KAREN "Kumusta naman ang mukhang sagana sa dilig?" tanong ni Kira habang may pilyang ngiti sa kaniyang mga labi at bahagya pang binunggo ang balikat ko bago uminom ng milkshake na hawak niya. Tinawagan niya ako para lumabas kami. Hinihintay pa namin si Marco na on the way pa lang. Nasa isang restaurant kami ngayon. Mula nang ikasal ako ay ngayon ko lang ulit silang dalawa makikita, that was more than two weeks ago, hindi gaya dati na madalas kaming magkakasama at halos araw-araw ay nagkikita kami. Alam kong may magbabago na ngayon dahil kasal na ako, pero hindi naman ako pinagbabawalan ni Enzo na lumabas lalo na at wala siya. "Tigilan mo nga ako," saad ko sa kaniya. Kahit na gaano pa ako ka-wild sa kama, hindi ko talaga ugaling ipagkalat ang mga kababalaghang ginagawa ko. It's my pri

