CHAPTER 10

2879 Words
BEAUTY'S POV Maaga akong nagising pero mas maaga parin ang asawa ko. Nakita ko siyang nagluluto ng breakfast namin. Kaya agad nalang na naligo ako at bumaba na din para kumain. "Good morning love" agad na bati ko sabay upo sa hapag-kainan para makakain na. "By the way bagong bili mo yung tumbler na pink love?" pagtatanong niya. Bigla naman akong natigilan dahil hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya na binigyan yun ni Albert o magsisinungaling ako sa kanya pero hindi, hindi ako magsisinungaling sa kanya. "Ah yun? Bigay yun ni Al--Tito A kahapon sakin" sagot ko at agad napansin kong nag-iba kaagad ang timpla niya. Pero hindi ko nalang baka magtalo pa kami , huhupa din naman to.  Kaya nagpatuloy ako sa pag-kain na parang walang napansin. Nang matapos na akong kumain agad kong kinuha mga gamit ko at susi ng sasakyan ko. "Punta na ako sa shooting namin love" pagpapaalam ko sabay halik sa pisnge niya. Subrang napansin ko na nagtampo siya o nagalit dahil wala siyang imik ng magpaalam ako. Sumakay na ako sa kotse at kumaway pa pero hindi siya tumugon kaya ngumiti nalang ako. At habang nasa byahe papunta sa venue ng shooting namin mabuti nalang nadaanan ko ang isang bake shop at naalala ko na birthday pala ni Albert ngayon. Kaya humito ako at bumili ng cake for him. At dalawang party poppers.  Matapos kong bumili dumiretso na ako sa venue ng shooting. Pagkarating ko doon maraming tao, may mga dalang mga tarpaulin para kay Albert nakatshirts pa siguro mga fans niya. Habang nasa malayo ako kita ko ang saya ni Albert habang nakikipag-usap sa mga fans niya. Kaya tinago ko muna ang cake na dala ko at dumaan na parang di ko alam na birthday niya. Maingat kong tinago iyon  ng maayos sa likod ko para di niya makita, at dali daling dumiretso sa tent namin. Nagulat pa ako ng makita ang dalawang make-up artist na nakaupo sa loob. Sabay kaming naghiyawan. "Shhhh" agad kong pagpapatahimik sa kanila para di mabulilyaso ang plano kong surprise kay Albert. Matapos kong maorient ang dalawa at maayos lahat sa loob ng tent, lumabas ako ng tent at umaacting na parang walang alam. "Good morning ti-ay Albert" agad na bati ko ng makasalubong ko siya papunta ata siya sa tent namin. "Good morning too beauty" bati niya pabalik sakin sabay halik sa pisnge ko. "Albert bakit madaming tao?Anong meron?" pagtatanong ko para maisakatuparan talaga ang surprise. At matapos kung itanong yun napansin kong napayuko siya at ilang minuto bago nagsalita. "Wala mga fans ko lang dumalaw" nauutal na sambit niya "Ah okay " maikli kong sagot matapos yun ay tumalikod na siya at tinungo na ang tent namin. Dahan dahan kong sinundan siya at inintay na makapasok siya sa tent. At nang makita ko ng pumasok na siya ,patakbo akong pumunta sa tent. Pagkapasok ni Albert kita ko pang napabalik siya sa pinaggalingan niya pagkabukas niya sa pinto dahil siguro sa party poppers na inutos ko na iputok pagkapasok ni Albert sa loob ng tent. "Happy Birthday , kala mo di ko alam ha?" pagbati ko sa kanya . Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Bigla niya akong kinabig palapit sa kanya at mahigpit na niyakap at akmang hahalikan ako at natigilan ng biglang magsalita si Direk na nasa pinto ng tent "Hala?Ano to ha? Beauty? Albert? may dapat ba kaming malaman?" ani ni direk na nakapamiwang pa. "Ha?Wala to direk , sinurprise ko lang kasi nga diba birthday niya" pagpapaliwanag ko habang nakatingin kay albert at sa mga taong nakatingin sa amin ngayon. Bakit kasi yumakap pa? Eh simple surprise lang naman yung ginawa ko ito tuloy puno kami ng kansyaw sa mga cast sa twing makikita kaming magkasama. 3:00 ng hapon ng matapos kaming magshoot at ang remaining time ay sinecelebrate namin para sa birthday ni Albert sabay sabay naming kinain ang cake na dala ko at ang mga hinanda ng mga fans ni Albert. "By the way guys, my daughter prepare a house birthday party tonight hope you all can come" ani ni Albert. "Oo naman pupunta kami" agad na sagot ng lahat. Matapos naming kumain, nagpack up na kami. "Beauty, punta ka ha?Ikaw yung gustong gusto makita ni Alyanna" sambit ni Albert na siya namang dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Magpapa-alam muna ako sa asawa ko Albert" ani ko at umupo muna sa folding bed at tinext ang asawa ko --To My Husband Love, I'll be late. Birthday kasi ni Tito A eh nagyaya dont worry lahat ng cast naman ng KG. I love you Hinintay ko na magreply siya at maya-maya din ay nagreply na din. --From My Husband Okay love, take care Nang madinig yun ni Albert agad siyang tumingin sakin na parang nagtatanong kung pumayag ba ang asawa ko. At tumango ako sa kanya, at pagkasagot ko nun sa kanya agad gumuhit sa mga labi niya ang isang ngiti. Pero hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko kung magiging masaya ba ako o hindi. Lalo pa na kanina eh may di kami pagkakaunawaan. Pero ayaw ko din namang madisappoint sakin si Albert lalo pa't birthday niya. Babawi nalang ako sa kanya! "Tara na?" pag-aaya ni Albert. Tumango ako at agad sinikbit ang bag ko na di naman ganun ka bigatan. "Ako na" ani niya sabay hawak sa bag na dala dala ko. "Ako na Albert uyy" sagot ko pero talagang mapilit siya kaya binigay ko nalang din. Habang naglalakad kami papunta sa kotse namin, palihim ko siyang tinitingnan. At agad napapabuntong hininga  Beauty may asawa ka! Magkaibigan lang kayo! Nang marating namin ang mga kotse namin kinuha ko sa kanya ang bag. "Susundan lang kita " ani ko bago ako sumakay sa kotse. Tumango nalang siya at sumakay na din sa kotse niya. Habang nasa byahe ko, tinatanong ko pa rin kung ano talaga tong nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan. Nalilito na ako. Maya maya lang narating na namin ang bahay ni Albert. Medyo may kalakihan. Pinark ko ang sasakyan ko sa unahan kung saan nakapark ang sasakyan niya . Marami rami ng tao, nandun na din sila direk since nauna silang umuwi samin. At maya maya lang dumating na din ang iba pang cast at mga kaibigan niya sa showbiz. Pagpasok ko agad bumungad samin ang anak ni Albert. Agad siyang ngumiti sakin ata agad na hinalikan kami ng Daddy niya sa pisnge. "Nice to meet you tita beauty" bati pa niya. "Ayy thank you what's your name by the way?" pagtatanong ko, ang cute kamukang kamuka ng mommy niya. "Oh? Di mo ako kinukwento sa kanya daddy? Alyanna po" pabirong sambit ni Alyanna sa daddy niya. Pumasok na kami sa bahay niya umupo ako katabi nila direk. Nakipagchit chat, natopic pa yung 'relasyon' daw kuno namin ni Albert. Mga taong to malisyoso masyado! Almost ten o' clock na yun pero marami pa ding tao sa bahay ni Albert. Habang kami nina Dimples , Direk at lima pang cast ng KG ay nagkasarapan na sa inuman.. . . .  Maya maya isa isa na silang nagsisi-uwian.  "Una na ako Beauty ha" pagpapaalam ni Direk sakin. "Sige sige direk uuwi na din naman ako " ani ko. Maya maya napansin kong papalapit si Albert sakin, hindi ko alam kong nalasing na ba ako o ano pero hindi ko na siya masyado makita. "Uwi ka na?" pagtatanong niya. Tumango lang ako bilang sagot ko. "Ihahatid nalang kita, ako na magdadrive sa kotse mo" sambit niya. Siguro napansin niyang lasing na ako. Hindi pa naman eh "Hindi ako-- ako na  Albert, ma--masaya ka ba sa birthday mo?" pagbati ko ulit. Ngumiti lang siya, hanggang sa napansin kong lumalapit ang muka niya sa muka ko. Humakbang ako paatras. Para iwasan siya. "Ikaw ba ma---may gusto-- gusto ka sa--kin? Palagi mo nalang akong si-sinusubukang hali-halikan ah" ani ko, oo nga lasing na ako hindi na ako maayos magsalita. Hindi siya sumagot bagkos ay pinaupo ako sa sofa na malapit sa amin. "Kaya mo ba talagang umuwi?"pagtatanong niya sakin. "Akala ko ba-- hahatid mo ko ta--tara na" sambit ko sabay tayo at higit sa kanyang braso. "Sige hahatid na kita sandali kunin ko gamit mo, nak hatid ko muna pauwi tita beauty mo" Muli niya akong pinaupo sa sofa at maya maya ay inakay ako palabas ng bahay niya. Sinubukan kong tumayo at maglakad ko natutumba talaga ako. Nararamdaman ko nalang na hinawakan niya kanang kamay ko at inikot sa braso niya. " You know what gusto ko magalit sayo! --- gusto ko sampalin ka! pero di ko kaya -- may -- may asawa ako eh" bulalas ko. Pero hindi siya sumasagot sa mga sinasabi ko. "Bakit ayaw mo mag--salita ha?Ba--kit?" " Ah alam ko na! alam ko na! Hinalikan mo lang ako --- pero wala yun sayo, ganyan kayo eh bigla bigla kayo nanghahalik!" bulalas ko. "May-asawa ako eh pero bakit -- bakit mo ginugulo isipan ko, yung puso ko ?" dagdag ko pa. Pagkasabi ko non pinasok niya ako sa kotse, pinaupo. . . . . Pinikit ko ang mata ko dahil nahihilo na ako. . . Hanggang sa maramdaman kong hinalikan uli ako ni Albert. . . Na tinutugon ko, we kiss..  . . . "Mahal kita Beauty, Mahal kita" yan ang huli kong nadinig sa kanya. ALBERT'S POV Maraming tao sa bahay dahil nga naggpabirthday party ang anak ko para sakin. Nandito lahat ng cast ng KG,director,staff and iba pang mga co-actors ko. Kumain, nagkainuman at nagkasayahan, and I can say na masaya ako sa birthday ko, lagi naman talaga akong masaya every birthday ko pero iba ngayon and I dont know why. Habang hawak hawak ko ang isang basong wine nakatitig lang ako kay Beauty na medyo nasa kalayuan,kausap niya sila direk at KG cast, nagiinuman din. "Pre ang layo ng tingin natin ah" ani ng isang kaibigan ko sabay tapik sa balikat ko. Napangiti nalang ako at di na nagsalita. "Happy birthday nga pala pre " pagbati niya sakin "Salamat pare" maikling sagot ko sabay tapik sa braso niya. "By the way  pre, wala na ba talaga balak tumibok yang puso mo, matagal tagal na din" muling pagtatanong niya , hindi ako kaagad nakasagot. Siguro dahil hindi ko alam anong isasagot. Hindi ko alam kong hindi na ba titibok o tumibok na pero iniignore ko lang. Tiningnan ko si Beauty sa malayo at agad na tinapik ako ng kaibigan ko sa braso. "Pare, kilala kita and I know you dont stare someone for nothing" napakamot ako sa ulo ko sabay yuko, Oo nga naman bakit mo tititigan ang isang tao ng walang dahilan? "Pinipigilan ko naman pare eh" nauutal na sambit ko sa mahinang boses sabay inum ng wine na hawak hawak ko. "So meron nga pare?" paglilinaw niya at tumango lang ako. "Pare sa dami dami ng babae, siya pa?Bagay naman kayo eh pero may sabit parin pare " bulalas niya. "Kung sana natuturuan lang ang puso nung umpisa edi sana ginawa ko na pare" ani ko sabay lingon muli kay Beauty na subrang saya habang kainuman sina Dimples. "Pare sinasabi ko sayo, ikaw lang yung masasaktan , may asawa't anak yan, makakasakit kayo ng tao kung sakaling magkamabutihan nga kayo kung sakali " bulong sakin  ng kaibigan ko para hindi marinig ng iba baka mamedi. Hindi na ako sumagot, Oo nga naman , tama naman ang kaibigan ko. Parang pinaglalaban ko ang lupang may titulo na. Medyo kumirot yung puso ko nun, bakit pa kasi siya pa? Bakit hindi nalang iba? Maya maya isa isa ng nagsisiuwian ang mga bisita ko , mabibilang nalang ata ang naroroon. At ilang oras pa ang nakalipas nagpaalam na din sila Dimplres  at direk para umuwi. At naiwan nalang sa may si Beauty na pumupungay pungay. Nalasing ata. Kaya nilapitan ko siya. "Uwi ka na?" pagtatanung ko perto tumingin lang siya sa akin at tumango. "Ihahatid nalang kita, ako na magdadrive sa kotse mo" ani ko kasi pansin ko talaga lasing na siya. At mas naconfirm ko yun nang magsalita na siya. "Hindi ako-- ako na albert --mas-- masaya ka ba sa birthday mo?" ani niya na nginitian ko nalang at mas nilapit ang muka ko para tingnan kong namumula ba siya. At nagulat ako ng humakbang siya paatras at mas lalo akong nagulat ng magsalita ulit siya. "Ikaw ba ma--may gusto--gusto ka sa--kin?Palagi mo nalang akong sinusubukang hali--halikan ah" at natigilan ako, may gusto naba talaga ako sayo? Siguro kasi hinahanap ka na ng mata ko eh. at iba ang pakiramdam pagkasama kita, pero mali to, maling pagmamahal to. "Kaya mo ba talagang umuwi?" pagtatanong ko uli pa ibahin ang topic. "Akala ko ba -- hahatid mo ako ta--tara na" ani niya sabay tayo at higit ng braso ko lasing na nga talaga siya, kaya hinawakan ko siya sa dalawang braso niya at pinaupo pabalik. "Sige hahatid na kita sandali... kunin ko gamit mo, nak hatid ko muna tita beauty mo." pagpapaalam ko sa anak ko na kakababa lang galing sa kwarto niya. Nang makuha ko na ang mga gamit niya at susi ng kotse niya agad ko siyang inakay palabas ng bahay.  Hindi pa man kami nakakalabas nang tuluyan bigla na naman siyang nagsalita. "You know what gusto ko magalit sayo-- gusto ko sampalin ka pero di ko kaya  may--may-asawa ako-- eh " ani niya na may diin ang bawat salitang binibitawan niya. Binalewale ko nalang yun at hinayaan ko siyang magsalita ng magsalita. "Bakit ayaw mo mag--salita ha?Ba--kit?" "Ah alam ko na alam ko na! Hinalikan mo lang ako -- pero wala yun sayo, ganyan kayo eh bigla bigla kayong nanghahalik" Parang namove yung p*********i ko dun ah? I never kiss anyone aside kung nasa script . Napabuntong hininga nalang ako. "May asawa ako eh pero bakit-- bakit mo ginugulo isipan ko, yung puso ko" at sa sinabi niyang yung agad akong napahinto , tinitigan siya. Mabuti nalang nasa harapan na namin ang kotse niya agad ko itong binuksan at pinaupo siya. Nilagay ang sitbelt at sinarado ang pinto na malapit sa kanya at agad na umikot sa kabilang pinto. Hindi ako naniniwala sa kasabihang "In vino veritas" pero nang marinig ko ang namumutawi sa bibig niya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung magiging masaya ba ako kasi parehas kasi ng nararamdaman o by the mere fact na lasing siya kaya niya nasasabi ito ngayon. "Albert----I love you--" "Mahal kita---gusto kita---albert" At inaamin ko hindi ko napigilan ang sarili ko, tinitigan ko siya habang paulit - ulit na binabangit ang pangalan ko at ang mga salitang yun. Hinawakan ko ang muka niya, hinahawi ang buhok na nasa muka niya. . . . At hindi ko na namamalayang  dahan dahan na palang lumalapit ang muka ko sa muka niya. . . . . And for the second time . . . I kiss her again . . . But this time it's different . . This kiss is different from the first one . . She's responding . . A kiss that full of love, full of desire . . And I can't stop myself, I can't stop kissing her . . . Her hand starts caressing my face that urges me to want more. . . "Mahal kita Beauty, Mahal kita" ani ko nang akma kong hahalikan siya. Nakit kong nagvibrate ang phone niya. And I saw it's her husband calling. At tila binuhusan ako ng nagyeyelong tubig, agad napailing. "Mali to, subrang mali" bulong ko sa sarili kaya inayos ko siya sa pagkakaupo niya at hinawi ko ang buhok niya sa muka. "Mahal na nga siguro kita" ani ko sabay isang malalim na buntong hininga. "Pipigilan ko to hanggat kaya ko, kakayanin ko" dagdag ko sabay halik sa noo niya at haplos sa muka niya. Matapos yun ay agad ko nang pinaandar ang sasakyan niya at pinagmaneho siya pauwi. At ilang oras lang ay narating na namin ang bahay nila. Tinanggal ko na ang sitbelt niya at inayos iya. Muli ay tinitigan ko suya, at hinalikan siya sa pisnge at sa di malamang dahilan ay bigla akong napaluha.  Bakit? Bakit ko siya iiyakan? Agad kong pinunasan ang luha ko at lumabas ng kotse niya at nagdoor bell. Tatlong door beel ata yun bago bumukas ang gate nila at bumungad sakin ang asawa niya. Blanko ang muka, wala akong makitang emosyon. "Good evening, pinagmaneho ko nalang si Beauty nagkasayahan kasi sila ng mga co-actor namin sa bahay ko " pagpapaliwanag ko pero hindi siya nagsalita. Bagkos ay agad na dumiretso sa kotse ni Beauty at agad na inakay ang asawa niya. Nakita ko pang nahirapan siya, akma kong tutulungan sana siya kaso madiin na salita ang lumabas sa bibig niya. "Ako na pare, I can take care of ......my wife " kaya napahinto ako. Nakaemphasis pa ang salitang "my wife" "Eto nga pala yung susi " ani ko sabay bigay sa kanya na agad naman niyang kinuha. "Salamat sa paghatid sa kanya, and happy birthday nga pala" bati niya sa boses na medyo madiin parin hindi ko alam kong ganun ba talaga siya magsalita.  Hindi na ako nakasagot dahil agad na niyang sinarado ang gate nila. Napabuntong hininga nalang ako bago pumara ng taxi pauwi. Totoo kaya yung sinabi niya? May nararamdaman ba talaga siya sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD