Nandito kami ngayon sa bahay ni Tita Wella, kasalukuyan si Kuya Winston na nagte-therapy para makalakad na ulit siya. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag, pero mabuti na lang at napilit ito ni Tita Wella. Parang buhay na patay na ito. Wala na ring buhay ang mga mata nito kapag titingnan mo hindi gaya noon na puro kinang ng kapilyuhan ang mga mata niya. Napatingin ako sa mga kaibigan ng pinsan ko na nakaupo sa garden. Nasa second floor ako ngayon ng bahay kaya bumaba ako para pumunta sa kanila. Hinihintay nila si Kuya Winston na matapos sa daily therapy niya. Napatingin din ako sa asawa ni Six na si Riri, na ngumiti sa akin kaya ngumiti ako pabalik sa kaniya. Ipinakilala na nila na ni Six ang asawa niya sa akin kanina. May tatlong anak na sila. "Tangina mo naman, Smith. Gumagapang na na

