va KAREN'S POV Pagod na pumasok ako sa hotel room ko. Katatapos pa lang ng fashion show kung saan isa ako sa mga guest. Nagkaroon pa ng after party, kaya late na akong nakauwi. Ang hotel na ito ang madalas kung saan ako mag-stay kapag nasa Paris ako. Napaka-accomodating kasi ng lugar at palagi pa silang may freebies sa akin. Minsan kahit dinner or breakfast ay meron sila kahit na wala naman akong ni-request kaya nagugulat na lang ako kapag may kumatok sa kwarto ko at nagdadala ng pagkain sa akin. Nahihiya na nga ako minsan dahil parang ang swerte ko naman sa lugar na ito tapos minsan, nanalo din ako ng promo nila. Wala talaga akong binayaran. Kaya tingin ko lucky charm ko ang hotel na ito. Three weeks akong magtatagal dito at magwa-one week na kami ngayon. Ibig sabihin din, almost one

