ITINULAK KO PALAYO SA AKIN SI KENJI. Agad na dumistansya ako sa kaniya at ngumiti. Hindi naman niya ako kailangang yakapin pa. Okay lang ako. “Thank you,” pasasalamat ko sa kaniya kung hindi sana siya dumating ay hindi ako lulubayan ng mga iyon. Sa tingin ko ay mga fans sila ni Enzo na hindi matanggap ang naging kasal namin. “They need to pay for what they did,” seryoso ang mukhang saad nito at inalis ang mga balat ng itlog na nasa ulo ko. “I will talk to the management of this place. Hihingi tayo ng copy ng cctv para mahanap ang mga iyon at maparusahan sila sa ginawa nila sa’yo.” “Hindi na. Hayaan na lang natin sila.” Mas lalaki pa ang issue kapag ginawa namin iyon at mas maraming makikisawsaw. Gusto ko muna ng tahimikan dahil kakasal pa lang naman namin. Buong akala ko lang talaga wa

