Sabay-sabay kaming umupo sa mahabang mesa. Maraming pagkain doon. Tila naghanda sila para sa dinner. Nasa kabisera si Dad at sa kaliwang bahagi niya ay nakaupo sina Rachel at April, habang sa kanan naman niya ay ako at si Enzo. "I will accept you now. You already married my daughter; even if I declare a war, things will only get bloody," saad ni Dad kay Enzo nang magsimula na kaming kumain. Napangiti naman ako at napatingin kay Enzo. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya, pero ng mapatingin ako kay Rachel ay mataray lang itong nakatingin sa akin habang si April ay hindi ko maunawaan ang hitsura niya. Para bang gusto niyang tumututol na hindi ko maintindihan. "Thank you, Senator." "Call me, Dad.” Lalo akong napangiti sa sinabi ni Dad. Sapat na sa akin ang sinabi niya para malaman

