Hindi na napigilan pa ni Chanel ang mahinang matawa sa kanyang narinig, maingay na ang mga paa niyang bumaba ng naturang hagdan upang iparinig na iyon sa kanila. Nagtagumpay siya dahil iyon ang naging dahilan upang matigilan ang magkausap sa kanilang mahinang mga hagikhikan nang dahil sa huling naging litanya na ni Addie. Busangot ang mukha ni Chanel na ilang saglit pa ay napalitan na ng natatawa na. hindi pa rin makapaniwala sa mga kasinungalingan nitong tinuran. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Addie na mukhang nababaliw na doon. Sinisiraan siya nito kay Lalaine, bagay na bagama't nakakatawa ay labis na 'ring nakakairita sa kanyang pandinig. At hindi siya makakapayag na ganun ang gagawin nito sa kanya ngayon. Siya iyong tipo ng tao na hindi papayag na maapi nang kung sinuman,

