KAREN'S POV Umalis na agad si Dad nang muli itong bumaba, marami na ring tumatawag rito dahil sa nangyari kay Gov. Allegre. Habang ako naman ay may balak pa sanang manatili sa bahay gaya ng una pero mas naisipan kung umuwi na lang. Ayaw kong makasama sa iisang bubong si Rachel. Sinugurado kong naka-lock na ang pinto ng kwarto ko para wala nang ibang makapasok sa kwarto ko at mapakialaman pa ang gamit ko. Nakita ko si Rachel na napatingin sa akin habang nila-lock ko ang pinto. Ipinakita ko sa kaniya ang susi na hawak ko. "Sinusian ko. May malikot kasi ang kamay dito," pagpaparinig ko sa kaniya bago ako tumalikod. Napangiti ako habang bumaba ako ng hagdan. Pero nakita ko si Karen na paalis na rin. Busy yata masyado ang mga tao dito sa bahay. Si Rachel lang naman talaga ang walang silbi

