KAREN Hindi pa ako inaantok kaya lumabas ako ng kwarto. Wala pa rin si Mareng Enzo. Naiintindihan ko naman na maaring late na siya dumating. Nakikita ko dati si Tita Wella kung paano siya magpuyat kapag may shooting sila lalo na kung may mga take na kailangang kunan ng gabi. Naka-nighties lang ako pero nag-suot ako ng bathrobe dahil hindi naman ako pwedeng lumabas na masyadong sexy ang suot ko. Baka mamaya may tao sa baba. Nagtungo ako sa may bar area. Napangiti ako nang makita ko doon ang iba't ibang klase ng wine. Wala na si Madona, nine na kasi kaya baka nagpapahinga na siya. Agad na lumapit ako sa mga alak. Mas marami ang brandy at whisky doon, pero may mga red wine naman. Kumuha ako ng isang bote at isang kopita bago. Binuksan ko iyon bago ako naupo sa high stool sa may counter. N

