KAREN'S POV Kinabukasan ay hinatid ako ni Enzo sa airport. Naka-sumbrero rito para itago ang mukha niya at walang makakilala sa kaniya habang naka-sunglasses naman ako ng black para itago ang mugto kong mga mata. "Are you sure you are okay? I can go with you," saad nito habang nag-aalala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. "Dadalawin mo naman ako doon, hindi ba?" Sa pagkakaalam ko ay makikipag-coordinate sila sa pulis sa mga nangyari. Maliban kasi sa sunog ay may nangyaring pamamaril daw sa bahay ni Kuya Winston at ang tinamaan ay ang driver daw ni George kaya hindi normal na sunog lang. "Okay, take care," napipilitang saad nito at hinalikan ako sa labi. Kumaway ako sa kaniya bago ako pumasok sa loob. Nakita ko naman siyang nakatanaw sa akin. Sumabay ako sa mga taong naglalakad papasok

