. "You know what Tito A? Nung hinalikan mo ako sa gusto kitang sampalin pero hindi ko kaya eh" bulong ko habang tinititigan lang siya. "Kung alam mo lang na die hard fan mo ako , super crush na crush kita , sabi ko pa sa sarili ko dati gusto ko ikaw yung mapapangasawa ko" "Gusto ko mang ipakita sayo na gusto kita, na subrang saya ko na nakikita at nakakasama na kita ngayon kaso may asawa't anak ako, ayaw kong mahulog sa isang bangin na ako lang din yung masasaktan sa bandang huli" ani ko sabay marahang hinaplos ang kanyang muka. "Kung sino man yung susunod na mamahalin mo support nalang ako, pero mananatili yung halik na yun sa alaala ko at --- hindi ko yun pinagsisihan" sambit ko sabay marahang hinaplos ang buhok niya. Subrang babaw ng luha ko kaya habang nageemote ako sa natutulog na muka ni Tito A ay nararamdaman ko ang mga luhang nasa gilid ng aking mata at ilang segundo nalang ay papatak na iyon. Kaya lumabas nalang ako at nanood sa shooting. Maya maya lang ay nagising nadin siya. Lumapit siya sa kinaroroonan ko binibiro ko pa. Sumabay siya sa panonood namin ibang mga cast. Mga ilang oras din ay pack-up time na and as usual ako yung nauunang makapag-impake kesa kay Tito A. "Tito A pano ba yan ako na naman nauna" pabiro kong paalam sabay halik sa pisnge niya at siya naman ay yakap sakin. Marahil nagtataka kayo bakit parang okay lang sakin knowing na hinalikan ako ni Tito A  sa cementery, Oo hindi siya okay pero wala na rin naman akong magagawa eh tapos na. At hindi ko naman masisisi ang tao.  Tsaka alam niyo na ehem :) Albert Martinez na yun! Matapos kung magpaalam agad akong dumiretso sa kotse ko, nilagay ang mga gamit ko at sumampa na para makauwi. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa venue kung saan kami nagshootin bigla nalang huminto ang kotse ko wala na palang gasolina. Binaba ko para tumingin kong may malapit na gasoline station pero mas nagulat akong makitang flat din pala ang gulong ng sasakyan ko sa bandang likuran.SHUUUCK!Pagminalas ka nga naman. Habang mano-mano kung tinatanggal ang gulo nagulat nalang akong may bumusina sa likuran ko. Nang lingunin ko si Tito A pala. Hayy salamat hirap pala maging mekaniko. "Anong nangyari?" agad na tanong niya. "Naubusan ng gasolina and naflat" sagot ko sabay turo sa gulong na kanina ko pa tinatanggal  "Sandali ako na diyan" agad na sambit niya habang pinapark ang sasakyan niya sa likuran ng sasakyan ko. Agad naman akong napatayo at hinintay siyang lumabas sa kotse niya. Ilang segundo lang ay lumabas na siya dala dala ang isang briefcase , naintriga ako yun pala mga tools lang . Tiningnan ko lang siyang tinatanggal ang gulong at wala pang isang oras natanggal na niya iyon. Agad niya itong pinagulong gulong papunta sa kotse niya na pinagtaka ko. "Sandali Tito A ako na magtataxi nalang ako" habol ko sa kanya baka naman kasi sa ibang lugar na naman kami mapunta at huminto. Mahirap na! "Dont worry malayo ang puntod ni misis dito at tsaka mabigat to hindi mo to kayang bitbitin kaya halika na!" pagpapaliwanag niya habang nasa di kalayuan. "Ano yun tito A? halikan na?Wag ganun!Magtataxi nalang talaga ako" pabirong sagot ko sa kanya. Napangiti nalang siya at di na tumugon. "Sige ipaalala mo gusto mo ba?" aba lumalaban atapang a tao indi atakbo ha! Napailing nalang ako at agad na kinuha ang mga gamit ko at nilipat iyon sa kotse niya at nilock yun. "Tito A pano tong kotse ko baka pagbalik ko gulong nalang matira" "Wag kang mag-alala binilin ko na dyan sa harap " agad na sagot niya , boyscout ka?Laging handa. Agad naman akong napatingin sa harap. Kapareho ng name ng cafe na kinainan namin nung nagwoworkshop pa kami. Hindi ko nalang yun pinansin at agad na naglakad papunta sa kotse niya. Nostalgia? Aww baka may naaalala lang eheeem! Una kong binuksan ang backseat na pinto, kasi balak kong doon lang umupo pero doon niya pala nilagay ang gulong so wala talaga akong choice kundi umupo sa tabi nya. Katabi ng driver's seat. Bubuksan ko na sana ang isang pinto sa may driver's seat pero naunahan niya ako at siya na ang nakapagbukas for me. Kaya umupo nalang ako "Thank you Tito A" Matapos yun ay umikot siya at binuksan ang kabilang pinto at sumakay na siya. "Matagal na ba yang gulong ng kotse mo?" panimula niya dahil alam niyang hindi ako nagsasalita pag di inuunahan, "Hindi ko alam Tito A -- eh" nahirapan pa akong bigkasin kasi ba naman parang "A" " E". "Teka nga bat nga pala Tito ka ng tito sakin pamangkin ba kita?" natatawang tanong niya sakin, oo nga naman bakit ba ako tito ng tito di ko naman siya kasi kaano-ano. Ano ba kasi dapat? "Albert nalang " dagdag pa niya sabay ngiti "Wow ha, First name basis tayo" agad na bulalas ko. "Sige ka pagpinagpatuloy mo yung kakatito mo baka matawag na kitang pamangkin" ani niya. Napatango nalang ako sabay ismid. Maya maya lang narating na namin ang vulcanizing shop. Binaba niya ang gulong para ipaayos. Inusisa iyon ng mga mekaniko, " Naku po kailangan niyo ng bumili ng bagong gulong subrang luma na po to" agad na sambit ng nagchecheck sa gulong.  "May binibinta po ba kayong kapareho niyan na gulong?" agad na tanong ko. "Meron po"  "Ah sige sige kunin ko, pero pwede ba na kayo na rin maglagay pabalik sa kotse ko?" ani ko subra ng abala kong si Tito ay Albert pala ang magbabalik. "Ako nalang Beauty, madali lang yan" agad na bulalas ni Tito ay Albert nga kasi Albert! "Sure ka?" pagdududa kong tanong. "Ofcourse dati kaya akong mekaniko kung di nga ako artista ngayon baka mekaniko ako " sagot niya hindi ko alam kong nagbibiro ba siya o totoo kasi walang halong joke yung muka niya habang nagsasalita eh. "Sure ka ha? Sige sige" paguulit ko. Tumango siya " Palagay nalang po sir sa sa kotse salamat po" . . . Matapos malagay ang gulong sa kotse niya binalikan na namin ang kotse ko. Agad niyang pinagulong gulong iyon papunta sa sasakyan ko at binabalik ang gulong. Kita kong medyo nahihirapan siya, dahil na rin sa mga pawis niya na para na siyang naliligo. Kaya kumuha ako ng tshirt ko sa kotse niya. "Oh" agad na sabi ko sabay lahad sa kanya ang white tshirt na suot kanina. "Ano yan?" pagtatanong niya sakin habang nakatingin sa tshirt ko. "lagay mo sa likod mo pawis na pawis ka na" nauutal kong sambit sa kanya. Nakangiti siyang kinuha iyon at nilagay sa likod niya. "Thank you" agad na sagot niya. ALBERT'S POV Matapos ko ayusin yung gulong ng kotse niya, kinua ko na din yung tali ko sa kotse para itali yun dahil di parin naman makakatakbo dahil walang gasolina. "Done" sambi ko sabay pagpa sa damit ko at sa mga kamay. "So lipat na ako?" tanong niya sakin sabay bahagyang ngiti. "No, ikaw magdrive sa kotse ko ako magdadrive sa kotse mo" ani ko para siguraduhing safe siya baka kasi kung anong mangyari, baka hindi siya marunong magdrive sa sasakyang di naman umaandar. "No, Ti--Albert ako na hindi ako marunong sa kotse mo. Vintage, vintage pa naman" pagrereklamo niya. "Pero marunong kang magdrive sa sasakyan na hinihigit muna?" pagtatanong ko. Tumango siya kaya sumang-ayon na lang din ako. "Basta wala kang aapakan na kahit na ano sa paanan mo ha? " "Iwan mo muna gamit mo dito sa kotse mamaya mo na kunin tulungan na kita" dagdag ko. Ngumiti lang siya at tumango. Napaka smiling ba netong babaeng to! Matapos ay lumabas na siya sa kotse at lumipat sa kotse niya. Nasa unahan ang kotse ko at nakikita ko sa side mirror si Beauty. Dahan dahan kong pinaandar ang kotse at nagmaneho ng marahan papunta sa malapit na gasoline station. Ilang minuto lang ay naratin na namin iyon, at habang nagpapagasolina siya nililipat ko na ang mga gamit niya sa kotse niya, tinatanggal na din ang tali sa kotse niya. "Thank you--- albert" bulalas niya habang nagiintay mafull tank ang kotse niya. "Welcome Oh I forgot" ani ko nang maalala kong nasa likod ko pa yung damit niya. Agad ko itong hinugot at binigay sa kanya para ibalik. "There, thank you dyan" ani ko sabay ngiti pero napakunot ang noo niya. "Luh?You kidding me Albert?Ibabalik mo sakin na may mga pawis mo?" ani niya sabay hinawakan ang laylayan ng damit. "basa pa ng pawis mo nga oh" dagdag pa niya na tumatawa tawa pa. "Bakit?Ayaw mo nun?Mabango naman a " ani ko sabay inaamoy ang damit na hawak hawak ko. "Wow ha! Labhan mo kaya muna kunin ko nalang bukas " sagot niya kaya binalik ko nalang sa likod ko yung t-shirt niya. "Okay"sagot ko sabay bahagyang ngumiti. "So let's go na?" pag-aaya niya habang tinuturo ang kotse niya at kotse ko. Nag-aayaa na siyang umuwi. "Sige, see you tomorrow" paalam ko sa kanya at akmang yayakap pero napagtanto kong amoy pawis ako. Kaya wag nalang. Humakbang na ako at kumaway na sa kanya. At tumalikod na kami sa isat-isa , hindi pa man ako nakakalayo ay nilingon ko siya at nakita kong nilingon niya din ako pabalik "Pwede akin nalang?" pahabol ko sabay wagayway sa damit niya. Ngumiti siya sabay tango bilang pagsanga-ayon. Matapos yun ay sumakay na ako sa kotse ko at sinusundan siya, para masure na safe siyang makakauwi.Sinundan ko siya hanggang marating niya ang bahay nila. At alam kong alam niyang sinusundan ko siya, paggbaba siya sa sasakyan ngumiti siya at kumaway , ako rin naman pabalik bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila. Habang ako nagpatuloy bumyahe pauwi ng bahay. Nang marating ko ang bahay as usual ang anak ko ang unang bumungad sakin. "Good evening dad " ani niya sabay halik sa pisnge ko. "Good evening too dear, maliligo muna ako pawisan ako eh" sagot ko sabay halik sa noo niya. Matapos yun ay naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Nang mapahinto ako. "Dad?Wait! Ano yang nasa likod mo?" pagtatanong niya sakin. Oo nga pala nasa likod ko pa yung damit ni Beauty. "Ah ito? T-shirt --tshirt ni tita beauty mo" nauutal na sagot ko sa anak ko. "Dad? Tita? as in Ti-Ta? are you guys dating and you didnt tell me?" sagot ng anak ko nakataas pa ang kilay. "No, dear wala, we're not dating, naflat yung gulong niya kanina while pauwi nadaanan ko so tinulungan ko , inayus ko and she offer me this to wipe my sweat "pagpapaliwanag ko sa anak ko na nuo'y nakakibit balikat. "Too much explanation dad, you can go dad" ani niya sabay halakhak. Hindi ko alam kong sa pagpapaliwanag ko eh naniwala ba siya sa sagot niya o nang-aasar lang. Eto talagang anak ko. "I know that look dear!I know that" bulalas ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. "And I know that your inlove dad, I know that" pang-aasar pa lalo ng anak ko na tinawanan ko nalang. Am I really inlove with Beauty? Pagkapasok ko sa kwarto agad kong nilagay sa laundry box ang t-shirt ni Beauty. Matapos ay naligo na agad, naamoy ko na ang pawis ko.Matapos ay nagbihis at umupo sa kama. Sa di malamang dahilan bigla kong naalala yung nangyari kanina, yung t-shirt kaya kinuha ko iyon sa laundry box at tinitigan " Anong meron ka? " bulong ko sa sarili na tila kinakausap ang damit ni Beauty.. . . Agad naman akong napalikwas at dali daling tinago ang shirt na hawak hawak ko sa ilalim ng unan ko. Nang biglang pumasok si Alyanna sa kwarto ko. "Dad what's your plan for tomorrow?" pagtatanong niya na siyang pinagtaka ko. Anong meron bukas? Bakit kailangan pagplanuhan? Napansin yun ng anak kaya siya na sumagot sa tanong niya. "Dad! It's your birthday tomorrow , forgot it?" at napadilat ako at tumingin sa calendar April 19 na pala.Nakalimutan ko na ang sarili kong birthday. Napangiti nalang ako para itago na talagang nakalimutan ko. "Just a simple family dinner dear" sagot ko pero parang hindi ata yun ang plano niya. Kumunot ang noo at muling napahawak ang dalawang kamay sa bewang niya. "No dad, We'll have a house birthday party for you and please invite KG cast specially 'tita'-- Beauty " ani niya na nakaemphasis pa ang word na "tita", napangiti nalang ako at di nasumagot napatango tango nalang na tila sumasang-ayon sa kung ano mang plano ng anak ko. BEAUTY'S POV Pagkauwi ko ng bahay agad akong dumiretso sa kwarto ng mapansin kong wala sa sala ang mag-ama ko, at ng marating ko ang kwarto nandun nga sila naglalaro. "Oh Good evening my loves" agad na bati ko sabay bati sa kanila at halik sa pisnge ng asawa at anak ko. Binaba ang bag ko at umupo sa kama " Mommy is here" dagdag ko agad naman akong niyakap ng anak ko. Nagbihis ako at bumalik para makipaglaro sa mag-ama ko. At nang mapansin kong inaantok na ang anak ko ay pinatulog ko nalang din. "So how's the day of my beautiful wife?" paglalambing ng asawa ko na hinahalik halikan ako. " stressful  but still a happy day " agad na sagot ko. "I miss you so much " ani niya while kissing my cheeks, ano kaya nakain ng asawa ko ngayon? "And I miss you too" ani ko sabay pisil sa dalawang matatabang cheeks niya sabay halik sa kanya. Agad akong napatigil ng bigla kong maalala yung sa cementery. "Kakain muna ako love" pagpapaalam ko sa kanya kaya agad akong bumaba at kumain , ewan ko ba bat biglang nagrewind. Kaya kinain ko nalang at habang ngumunguya binuksan ko ang phone ko at agad na dumiretso sa i********: account ko para magscroll scroll muna, pampapatulog. At nagulat ako ng makita na ang daming mga post about Albert greeting him. "Birthday niya, bukas?" napaisip ako wala naman siyang nabanggit kaya akala ko fake news lang. Nagscroll pa ulit ako pababa pero ng makita ko ang post ng isang artista naconfirm ko na birthday niya nga bukas. "I have to surprise him"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD