Paglabas ko sa opisina ni Dad ay agad na sumunod sa akin si April. Napatingin ako sa kaniya nang hinila niya ako sa isang side na walang tao. "What?" tanong ko sa kaniya nang pakawalan niya ang braso ko. Bakit parang galit na galit siya? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. "You really think dad will accept your husband?" tanong nito sa akin na para bang nagagalit ito. "At ano naman ang pakialam mo kung hindi siya tanggapin ni Dad? Bakit mas nag-aalburuto ka pa? Wala ngang sinabi si Dad, you are acting na para bang hindi mo matanggap na ikinasal ako," salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang inaasal niya ngayon. Para bang hindi niya matanggap na dadalahin ko ang asawa ko sa bahay mamaya. Huminga ito ng malalim na para bang pinapakalma ang sarili. Iniwan a

