KAREN'S POV “Answer me, naging kayo ba ng asawa ko bago kami magpakasal kaya kung makapagsalita ka parang may inagaw ako sa'yo?” walang ngiting tanong ko kay April habang nakatingin sa kaniya ng diretso. Ang pinakaayaw ko sa kaniya ay iyong sinasabihan niya ako ng mga bagay na hindi ko naman alam. “Enough,” saway ni Dad. “Everyone is busy. Hindi ba pwedeng bigyan n’yo muna ng katahimikan ang pamamahay na ito?” asik nito sa amin. “Sabihin n’yo iyan sa asawa ninyo na pakialamera,” sagot ko kay Dad. “April, alahas lang iyan. Simpleng bagay. Hiniram lang ni Mommy, pero bakit kailangan mo siyang sigawan kung pwede mo naman bawiin sa kaniya ng maayos?” wika ni April na pinalalabas na kasalanan ko na naman. Nanlilisik ang mga matang tumingin ako sa kaniya. “Ang pinakaayaw ko sa lahat pinap

