Karen Napatingin ako sa katabi ko nang magising ako. Nakayakap ito sa akin habang nakadapa sa kama. Napatingin ako sa sa glasswall na natatakpan ng makapal na kurtina. Mataas na ang sikat ng araw base sa liwanag na tumatagos sa may gilid noon. Ang balak ko ay maaga akong gigising ngayon, pero dahil biglang dumating ang asawa ko, bigla akong napuyat. Nasira ang schedule ko. Akala ko pa naman pagod na pagod siya kagabi ng makarating pero ilang oras lang natulog at nagsimula nang mangulit. Dahan-dahan kong inangat ang kamay niya para makabangon ako, pero muli niya akong hinila palapit sa kaniya. "Where 'ya going?" nakapikit na tanong nito at mahigpit na niyakap ako. Mukhang nagising ko na rin ito dahil sa paggalaw ko. May tumutusok na naman mula sa kaniya. Bakit ba palaging buhay na bu

