KAREN'S POV Napatingin ako sa malaking billboard ni Enzo na nasa edsa habang nagmamaneho ako. Dati, kulang na lang ay mapuno ng mga mukha niya ang mga billboards dito sa edsa pero ngayon ay tila umuunti na rin iyon. Mula nang ikasal ako, napansin ko na naghina o hindi masyadong nababanggit na ang pangalan niya. Alam kong may epekto ang biglaan naming pagpapakasal na dalawa. May mga fans na hindi natuwa lalo na at hindi maganda ang image ko. May prejudices na sila sa akin dahil doon. Napatingin ako sa larawan niyang kung saan nakapantalon lang siya at walang suot na pang-itaas. Hindi ko makita ang Japanese letters na tattoo niya sa tagiliran, pero kita ang ang tattoo niya sa braso. Titigan ko pa sana iyon nang biglang may bumusina sa likuran ko dahil sa sobrang bagal ng takbo ko kaya wal

