KAREN's POV Nasa isang cafe kaming dalawa ngayon ni Kira. Napag-usapan naming magkita matapos naming dalawa manggaling sa aming mga trabaho. Umattend ako ng isang opening ng isang branch ng bilang guest habang siya naman ay mukhang kagagaling lang sa paggi-gym. "Where's Marco?" tanong ko sa kaniya. Mas madalas kasi na silang dalawa ang magkasama. Hindi ko na rin iyon madalas nakikita lalo na at palagi na akong lumalabas ng bansa mula nang magsimula akong umattend sa mga fashion show. May mga ibang brand na rin na nagpapadala sa akin ng mga invitation kaya mas nagiging busy na ako. "I don't know. He said, He is busy, pero hindi ko naman alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya," wika nito. Tila wala naman itong pakialam sa kaibigan namin kung nasaan man ito. "How about you? Mas naging m

