KAREN 6:55 nang makarating kami sa bahay. Agad na humawak ako sa braso ni Enzo nang makababa ako sa sasakyan matapos niya akong pagbuksan. Naging seryoso ang mukha nito, malayo sa pilyong hitsura niya kanina noong inaasar ako. Nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Don't be nervous," bulong ko sa kaniya. Baka kasi kinakabahan siya ngayon. "I am not." Tumingin ito sa akin. "I know your father." "Huh?" Napahinto pa ako kaya napahinto din s'ya dahil nakahawak ako sa kaniya. "I mean, everybody knows him. He is a senator," sagot nito. “Buong bansa kilala siya.” Tumango ako sa kaniya. Oo nga pala. Akala ko personal niyang kilala ang ama ko. Ako yata ang nininerbyos. Baka kasi sungitan siya ng ama ko dahil alam ko naman na may gusto siyang iba para sa akin. “Don’t be nervous,” balik bulong

