Chapter 53

3153 Words

Halos lakad-takbo ang ginawa na ni Andras upang maabutan lamang ang malalaking mga hakbang ng kanyang kapatid na nakakuyom nang mariin ang dalawang kamao. Makikita ang bigat sa bawat hakbang ng dalawang mga paa nito sa lupa sa ingay na nililikha noon kahit na malayo na ito sa kanya. Kitang-kita niya sa pamamagitan noon ang bigat ng dinadala nitong hindi na napigilan pang hindi niya ipakita sa galaw niya. Nandidilim na ang mga mata ni LV ng mga sandaling iyon, hindi niya na matiis pa ang mga ginagawa ng dati niyang kasintahang si Addie na mga kasinungalingan patungkol sa kanyang nobya upang maging mabangong muli ang pangalan nito sa kanyang ina na paniwalang-paniwala pa rin naman sa kanya. Hindi niya na iyon kayang tagalan pa, hindi niya na kayang magbulag-bulagan pa at maging bingi-bingiha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD