KAREN'S POV Tinapos o lahat ng appointment ko sa Paris at nagmamadali akong bumalik ng Pilipinas. Three weeks din ako sa Paris, pero tumawag sa akin si Enzo kagabi at hindi ko mapigilang mapaiyak sa ibinalita niya. Buhay si George at kasalukuyan daw itong nanganganak. Grabe ang pasasalamat ko sa nalaman ko. Hindi ko pa alam kung ano ang buong detalye pero ang malaman buhay ang asawa ng pinsan ko at manganganak na ito ay ikinagagalak ko. Basta ang sabi lang ni Enzo ay nahuli na raw ang totoong salarin. Kasama ang team ko ay sabay-sabay kaming umuwi ng Pilipinas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Enzo na naghihintay sa akin sa airport. Napangiti ako ng malaki pero agad akong napatingin sa paligid. May mga tao pa namang nakakilala sa akin dahil wala namang takip ang mukha ko at n

