Malawak nang nakangiti si Chanel habang dinudungaw sa bintana ng eroplano ang papalapit na Isla sa kanila. Ang kanyang pakiramdam ay kagaya ng unang pumunta sila ni LV dito upang mag-camping na dapat sana ay kasama nila si Andrius. Ang kaibahan lang ngayon ay tutungo sila sa Kinabalu National Park upang akyatin nila ang Kinabalu Mountain kinabukasan. Ganundin naman ang pakiramdam ni LV nang mga sandaling iyon ngayon. Paulit-ulit niyang binabalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari noon sa kanila ng kasintahan niya ngayon. At ang hindi niya makakalimutan ay nagtungo sila doon ng walang relasyon kung hindi ang pagpapanggap lang nila at nang bumalik sila ng Kuala Lumpur ay magkasintahan na hindi suka’t akalain ni LV na mangyayari. At sa tuwing maiisip iyon ni LV ay hindi niya maiwasang kilig

