Chapter 3

1045 Words
Matapos basahin ang personal na impormasyon ng suspek ay binuksan ko na ang laptop ko para makapagsimula. Maaga pa naman at isa pa hindi pa ako inaantok kaya mas mabuting masimulan ko na ‘to. Ilang minuto na ang nakalipas simula nang buksan ko ang laptop ko ay wala pa rin akong ginagalaw dito. “Ugh! Hindi ko kung saan ako magsisimula,” napasabunot na lang ako sa buhok ko. Aha! Kailangan ko munang bumuo ng grupo. Tama! Isipin mo na lang Tyrone na isa ‘tong group project at ikaw ang team leader at kailangan niyo ‘tong mapasa para maka-graduate. Ngayong pipili ng mga myembro na bubuo para sa grupo ko ay bigla naman akong naguluhan kung ilan ba at sino ang kukunin ko. “Takte naman, Tyrone! Ang gulo mo!” sermon ko sa sarili. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang unang tao na pumasok sa isipan ko. Matapos kong i-dial ang numero niya ay kaagad niya naman itong sinagot. “Sir, napatawag ka?” pambungad na bati ng nasa kabilang linya. “Na-miss kita kaya naman tumawag ako,” nakarinig naman ako ng mahinang halakhak. Siraulo rin ang isang ‘to eh. “Magkikita naman tayo, sir.” “Gusto ko lang marinig boses mo. Hindi kasi tayo nagkita ngayong araw,” ako naman ang natawa sa kalokohang naiisip. Marahil ay may-ideya na ang isang ‘to kung bakit ako napatawag. “Seryoso nga, sir. May atrasa ba ako sa’yo? Wala naman akong matandaan na may nagawa ako.” “Wala kang atraso, pero may kailangan kang gawin para sa akin,” pagse-seryoso ko. “A-ano naman ‘yon, sir?” hanggang dito ay ramdam ko ang kaba niya kaya tuluyan na akong natawa. “Prank call ba ‘to, sir?” “Hindi. Pero seryoso, may binigay si Sir Hammington na research at kailangan ko ng mga tao na tutulong sa akin para makagawa ng presentation. At ikaw ang unang tao na pumasok sa isip ko kaya tinawagan kita.” “Ikaw talaga, sir, sabi na may hidden desire ka sa akin eh. Type mo talaga ako.” “Eh kung tanggalin kaya kita sa grupo ko at simulan mo nang maghanap ng ibang trabaho?” pagbabanta ko sa kanya. “Ito naman hindi mabiro. Syempre oo na kaagad ang sagot ko sa’yo, sir. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin.” “Good! Anyway, I’ll explain what this is all about tomorrow along with the whole group. Thanks for the time Agent Allen.” “No worries, sir. See you!” masayang sagot nito at saka ibinaba ko na ang tawag. Kumuha ako ng papel at nilista ang pangalan niya, one member, check. Akihiro Allen, he’s a FBI special agent at ilang beses ko na ring nakasama sa mga operations. Familiar din siya sa kaso dahil isa siya sa mga field agent na kasama ko sa grupo ng hulihin namin ang suspek. Idagdag mo pa na kaibigan ko rin ang loko kaya nagagawa niyang makipag-asaran sa akin kahit na boss niya ako. Ang plano ko tatlong myembro ang kukunin ko para sa buong grupo. Hindi naman kailangan na sobrang dami namin. Ang importante ay may makatulong ako sa pagtapos ng presentation at pagbabasa ng files. Lalo na at tungkol sa psychological profiles of a serial killers ang pinaka-objective ng research. Sunod kong tinawagan si Agent Lewis, isa rin siyang special agent na kaibigan ni Agent Allen. Naisip ko siyang isama sa grupo dahil isa siyang computer genius na kailangan namin. “Good evening, Agent Lewis,” bati ko ng sagutin niya ang tawag. “Sir Chilton, napatawag ka?” “Yeah, I just want to invite you to be a part of my research team. And I know that you will like what would be doing,” I said. Kailangan kong gamitin ang interes niya para naman mapapayag ko siya. “Research team? Hindi ba dapat sa ibang division ‘yan, sir?” “Yeah, pero kinausap ako kanina ni Sir Hammington, at ‘yon nga, sa division natin napunta ‘tong project na ‘to. So, what do you think?” “Count me in, sir, hindi ko pa man alam ang gagawin o kung tungkol saan ang gagawin na research pero interesado ako,” agad akong napangiti sa naging sagot niya. “Then, I’ll set a meeting tomorrow for our team.” “No problem, sir! Thank you for choosing me to be part of your team,” masayang wika nito. “My pleasure,” I said at binaba na ang tawag. Sabi na at hindi ako mahihirapan kay Agent Lewis, paano ba naman kasi ay bukod sa pagiging computer genius ay mahilig din siya sa paggawa ng research. Isa na lang ang kulang para mabuo ko ang grupo pero wala pa akong naiisip kung sino ang pwede. Bukas na lang din kaya? Baka sakaling may gustong isali ang dalawa. Ilang minuto pa ako nakipagtalo sa sarili ko bago nagpasya na basahin ang case report. Kahit na alam ko na ang nangyari ay kailangan ko pa rin aralin ang kaso dahil mahigit sampung taon na rin naman na ang lumipas kaya siguradong may ilang detalye na akong nakalimutan. Mas mabuti rin kung may masisimulan na ako para madali naming magawa ang lahat. Paniguradong hindi na rin naman na kami mahihirapang gumawa ng presentation, kailangan na lang talaga maghanap ng kaso na katulad nito at aralin. Habang binabasa ang case report ay unti-unti rin bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari. Mula sa mga naging biktima, motibo ng suspek para patayin ang mga ito, kung sa paanong paraan niya ito papatayin, hanggang sa pagtugis at paghuli sa suspek. Naalala ko pa na naging matunog sa publiko ang kaso at talaga namang tinutukan ng mga tao. Halos lahat ata ng mamamayan ng Farm City ay alam ang kaso na ito. Karumal-dumal ang inabot ng mga biktima sa kamay ng suspek dahil sa paraan ng pagpatay nito. Tanda ko pa kung paano kami nito pinahirapan na hulihin siya. At sa huli ay nanalig ang hustisya dahil hanggang ngayon ay pinagbabayaran niya ang krimen na kanyang nagawa. Pero para sa pamilya ng mga biktima ay kulang pa iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD