KAREN'S POV Nakatingin ako kay Enzo habang kumakain siya. Wala siyang imik habang ako naman ay malaki ang ngiting naghihintay na purihin niya ang luto ko pero subo lang siya nang subo at hindi umiimik kaya hindi ko tuloy alam kung masarap ba. Siguro naman masarap kasi kinakain niya. “Sir, tubig?” napatingin ako kay Madona na lumapit sa asawa ko na may dalang pitcher at sinalinan ng tubig ang baso ni Enzo bago muling bumalik sa kusina. “How was it? Masarap ba?” excited na tanong ko sa kaniya. Tumango ito sa akin, pero nasa plato lang ang tingin. Masyado siyang pokus sa pagkain. “Alam mo kahapon ay nag-grocery kami ni Madona, and I met a woman. Sabi niya, fan mo raw siya at paborito mo ang fried chicken breast kaya ipinagluto kita ngayon.” Napanguso ako. Kung hindi pa sinabi sa akin, hind

