KAREN'S POV Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko at parang maiiyak ako sa sinabi ni Enzo. Maging ang mga kamay ko ay nanginginig parang biglang sasabog ang dibdib ko dahil sa hindi magandang balitang narinig ko. “Enzo, that's... not a g-good joke,” naginginig ang mga boses na saad ko. She can't be dead. Ilang beses ko pa lang siyang nakita pero I know that George is a good person. Mukha siyang masungit para sa iba, pero mabait talaga siya. "I wish, this is only a joke. She caught on fire. She was burned alive inside their house." Tuluyan nang nanlaglag ang mga luha ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Enzo. Hindi ko na napigilang mapahikbi. Parang ang hirap i-absorb ng lahat. Hindi pa kami nakakapag-bonding na dalawa. Kakakasal pa lang rin nila ni Kuya Winston. Bigla kong naalal

