Matamang iginala ni Chanel ang kanyang paningin sa kabuohan ng kanilang simpleng tahanan. Malaki iyon na mayroong dalawang palapag, kung ikukumpara ang kanilang tahanan na nasa Pampanga ay halos kasinglaki iyon noon at kasinggara rin nito. At ang pinagkaiba nito ay ang lokasyon na kinaroroonan ng nasabing tahanan nila. Maganda ang tanggapan nito, malawak na kagaya ng tahanan din nila. Maraming mga halaman sa paso ang pakalat-kalat doon, na sa tahanan naman nina Chanel ay mga painting nila. Maaliwalas din iyong tingnan, halatang alag ng mga taong nakatira sa tahanang iyon. May haplos ng kulay hilaw na asul na pintuna ang dingding nito, at kulay puti ang sahig. “Dapat ini-uwi pala natin dito iyong painting natin, Baby.” mahinang bulong ni Chanel na mayroong magandang nakitang spot na pwe

