Nagawa na rin nilang magkasintahan na puntahan at bisitahin ang halos lahat ng mga tourist spot sa nasabi ng bansa. Iniisa-isa nila iyong puntahan at wala ng hinintay pang tamang araw upang bisitahin nila ang lugar na iyon. Nakakabawas pa iyon sa mga isipin na kanilang iniwan sa kanilang mga apartment. Maging ang Petronas Twin Tower ay ilang beses na nilang binalik-balikan. Nasa pusod iyon mismo ng Kuala Lumpur na pinaka-main city ng bansang Malaysia. Mayroong four hundred fifty two meters iyon na taas na halos ay umaabot sa mga ulap sa kalawakan. Eighty-eight floors at seventy-six elevators. At ang karamihan sa mga palapag na iyon ay inuukopa ng mga kumpanyang may sinasabi sa bansang iyon upang gawin nilang opisina nila. Palagi rin silang laman ng Suria KLCC, ito ang shopping centers na s

